Sunday, March 31, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 45 April 01 – 02, 2013


Kathryn Bernardo: Walang imposible ‘pag ginusto


ISA SA hinahangaang young stars ngayon si Kathryn Bernardo. Patunay rito ang kanyang top-rating teleserye na Princess and I, ang kanyang tinitiliang loveteam with Daniel Padilla at ang kanilang hit films tulad ng 24/7 in Love, Sisterakas at Must Be… Love. Kabi-kabila rin ang product endorsements ni Kathryn at maging ang kanyang mall shows ay dinudumog ng fans.
Pero aminado si Kathryn na hindi naging madali ang lahat para sa kanya kaya naman nagpapasalamat siya sa ABS-CBN for giving her good projects. “Kasi iyong awkward stage iyong nakakatakot. Thankful ako kasi noong nabigyan ako ng Magkaribal, parang nakatawid ako from the bata na p’wede nang mag-mature kahit papa’no. Hindi ko talaga inisip na magiging ganito,” she said during her interview on The Buzz.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Willie Revillame at Ruffa Gutierrez, nag-Holy Week sa Siargao?!

 

MARTES SANTO, nag-text ang isang kakilala na taga-Siargao Island (Surigao) na ‘andodu’n daw sina Willie Revillame at Ruffa Gutierrez.
Sabi sa text message ng kakilala namin, dumating daw noong Lunes Santo.
Namataan niya ang dalawa sa magkaibang pagkakataon daw na ‘yun.
Ayon sa source namin, ‘andu’n si Willie para bumili ng Resort. Si Ruffa, hindi malinaw kung kasama ba siya ni Willie or doon lang sila nagkita sa Siargao.
Don’t tell me na it’s Willie and Ruffa na ngayon?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Rosanna Roces, nakipagsapakan sa anak na lalaki!


NAGING BAYOLENTE ang nakaraang Holy Week for Rosanna Roces and her son Onyok. Osang revealed on her Facebook account na naging pisikal ang away nila ng kanyang kanyang anak.
“DI AKO MAKARELAX SINAPAK AKO SA MUKHA ….EH! SIKO NAMAN GINANTI KO SA ILONG NYA! NANGINGINIG ANG PUTANGINA DI NA MAKAGALAW SA KINASADLAKAN..TANGINA AKO PA GAGALITIN NYO EH LAKI AKO SA KALSADA..KAYO PUTANGINANYO PURO PAGPAPALAKI NG BAYAG ALAM NYO! KAHIT DALAWA PANG SINLAKI MO ONYOK ALAM MO GANO KO KALAKAS PASALAMAT KA WALA NA AKONG BARIL !!” galit na galit na sabi ni Osang sa kanyang FB account.
It appears na nagkasagutan muna ang mag-ina bago sila nag-away nang pisikal.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Nag-overheat lang daw Aga Muhlach at Charlene Gonzales, sumabog ang sasakyang speedboat!


AS USUAL, sa bahay lang ako nu’ng nakaraang Semana Santa at nag-ayos at nagligpit ng mga gamit ko sa bahay.
Habang nagsipagbakasyon ang lahat sa iba’t ibang lugar, mas na-enjoy ko naman sa bahay dahil tahimik ang lahat at walang katrapik-trapik.
Hindi ko naman type ang mag-beach, kaya mas masarap talaga sa bahay.
Naloka nga ako nang maghalungkat ako at nag-ayos ng mga gamit sa bahay, ang dami-dami kong mga litrato roon na gusto ko nang idispatsa.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]


Korina Sanchez, may silent war kina Kris Aquino at Karen Davila?!


OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka! Umpisa na naman ang pasabog mula sa mahaba-habang bakasyon. Ang iba ay pabalik pa lang mula sa kanilang probinsiya, at kami naman ay nagkukumahog sa dapat na mga pasabog na mga chikka. Alam kong gutom na ang aking readers sa mga kakaibang intriga rito sa aking column, kaya umpisahan na ang maiinit na tsimaks!
Kung natatandaan n’yo ang pitik-bulag ko nu’ng nakaraang araw, na ang tatlong K na pinagmamalaki ng kanilang network ay hindi magkakasundo, ‘eto na, parang totoo nga ang aking obserbasyon. Kasi nu’ng mga nakaraang araw, nakakuha ako ng basehan na dapat banggitin ko na ang panggalan nila, kasi halatado ko na totoo ang tsismis sa kanila. Bakit?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Billy Crawford, itinanggi ang planong pagpapakasal kay Nikki Gil!


IKINAGULAT NI Billy Crawford ang lumabas na balitang plano na nilang magpakasal ng girlfriend na si Nikki Gil. Diumano ay next year ito magaganap. Pero nang makausap namin si Billy, pinagdiinan nito na walang katotohanan na balak na nilang magpa-kasal.
Sa isang interview kasi kay Nikki, nagpahayag ito na may plano na silang magpakasal at pinag-uusapan na raw nila ito ni Billy. Hindi naman ito kinontra ni Billy, pero wala pa raw silang itinatakdang taon o araw sa planong pagpapakasal.
Matagal pa raw siguro ang pagpapakasal dahil marami pa silang balak sa buhay at ini-enjoy pa nila ang kani-kanilang showbiz career. Paglilinaw rin ni Billy na wala silang joint account ni Nikki. Siya raw ay may sariling acccout sa bangko at ganoon din si Nikki.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Holy Week break ng celebrities


MASUWERTE TALAGA ang magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa kanilang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Carlitos dahil bukod sa pagiging manager ng dalawa ang kanilang ina at very supportive naman sa kanilang mga career ang ang ama, patuloy ring sinusubaybayan ng mag-asawa ang buhay ng mga ito at tinuturuan kung saan nararapat ilagay ang kinikita nila sa pag-aartista.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Direk Cathy Garcia Molina, gustong magkatuluyan sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo!


BOX-OFFICE DIRECTOR Cathy Garcia- Molina reunites box-office stars John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo in her romantic- comedy movie series It Takes A Man And A Woman. Kahit may kilig factor ang movies ng batikang director, may pinagdaraanan din ang kanyang mga artista tulad ng character nina Laida at Miggy.
Say niya, “In every movie that we make, kasama ‘yung saya, kasama ‘yung problema. Whenever we do films with Sarah, medyo mahirap dahil with limitations involving Sarah. I told her, it’s never about you. Napakadaling katrabaho, napakabait. I think, you know about this kaya I’m willing to talk about it.”
Sinabi ni Direk Cathy, pareho nang nag-mature sina Sarah at Lloydie. Sarah and Lloydie medyo much higher than kung paano sila mag-usap. Siguro tumanda na rin sila. ‘Yung sinabi nila, parang private conversation, it’s really happened on my set. Dalawa silang nag-uusap, bigla nila akong tinawag. Sinabi ko kay Sarah, you don’t choose love. Love chooses you. Marami silang ganu’ng conversation.”

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]



Jiro Manio, hirap magbalik-showbiz


AMINADO SI Jiro Manio na nahirapan siyang maka-penetrate ulit sa showbiz. Sa live guesting ni Jiro sa Ang Latest Uplate: Holy Week Special last Monday, March 25, kinuwento niyang parang ambon lang ang raket niya sa ngayon, paunti-unti.
“Simula nang lumabas ako (ng rehab), wala pa talaga akong shows (na regular), guestings lang muna, tapos kaunting mga raket sa TV.”
Lagpas isang taon ding na-rehab si Jiro na ayon pa sa kanya, “I think one year ako sa rehab para makag-reflect, natutong magdasal and nakapagpahinga rin.”
May baby na siya na mag-aapat na taon na sa ngayon kaya raw gusto na ni Jiro na magkaroon ng regular show para pantustos sa bata. Sana muling mapansin si Jiro ng mga producer dahil alam na

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sunshine Dizon, ‘di na priority ang showbiz career!


HINDI RAW magdadalawang isip ang award-winning actress na si Sunshine Dizon na iwan muli nang pansamantala ang hilig sa pag-arte kapag naapektuhan na ang kanyang family life.
Tsika nga ni Sunshine na mas priority na niya ngayon ang kanyang pamilya at pangalawa na lang ang kanyang showbiz career, kaya naman daw handa niyang i-give up ang kanyang career alang-alang sa kanyang pamilya.
Very thankful ang magaling na aktres dahil sa kanyang pagbabalik-showbiz via Mundo Mo’y Akin ay binigyan siya ng GMA-7 ng cut-off sa pagtatrabaho para meron pa siyang oras sa kanyang pamilya.
Masaya nga ito dahil puro positibong feedbacks ang kanyang natatanggap sa kanyang role bilang Perlita. Bukod nga sa nasabing proyekto, may isa pang malaking proyektong gagawin si Sunshine sa Kapuso Network ngayong taon.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

John Lloyd Cruz and Isabelle Daza: It Takes a Man and a Woman!

MIGGY AND Laida are back! After years of waiting, sa wakas ay mapapanood na ng mga hopeless romantics ang third and final installment ng ‘A Very Special Love’ series. On March 30, pakikiligin na naman tayo ng tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo! Powerhug!
Teka… huwat?! Break na ang ating rain dance lovers?! Huwahappened?!
May bago nang babae sa buhay ni Miggy at ito ay gagampanan ng model-turned-actress na si Isabelle Daza. Well, sino ba naman ang hindi mapapalingon sa ganda ng unica hija ng Miss Universe, aber?!
Sa totoong buhay ay parehong committed sa kani-kanilang dyowawits sina Lloydie at Isabelle. Will this movie project change their lives?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sari-saring Chikka 04/01/13


Tapatan ng mga Kapamilya leading ladies


Kim, pinaiyak si Julia


Kabulastugan

SA TUWING may ilalabas na resulta para sa alin mang survey, dapat palaging kalakip nito ang pangalan ng grupo o tao na nagbayad upang maisagawa ang nasabing survey. Importanteng malaman ito ng sambayanan.
Ang resulta ng isang survey ay nakapag-iimpluwensya sa desisyon ng isang tao lalo na sa panahon ng eleksyon. Para sa isang pangkaraniwang mamamayan, halimbawa, mas pipiliin niyang botohin ang isang kandidato o mga kandidato na nangunguna o pasok sa survey.
Iisipin niyang bakit nga naman niya sasayangin ang kanyang boto sa isang kandidato o mga kandidato na talunan sa survey. Pero ang hindi niya alam, ito ang eksaktong gustong itanim sa isipan niya – at sa iba pang mga katulad niya – ng mga nagpapa-survey.
Ito rin ang bukod-tanging dahilan kung bakit handang gumastos ng milyun-milyon ang mga kandidato para magpa-survey. At siyempre, ang mga sumuka ng pera ang siyang mga papaboran at palilitawin na llamado sa survey.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Stalker ang Ex-Boyfriend

Dear Atty. Acosta,
NAKIPAGHIWALAY PO ako sa boyfriend ko dalawang buwan na ang nakalipas. Hindi maganda ang naging pagtanggap niya rito at sinabing hindi siya makakapayag na magkaroon ako ng ibang boyfriend. Madalas po siyang mag-text sa akin at nakapagtatakang alam niya ang lahat ng aking pinupuntahan pati na rin ang mga taong nakakasama ko. Ilang beses na po akong nagpalit ng number pero lagi pa rin niya itong naaalam. Ano po ba ang puwede kong ikaso sa kanya?      
Ana Clarisa

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ang Social Cost ng Pag-aabroad

KAMAKAILAN AY napabalita na paparami ang bilang ng mga kabataang nalululong sa droga ang mula sa mga pamilya ng OFW. Nakaaalarma ang bagay na ito. Masakit isipin na ang mga kabataang ito—na siyang dahilan kung bakit kumakayod sa ibang bansa ang kanilang mga magulang—ay naliligaw ng landas dahil sa hindi sila buo bilang isang pamilya. Sa halip na positibo, naging negatibo pa ang pangingibang-bansa ng mga OFW.
Hindi lang ang drug addiction ang isa sa mga social cost ng migration. Nandyan din ang pagtigil o pagiging tamad sa pag-aaral ng mga anak ng OFW. Wala nang tumututok sa kanilang mga pag-aaral. Nakababagabag din ang pagkakabuyo nila sa mga barkada na lalong naglulululong sa kanila sa masasamang bisyo.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Monday, March 25, 2013

Steven Silva, gustong ma-typecast sa ibat-ibang roles


Rocco Nacino, hindi nagmamadali sa mga daring roles


Enrique Gil, sunud-sunod ang projects pero walang lovelife


Kay gandang TV host, deadma sa may sakit na ama!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 44 March 25 – 26, 2013



Alam na ‘di siya basta-basta p’wedeng mag-quit Kris Aquino, drama lang ang pag-resign sa showbiz?!


KADALASAN, KAPAG Holy Week, patay na ang showbiz. What we mean, walang istoryang maisusulat dahil karamihan sa mga artista nasa bakasyon na.
Wala na ring mga taping or shooting at naka-break na sila for a long much needed vacation.
Pero bago magbakasyon ang showbiz, humabol ang iskandalo na kinasasangkutan nina Kris Aquino at dating mister na si James Yap.
Inayunan ang TPO (Temporary Protection Order) na hiniling ni Kris sa korte laban sa dating mister na si James habang ang hold departure order na nai-file ng da-ting mister noong nakaraang Biyernes ay hindi inayunan ng korte.
In short, tuloy ang bakasyon grande ni Kris kasama ang dalawang anak na sina Josh ay Bimby sa Europe.
Umalis last Saturday ang mag-ina para magbakasyon sa Paris, France.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]



Wala pa kasing sinabi na natupad Kris Aquino, wala nang naniniwala!


NAKAALIS DIN si Kris Aquino kasama ang mga anak niya patungong Europe kahapon.
Nakabantay raw nang husto ang PSG at ang airport police dahil iniiwasan daw itong makunan ng media at para hindi sila ma-interview. Pero bago sila umalis, nagpa-interview daw muna si Kris sa GMA-7 at ABS-CBN 2.
Nagtataka naman ako bakit siya nagpa-interview, eh akala ko ba may gag order?
Siyempre, mas alam naman nila ‘yun at alam ng abogado niya. Bukod pa riyan, may power sila at kaya naman nilang gawin ‘yan at lusutan ‘no!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Heart Evangelista, matanda na para mag-decide para sa sariling kaligayahan!


OLA CHIKKA now na! Oh yes, chikka na naman natin ang mga bonggang-bonggang nakakaloka talaga! At in na in ang chikka at usap-usapan kina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, na naalala ko, nagsimula ang usap-usapan na ‘yan nu’ng nakaraan write-up ko.
Ito na nga ang eksena, ipaalala ko lang, ngayon nga, pati si Sen. Miriam Defensor Santiago, ang nagsilbing bugaloo (read: matchmaker) para magkaigihan ang dalawa. If you are ignorant kung bakit umeepal si Ateh Miriam, it’s bacause mag-BFF sila ng payatolang aktres.
Naloka talaga ako to the highest level. Sinakyan. Pinaharurot. Sinawsawan ng lokal na media bilang isang nakababagabag at alog-tutuleng balita ang pagtutol ng mga magulang ni Heart sa relasyon nito kay Sen. Chiz. Matigas ang kanilang panawagang huwag nang pakialaman pa ng senador ang kanilang anak. Mayroon pa silang mga pasabog na si Escudero diumano ay lasenggo at bargas ang pag-uugali.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Kaysa humingi ng simpatiya sa publiko Sen. Chiz, mas dapat mag-sorry at ayusin ang problema sa parents ni Heart


TAMA ANG payo ni Sen. Miriam Santiago kay Sen. Chiz Escudero. Na lumapit ito sa mga magulang at mag-sorry.
Pero ano bang kasalanan ni Chiz sa parents para humingi ito ng sorry?
Meron ba?
Me paratang ang parents ni Heart na aakyat sa kanilang bahay na nakainom o lasing si Chiz at nakabukaka pang parang siga.
Parang nababastusan ang parents at ang isa pang isyu ay hindi pa totally annuled si Chiz sa first marriage.
Ang isinagot lang dito ni Chiz ay hindi totoo ang mga paratang.
At humuhugot pa ng simpatiya si Chiz sa publiko na para sa amin (opinyon lang naman ito), more than ever, hindi simpatiya kundi solusyon sa problema ang dapat na iniisip ni Chiz.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Enchong Dee, tinuluyan sa traffic violation!


MAY DETRACTOR si Nora Aunor na tila minamaliit ang Thy Womb at ang ipinupunto ay isa lamang itong indie film at hindi full-length movie.
What that detractor failed to realize is that indie man ang movie ni Nora na idinirek ni Brillante Mendoza ay nagbigay naman ito ng karangalan sa aktres, sa director at sa ating bansa.
Nora was adjudged as the Best actress sa 7th Asian Film Awards in Hong Kong, sa 6th Asia Pacific Screen Awards in Brisbane, Australia, and was awarded the Bisato D’Oro (Golden Eel), Critics’ Prize sa  69th Venice International Film Festival.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Lucy Torres-Gomez, ipinababalik ng mga kalaban ang suweldo at pondo ng kanyang distrito!


NATATAWA LANG si Lucy Torres-Gomez tungkol sa balitang ipinababalik ng kanyang mga kalaban sa pulitika ang kanyang suweldo at mga pondong nailaan sa mga proyekto sa kanyang distrito. Ito ay matapos ipinag-utos ng Supreme Court (SC) na bakantehin nito ang kanyang puwesto bilang representative ng Fourth District of Leyte, dahil hindi pa naman daw pinal ang kautusang ito ng mataas na hukuman.
“Hindi, okay lang ‘yan,” patungkol ni Lucy sa kanyang suweldo na puwede naman niyang ibalik.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Isabell Daza, first kiss si John Lloyd Cruz!


DAHIL NAKA-FIFTEEN thousand copies na ng nabenta ang first album ni Bea Binene na Hey It’s Me: Bea, kamakailan ay tumanggap ng Platinum Award ang young actress. Siyempre pa, labis ang kanyang tuwa dahil hindi raw niya inaasahan ito.
“Very unexpected na hindi naman talaga ako singer tapos magri-reach ng Platinum. Kaya sobrang thankful po ako sa lahat ng sumuporta at sa lahat ng bumili ng album ko.” 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Anong sasabihin mo kay Kristo ‘pag nakausap mo Siya ngayong Holy Week?


ANG LENTEN Season ay panahon ng pagdarasal, pagni-nilay at pagsasakripisyo habang naglalakad tayo kasama ni Kristo sa Kalbaryo. In this arduous journey, Christ suffered, was humiliated, betrayed and was crucified dahil sa ating mga kasalanan. Namatay Siya upang tayong lahat ay mabuhay.
The movie The Passion of the Christ is about the last twelve hours of Jesus Christ on earth. Si James Caviezel ang gumanap bilang Kristo sa pelikula. Sinasabing maraming tao ang umiyak sa loob ng sinehan habang pinanonood ito because they felt guilty, ashamed, moved at the enormity of Jesus’ sacrifice to save mankind. Sa isang eksena ay sinabi ni Kristo, “You have heard it said you shall love your neighbor and hate your enemy. But I say to you, love your enemies and pray for those who persecute you. For if you love only those who love you, what reward is there in that?” (www.imdb.com) Kung ikaw kaya ang sasabihan ng ganito ni Kristo, ano kaya ang isasagot mo sa Kanya?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Para patunayang artista rin siya Lito Lapid, umiyak sa teleserye


ONE YEAER in the making bago naipalabas ang fantaseryeng Little Champ ni Sen. Lito Lapid. Pero sa unang linggo pa lang nito, humataw agad sa taas ng rating. Nakakuha agad sila ng 17 percent base sa datos ng Kantar Media. Lalabas na ngayon Lunes ang character ng hari ng aksiyon na si Lito bilang si Amang Leon.
Nang gawin ni Sen. Lito itong bago niyang fanteserye, nakaramdam pa rin ng takot ang action star na baka hindi siya kagatin ng manonood. “Para ngang baguhan ako, malaki ang pagkakaiba noon at ngayon. Siyempre, hindi mo maiaalis sa akin ‘yan. Nanganganay uli ako, ‘yung ‘Jess Lapid Story’ ganu’n din ang naramdaman ko. Maraming nag-aalok sa akin, kasi noong araw, sa lahat ng artista at action stars, kami lang ni FPJ ang walang TV series. Kaya sinasabi ni FPJ, kapag kinukuha siya, ‘Sige, tatanggapin ko ang offer ninyo pero kausapin muna ninyo si Lito. Kapag tinanggap ni Lito, tatanggapin ko rin ‘yan’. Sinabi ko rin ‘yan, kapag tinanggap ni FPJ, tatanggapin ko rin. Nang mawala na siya, kailangan ko nang magdesisyon,” say niya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Paulo Avelino, dalawang pelikula ang kasama sa Cinemalaya

 

MARAMING HINDI naniniwala sa na-ging pahayag ni Kris Aquino na iiwan na niya ang showbiz dahil na rin sa kanyang anak. Tsika nga ng marami na isa na naman itong strategy para makuha ang loob ng mga tao.
Minsan na rin daw kasing nagpahayag si Kris noon na tatalikuran na ang showbiz para maging normal ang kanyang buhay at iwas sa kontrobersiya. Pero after a month, muli itong bumalik sa showbiz na parang walang nangyari.
Kaya naman ngayong nababalot na naman ang buhay nito sa kontrobersiya, muling nag-anunsiyo si Kris na iiwan ang showbiz. Kaya lang this time, mukhang marami ang ‘di na naniniwala.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ultimate athlete karate champion!


Sari-saring Chikka 03/25/13


Moving On


Kenkoy Coco


Rufa Mae quinto, ibang level na


Gawad Katapatan Award (Batch 6)

NOONG MARCH 22, 2013, Biyernes, muling ginanap ang pagbibigay parangal sa sampung tapat na mga listener ng programang Wanted Sa Radyo sa studio ng 92.3FM, Radyo5. Silang lahat ay nagsoli ng mga pera at mahahalagang bagay sa WSR na kanilang napulot upang maibalik sa mga may-ari nito. Ang walo sa kanila ay mga taxi driver, samantalang ang isa ay driver ng UV Express, at ang isa naman ay estudyante. Ang mga nabigyan ng medalyang Gawad Katapatan ay ang mga sumusunod: (1.) Manuel E. Tesiorna ng R. Villegas Taxi – nagsoli ng Iphone 5. (2.) Jonathan L. Lumangtad ng Balat @ Fe Taxi – nagsoli ng Ipad Apple laptop. (3) Nestor G. Catarining ng UV Express – nagsoli ng dalawang wallet na naglalaman ng kabuuang halagang P8,600.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

May Anak sa Pagkabinata ang Asawa

Dear Atty. Acosta,
MAYROON PONG a-nak ang aking asawa noong siya ay binata pa na itinuring ko na ring tunay na anak. Sa katunayan, tuwing bakasyon sa eskuwela ay nasa a-ming bahay ang kanyang anak. Wala po akong kakayahang mabigyan ng anak ang aking asawa kaya naman pumayag ako nang imungkahi ng aking asawa na kukuhanin niya ang kanyang anak upang sa amin na permanenteng manirahan. Ngunit nang malaman ito ng nanay ng bata ay hindi ito pumayag. Maaari po bang kuhanin ng aking asawa ang kanyang anak? Mas magiging komportable po ang buhay ng kanilang anak sa amin dahil mas malaki ang kinikita ng aking asawa kaysa sa nanay ng bata.

Friday, March 22, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 43 March 22 – 24, 2013



Kris Aquino kay James Yap: “Isang iyak ko lang, maniniwala sa akin ‘yung mga tao!”

APEKTADO NGAYON si Sen. Chiz Escudero sa mga binitawang salita ng mga magulang ni Heart Evangelista na sina Rey at Baby Ongpauco laban sa kanya. Binabastos raw kasi sila nang harapan ni Sen. Chiz at walang respeto ito sa kanila. Hindi malinaw kung bakit bigla na lang nagalit ang pamilya ni Heart kay Sen. ChIz. I’m sure, may ma-bigat na dahilan, ‘yun ang dapat nating alamin.
Nagpadala ang senador ng text massage sa GMA-7. Sinabi nito, kahit nadadamay siya, ayaw raw niyang manghimasok sa hindi pagkakaunawaan ng nobya at ng mga magulang nito. Sana rin daw ay hindi manghimasok ang iba para manatili ang puwang na magkaunawaan din sila.
Nagbigay ng pahayag si Heart tungkol sa issue. Happy siya sa takbo ng relationship nila ni Sen, Chiz. Lalo raw magpapa-tibay sa kanilang relasyon kung anuman ang kani-lang pinagdaraanan.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

James Yap, mas kapani-paniwala kaysa kay Kris Aquino!


BETWEEN KRIS  Aquino and James Yap ay mas marami ang nakuhang simpatya ng huli when the former filed a temporary protection order against her ex-husband.
Sa social networking site ay marami ang nagparating ng sympathy kay James at halos walang kumampi kay Kris. Ang paniwala nila, mas nagsasabi ng totoo ang basketball player.
“Ung kwento ni James Yap, mas kapani-kapaniwala para sa kin.. Paano naman nia sasaktan si Kris noh.. Takot lang nia,” sabi ng isang nag-comment sa isang website.
“True!!! At saka dec pa ngyari.. E knowing kris konting kibot nka tweet lalo n pag concerned ang mga bata,” sabi naman ng isa.
One guy believes na nawalan ng credibility si Kris this time.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Senator Chiz Escudero, idedemanda ng mga magulang ni Heart Evangelista

NAKAKALOKA NAMAN ! Nagsisimula nang mag-promote ang My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera, sinabayan naman ng malaking isyu nina Heart Evangelista, pati pa itong gulo nina Kris Aquino at James Yap.
Ang ganda pa naman ng dating ng trailer ng pelikula nila at unti-unti nang pinag-uusapan ang magandang chemistry nina Richard at Marian.
Sabi nga ni Richard, parang nakikita raw niya kay Marian ang katauhan ng nanay niya. Palaban kasi si Marian, at sinasabi niya talaga na ipinaglalaban niya ang gusto niya, basta wala lang siyang natatapakang tao.
Sabi pa ni Richard, nakikita niya kay Marian na mabait, maalaga at marunong makisama. Iyon din daw si Annabelle Rama kaya naging close agad ito. Bago pa nga raw naging Marimar si Marian ay nakilala na raw ito ni Richard at nagkasama pa sila sa SOP noon.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

John Lloyd Cruz, may pag-aalinlangan pa sa kanyang pag-arte?!


JOHN LLOYD Cruz remains on top of his game. Whether Lloydy admits it or not, he is one of the biggest and brightest stars of his generation. At sa paglipas ng panahon ay lalo pang kumikinang ang kanyang maningning na bituin. Pero sa kabila nito ay nakatapak pa rin sa lupa ang mga paa ni Lloydy.
Mapa-pelikula man o telebisyon ay talagang tumatatak sa publiko ang bawat karakter na kanyang ginagampanan. He breathes life into every character he portrays. Minahal siya bilang si Popoy sa One More Chance, Noel (In My Life), Mackie (Unofficially Yours), Rovic (Tabing Ilog), Yuri (Kay Tagal Kang Hinintay), Eli (Maging Sino Ka Man), Mateo (Imortal), Leon (A Beautiful Affair), at Miggy (A Very Special Love at You Changed My Life). 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

‘Di raw binantayan ang anak sa shooting ng pelikula Mommy ni Sarah G., tiwala kay Lloydie!


DAHIL SA supposed to be na halik ni James Yap sa dating misis na si Kris Aquino, isa na namang karnabal ang buhay ng Queen of All Media.
Heto’t ang isang simpleng kaso ng dating mag-asawa at sa custody ng anak nila ay nauwi na naman sa pista ng media at interes ng publiko.
Naghain ng TRO si Kris thru her lawyer Atty. Frank Chavez na diumano ay ina-accuse nito si James dahil sa pag-aabuso ng kanyang karapatan bilang ama ni Bimby. Sa lengguwahe ni Atty. Chavez, “abuse of visitational rights” and “inflicting psychological harm on their son Bimby”.
Inayunan ng korte ang kahilingan ni Kris na TRO na nagsasaad na hindi puwedeng lumapit si James kay Kris at sa anak (kasama ang mga maid at yaya ng anak) nito sa distansyang 100 metro.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Lovi Poe, isang malaking ‘good luck’ ang paglipat sa Singko


ANG KUMPIRMADONG balitang hiwalay na sina Louise delos Reyes at Enzo Pineda ay walang iniwan sa sinaing na hindi pa man naiinin ay sinandok na at inihain sa mesa. Resulta: hilaw.
Watching Louise on Startalk being interviewed by Butch Francisco was like putting the cart before the horse. Nauna kasi ang pag-amin ng aktres tungkol sa kanilang breakup ng nobyo, gayong wala naman silang inamin tungkol sa kanilang relasyon.
Louise could have earned the viewers’ empathy kung “niluto” muna ang kanilang real-life romance ni Enzo, sadly, walang pinanggagalingan si Louise, kung paanong hindi rin malinaw kung saan siya patutungo. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Marion Aunor, maraming kakabuging singer!

OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka na naman ng inyong Tita Swarding!
Kasi mula nu’ng na-kilala ko si Marion Aunor, ang dami ko nang naririnig na positive reaction tulad na lang nang mag-guest siya sa program ko a DZRH at RHTV. Naloka ako sa sinabi ng aking co-host na si Lady Ivy na may kakabugin daw itong si Marion ‘pag nagkataon, lalo na ‘pag full support na ito ng Star Records at Channel 2. Dahil hindi lang sa nag-iisa lang ang kanyang style sa pagkanta, iba raw ang dating nito sa karaniwang bagets. Kasi maganda na, matalino pa, at higit sa lahat, napakaganda ng boses at marunong mag-compose ng kanta. At ang pinaka sa lahat ay anak siya ng dating teen star na si Maribel Aunor at auntie niya ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Angelo Ilagan, nakipaglaplapan sa kapwa lalaki!


NAMATAAN NAMIN si Angelo Ilagan na kausap ang ibang entertainment writers sa labas ng Zirkoh, Tomas Morato last Saturday, March 16, kaya kinumusta na rin namin ito kung may mga pinagkakaabalahan ba siya ngayon at kung ano na ang estado ng kanyang big showbiz comeback. Big comeback daw, oh!
Aniya, “Ito okay naman po, medyo haggard ang itsura pero okay naman. Buhay ko po, nandu’n ako sa pagsubok pa rin na dinadaanan ko ‘yung hirap ng pagbalik po sa showbiz kasi hindi naman po ganu’n kadali dahil nawala nga po ako dahil nga po sa pagiging unprofessional ko at ang pag-alis ko ay medyo mali.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Angel Locsin, Bea Alozno, Toni Gonzaga at Shaina Magdayao, magsasama-sama sa isang malaking pelikula


NAG-PICTORIAL NA  kahapon, Thursday, sina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Shaina Magdayao and Angel Locsin para sa pelikulang kanilang unang pagsasamahan para sa 20th anniversary ng Star Cinema ngayong taon.
Dahil sa kanilang excitement for their first movie project together ay nagsama ang apat na aktres para magtsikahan, magkainan at magsaya.
Angel invited Toni, Bea and Shaina to her house for some bonding moments.
Tinuruan pa ni Toni ang tatlo ng body conditioning workout na kanyang ginagawa na ikinagulat at ikinatawa naman ni Angel, dahil para raw itong may halong dance movements na tila medyo nahirapang gawin ng aktres dahil hindi ito masyado mahilig sumayaw.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Camille Prats, wala pang nagugustuhan sa mga manliligaw


HINDI ITINATANGGI ni Camille Prats na may mga manliligaw siya ngayon. Pero wala pa raw siyang napupusuan sa mga ito.
“Hindi ko pa kasi nakikita na meron talagang sobrang linis no’ng intensiyon,” aniya. “Mga nagpapahaging. Nagpaparamdam. Meron. Pero wala pa ‘yong talagang fully na… liligawan kita, pupunta ako sa bahay n’yo, I wanna meet your parents. Wala pang gano’n. Wala pa naman. Eh, ‘di ba dapat naman gano’n kapag manliligaw?” natawang sabi pa ng aktres.
“Alam mo kasi, sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano ba ang ligawan sa panahon na ito. Dahil ang panahon ko noon kapag nililigawan, pinupuntahan sa bahay. Meet the parents, gano’n! So ngayon, hindi ko alam kung nanliligaw na ba sila. Kung iyon na ba ‘yon.”

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]