Friday, November 29, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 147 November 29 – December 01, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 147 November 29 – December 01, 2013

Paulo Avelino, basted kay KC Concepcion


KUNG PABOR nga ang magulang ni KC Concepcion na si Paulo Avelino ang maging boyfriend ng actress, ‘di naman pabor ang dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na magka-boyfriend ngayon.
Ayon kasi kay KC nang makausap ng ilang press sa katatapos na 27th PMPC Star Awards for TV, wala pa raw sa isip niya ang magka-boyfriend, matapos ang break-up nito kay Piolo Pascual.
Wala naman daw masasabing hindi maganda si KC kay Paulo. Mabait naman daw ang actor, pero hindi pa raw siya handang makipagrelasyon sa ngayon.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Angelica Panganiban, malabong pumunta sa kasal ni Melai Cantiveros

NAKAUSAP NAMIN sa nakaraang 27th Star Awards for TV si Angelica Panganiban bago pa man tanghaling as Best Gag Show ang Banana Split Extra Scoop ka-tie ang Bubble Gang. Hiningan namin siya ng reaksyon sa naging pahayag ni Melai Contiveros sa guesting nito sa Buzz ng Bayan na medyo masama ang loob niya sa kaibigan at sana ay naiintindihan nito ang sitwasyon niya.
Kung matatandaan, si Angelica ang unang pinaalaman ni Melai ng kanyang pagbubuntis, kung saan sa mga naging interview kay Angel ay nabanggit nito na nag-aalala siya na baka hindi kayanin, lalo na ni Jason, ang responsiblidad na papasukin ng mga ito bilang mga magulang. Ikinasama ng aktor ang naging pahayag na ito ni Angelica dahil pakiramdam daw niya ay minamaliit ang kakayahan niya bilang isang lalaki at bilang isang ama.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]


Marian Rivera, gusto pa ring makasama ng ex-bf na si Ervic Vijandre


KUNG MABIBIGYAN ng pagkakataon, gusto rin daw makasama ni Ervic Vijandre ang kanyang ex-girlfriend na si Marian Rivera sa isang TV project sa Kapuso Network.
Kasalukuyan kasing guest si Ervic sa seryeng Genesis ng GMA 7 na pinagbibidahan ng boyfriend ngayon ng ex-dyowa niya na si Dingdong Dantes.
Okey naman daw sila ni Dong. Civil, ‘ika nga. Nag-shake hands naman daw sila bago kunan ang kanilang mga eksena. Masaya raw siya para sa dalawa.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Rufa Mae Quinto, pinagtatawanan ang pagkapanalo sa Star Awards


PINAGTATAWANAN PALA ang pagkapanalo ni Rufa Mae Quinto sa recent Star Awards.
Kasi naman, for five consecutive years na yata siyang nananalo. Parang hindi naman niya deserve ang kanyang acting trophy dahil obviously ay mas marami na ang mas magaling sa kanya.
Bukod sa kinakalawang na siya ay palaos na rin siya, ‘no? Kaya magtigil ang mga ilusyonada niyang kampon na magaling siya. Isa pa, halos extra na lang siya sa gag show na kanyang kinabibilangan, ‘no!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Heart Evangelista, gusto nang makipag-usap sa ex-bf na si Daniel Matsunaga


KUNG WALANG aberyang mangyayari between now and tomorrow (Saturday), next in line sa segment ni Heart Evangelista sa Startalk ay ang kanyang ex-dyowang si Daniel Matsunaga. Aprub na kay Heart ang guesting ni Daniel, but will the latter be most willing to show up?
Naiintindihan namin ang outright “Yes!” ni Heart to the idea of having her former Brazilian-Japanese beau, after all, bahagi na ‘yon ng nakaraan regardless kung meron na siyang Senator Chiz Escudero.
To most people though, tila walang malinaw na closure sa kanilang paghihiwalay, na basta-basta na lang nagwakas after bumisita’t nakilala pa ni Heart ang partido ni Daniel sa Brazil.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Kris Aquino, gustong itulad si Bimby Aquino Yap kay Luis Manzano


HINDI RAW tutulan ni Kris Aquino ang kanyang anak na si James Bimby Aquino Yap kung ipagpapatuloy nito ang kanyang pag-aartista lalo na’t natikman na nito ang pag-aartista at bida pa sa My Little Bossings, kasama sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Aiza Seguerra at si Kris na entry sa 2013 Metro Manila Film Festival.
At kahit nga anong propesyon nga raw ang pasukin nito bukod sa pag-aartista, susuportahan nito. Pero kung siya raw ang masusunod, mas gusto nitong tapusin muna ni Bimby ang kanyang pag-aaral kahit saan daw nito gustong mag-aral mapa-Pilipinas man o ibang bansa, ibibigay nito sa kanyang anak.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Melai Cantiveros at Jason Francisco, patutunayan sa mga naninira na kaya nilang mag-pamilya


MELAI CANTIVEROS and Jason Francisco will tie the knot on December 9 in General Santos City, ang hometown ni Melai.
The soon-to-be-married couple guested on Buzz ng Bayan para bigyang-linaw ang ilang mga kontrobersiyang ikinakabit sa kanila at mga kaibigan. Melason confessed that they were hurt sa mga binitiwang salita ng ilang kaibigan tungkol sa kakayahan ni Jason na suportahan ang kanilang pamilya pero sa kabila ng lahat ay dinenay ng dalawa ang balitang hindi imbitado ang ibang kaibigan sa mahalagang araw na ito.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Bimby Aquino Yap, seloso sa personal


HINDI MASYADONG nanamnam ng taumbayan ang pananalo ni Manny Pacquiao kay Rios, dahil after two days, bumulaga na sa news na sinisingil siya ng BIR ng halagang P2.2B, dahil ilang taon na raw hindi nagbabayad ng tamang buwis ang Pambansang Kamao.
Ipinaliwanag maigi ni BIR Commissioner Kim Henares na two years ago pa sinabihan ng BIR ang kampo ni Manny, pero dinededma lamang daw. Pero kami ay naniniwala na me kapalpakan ang mga dating accountant o kung sinuman ang nangangalaga ng finances ni Manny.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Miss World Megan Young, dumating sa bansa bitbit ang $1.2-M na donasyon


BONGGA PALA si Megan Young na dumating sa bansa nu’ng nakaraang Miyerkules. May bitbit siyang 1.2 million dollars na ipamimigay sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Natutuwa si Megan dahil ‘yung mga bansang naikot niya bilang bahagi ng responsibilidad niya as Miss World 2013, nagbigay sa kanya ng donasyon.
Sa mga guesting daw niya roon sa mga radio at TV station, nagpaparang-telethon sila at doon nakapaglikom sila ng mga donasyon.
Ang dami raw niyang pinuntahan, pero ang pinakamalaki raw niyang nakuha ay sa Jakarta, Indonesia na kung saan may nagbigay ng malaking halaga bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Rufa Mae Quinto, isa lang daw ang ine-entertain na manliligaw


HALOS MAPATALON sa tuwa si Rufa Mae Quinto nang manalong Best Comedy Actress sa katatapos na 27th Star Awards For Television. Ito ay para sa galing niyang magpatawa sa Bubble Gang ng GMA 7 na nagwagi namang Best Gag Show ka-tie ang Banana Split ng ABS-CBN 2.
“Masaya ako dahil naniniwala pa rin sila,” masiglang pahayag ng sexy comedienne nang makausap namin after the awards night.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Vice Ganda, type ang pagka-tomboy ni Aiza Seguerra


HABANG PAPALAPIT na ang Metro Manila Film Festival this December 2013, ngarag ang bawat artista’t director sa pagtatapos ng kani-kanilang pelikulang kalahok sa nasabing festival. Kinarir ni Vice-Ganda ang apat na character na ginagampanan niya sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Super research ito sa character niya bilang lesbian. Ini-interview ni Vice at kumukuha ng pointers sa kanyang mga friends na tomboy.
Gusto ni Vice ang pagigig tomboy ni Aiza Seguerra. Simple pero may dating sa babae lalo na kapag nag-perform na ito on stage. Lalaki kung pumorma pati pananamit kaya keri nito ang pagiging lenggua. Nakai-in love daw ang mga love song na inaawit ng singer/composer. Watch din ng lesbian films ang magaling na singer/comedian.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

German Moreno, ipinagtanggol ang ‘pambabastos’ ni Jake Vargas


NAGSALITA NA si German Moreno na hindi sinasadya ng alaga niyang si Jake Vargas na mambastos sa promo nina Bea Binene at Ken Chan.
Ayon sa Master Showman na nakausap namin Tuesday night sa birthday concert ni Michael Pangilnan sa Zirkoh, kung ‘andito lang sana siya sa Pilipinas (he was in the USA for almost two weeks for the Gawad Amerika), hindi sana naganap ang sinasabing pambabastos ni Jake sa isa pa niyang alaga na si Ken during Bea’s music CD promo, kung saan sumulpot si Jake at kumanta pa sa live audience gayong promo ‘yun ng Bea-Ken duet na nakapaloob sa CD ng dalagita.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Pokwang and Jessy Tapatan sa kagandahan



Sari-saring Chikka 11/30/13



Ansabeee 11/29/13


Director, grabeng mamisikal!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Peligro ng Mahihirap


SA MGA nangyayari ngayon sa ating kapaligiran, partikular ang mga malalakas na bagyo at paglindol, dapat lang na isipin natin kung anong sektor ng ating lipunan ang pinakanaaapektuhan ng mga delubyong ito.
Pansinin natin na sa bawat trahedya ay laging ang mga mahihirap nating kapatid ang pinakanagdurusa sa lahat ng sektor ng ating lipunan. Bakit kaya pati sa mga peligrong dala ng kalikasan ay mga mahihirap pa rin ang nadedehado? Kung baga, kung sa batas ng tao ay sinasabing pumapabor ito sa mga mayayaman, bakit tila pati ang batas ng Diyos ay pabor pa rin sa mga may kaya sa buhay. Ito ang gusto kong pag-usapan sa artikulong ito.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Aksesorya sa Krimen


Dear Atty. Acosta,
NAIS KO lang po ma-laman kung ano ang ibig sabihin ng “accessory to the crime”?

“Universal apps”, ‘ika nga


NOONG OKTUBRE taong 2012 lamang, inanunsyo ng Google na may humigit kumulang 700,000 apps ang maaaring i-download sa Android’s Google Play. Ang Apple naman nagsabi na may isang milyong apps ang App Store. Hindi ito labanan kung sino ang may pinakamaraming apps na nagawa. Hindi rin ito labanan kung Samsung o Apple ka ba. Pero ang mahalaga, walang labanan. Dahil kahit magkaiba ang panggagalingan ng apps, may karamihang apps pa rin na puwedeng-puwede pareho sa Android phone o iOs phone. Halos 70 porsyento siguro ng mga bagets ngayon ang naka-smartphone,  kaya ano pa ang hinihintay mo? Mag-download ka na ng mga babanggitin ko!
Hindi lang naman Facebook, Twitter, Instagram at YouTube ang puwedeng i-download sa Android o Apple. Marami pa kaya! Tingin-tingin din ‘pag may time.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Tuesday, November 26, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 146 November 27 – 28, 2013

Cover page Taon#6_blg#146.indd

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 146 November 27 – 28, 2013

‘Di lang si Angel Aquino: Kitchie Nadal, kamukha ni Michelle Madrigal



Heart Evangelista, engaged na kay Sen. Chiz Escudero?!


HEART EVANGELISTA posted a photo of her and senator Chiz Escudero’s sweet moment sa kanyang Instagram account with this caption, “Thank you @saychiz for making me the happiest :) such a wonderful person:) I love you so much!:)”
Marami ang nag-post ng comment na kino-congratulate ang couple for their smooth-sailing romance.
Pero ang mas nakapukaw ng pansin ng followers ni Heart ay ang parang engagement ring sa kanyang daliri.
Engaged na ba si Heart kay Chiz? Kung true, kelan ang kasal?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Marian Rivera, pinataob ang mga magagaling na aktres!


LUTANG NA lutang ang ganda ni Marian Rivera nang dumalo siya sa 27th PMPC Star Awards For Television na ginanap noong November 24 sa AFP Theater. Siya ang nanalong Best Drama Actress para sa pinagbidahan niyang primetime series ng GMA 7 na Temptation Of Wife.
Ang iba pang nominado para sa nasabing kategorya ay sina Carla Abellana (My Husband’s Lover), Janice de Belen (Ina, Kapatid, Anak), Jodi Sta. Maria (Be Careful With My Heart), Judy Anne Santos (Huwag Ka Lang Mawawala), Kim Chiu (Ina, Kapatid, Anak), Maja Salvador (Ina, Kapatid, Anak), at Nora Aunor (Never Say Goodbye).
Bago tawagin ang winner, hindi umano kaba kundi excitement ang mas nangibabaw kay Marian.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Richard Gutierrez, ayaw nang magpatali sa kahit saang TV network


SA BACKSTAGE ng AFP Theater, kung saan ginanap ang 27th PMPC Star Awards For TV, nakatsikahan namin sandali si Richard Gutierrez at malugod naman kaming pinagbigyan ng macho at guwapong actor para sagutin ang tanong kung saang TV network siya pipirma ng kontrata.
“Actually, nagdesisyon talaga ako na this year ay wala muna akong pipirmahang exclusive contract sa TV network,” say ni Chard na kasama ang kakambal na si Raymond Gutierrez at mag-utol ding Toni at Alex Gonzaga na naging emcee that night ng Star Awards.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ryan Agoncillo, ayaw pang kumpirmahin ang pagbubuntis ni Judy Ann Santos


HINDI NAMAN siguro totoong buntis na si Judy Ann Santos, although hindi ganu’n kalinaw ang sagot ni Ryan Agoncillo nang tinanong namin ito nang mag-guest siya sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.
Sabi lang niya, hindi pa raw. Wala pa raw silang solidong pinanghahawakan, kaya hindi pa raw niya masasabing nakabuo na sila uli.
Pero ang narinig namin, ilang beses na raw na-pack-up ang taping ng Bet On Your Baby dahil sa kailangan daw ni Judy Ann ng bed rest.
Sabi naman ni Ryan, hindi naman daw bed rest talaga. Basta pinapag-rest lang daw.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Niño Muhlach, isusunod anak sa kanyang yapak


KUNG SINA Markki Stroem, RK Bagatsing at Archie Alemania bravely took on gay roles in Slumber Party. Lalo na ang dating child wonder na si Niño Muhlach who plays a very unique role as gay mother who is a leader in the community.  For the first time, now lang nag-portray ng beki  ang actor.
“Nakagawa na rin ako ng pelikula na nagbihis-babae ako, pero hindi ‘yung from the start bakla na talaga ang role ko,” tugon niya.
Nang i-offer ni Direk Eman dela Cruz ang role kay Niño, agad-agad niya itong tinanggap.
“Exciting ‘yung character, gustung-gusto kong gawin ‘yung role talaga. First time ito, before kasi may movie ako, lalaki ako na nagba-bakla-baklaan ako. Dito pati ‘yung lingo ng mga bading, pinag-aralan ko. Ang hirap i-memorize ‘yung line, bading kasi ang words. Bago para sa akin, nag-okay agad ako kay Direk,” tsika ni Niño.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Angelu de Leon, nagmukhang unprofessional sa ‘kabastusan’ ng magkapatid na Kobe at Andre Paras


KUNG HINDI ba naman bastos itong si Jake Vargas, inggit din pala itong alaga ni German Moreno.
Nagrason pa na hindi daw niya binastos ang baguhan na si Ken Chan (isa rin sa mga alaga ni Kuya Germs) ng mag-promote ng kanyang music CD si Bea Binene na sinasabing ex-girlfriend ni Jake, ayon sa isinulat ng kaibigang John Fontanilla sa kanyang column dito sa Pinoy Parazzi.
Ang rason ni Jake, kaya siya pumunta sa mall show ni Bea ay gusto niya itong suportahan. Kung hindi ba naman gunggong na utak-galunggong itong si Jake, ang pinromote ng recording company at ng GMA Artists Center ay ang bagong tambalang Bea-Ken.


[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sa loob ng 35 taon Lea Salonga, nanatili ang ningning ng bituin


TO STAY for more than three decades in showbiz is a feat. Only a few can endure this long. Maaaring sikat ka ngayon pero bukas ay hindi na. ‘Ika nga, longevity is the name of the game. Sa tagal ko na sa industriya ay marami na akong nakitang mga bituin na nawalan ng ningning at may mga artista namang hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang ningning!
Isang halimbawa nito ay ang international singing superstar at Tony Award winner na si Lea Salonga who will celebrate her 35 years in the industry with a concert titled PLAYLIST at the PICC Plenary Hall on December 6 and 7.

 [...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Pokwang, in-enjoy ang pagsubsob kay Enchong Dee

SABI NILA, ma-nominate ka lang, para ka na ring nanalo. Eh, ‘yung manalo ka pa talaga, ‘di ba? At wala ka pang ka-tie. Kaya feeling namin, ang suwerte-suwerte namin nu’ng manalo kami bilang Best Male Showbiz-Oriented Talk Show Host sa katatapos pa lang na 27th Star Awards for TV.
First time pa naming ma-nominate sa naturang kategorya. Tapos, mga beterano pa ang mga nominado rin, eh ‘di kakabahan ka nang bongga, ‘di ba?
Nakalulungkot nga lang, dahil ‘yung show na nagpanalo sa amin bilang host ay kinansela na sa ere. Pero kami naman ay sanay na sanay na sa ganyan, eh. Hindi na kami nasa-shock ‘pag ang isang programa ay kinakansela o tinatapos na agad na parang teleserye.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Freddie Aguilar, ginamit ang relihiyon para makalusot sa kaso?!


TALAGANG KA Freddie Aguilar would go around the law, maipilit lang niya ang kanilang pagpapakasal ng kanyang 16 year-old girlfriend (the girl turns 17 on November 29, still short of one year before she’s allowed to marry under Philippine laws).
The legendary folk singer has resorted to conversion from a Born-Again Christian to an Islam, kung saan sa ilalim ng Presidential Decree 1083 o Muslim Family Code of the Philippines ay maaaring ikasal ang sinumang lalaki na kinse anyos ang gulang.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Arjo Atayde, naluha sa kanyang best supporting actor trophy sa Star Awards


MARAMING NAGING emosyonal habang pinapanood ang mahusay na batang actor na si Arjo Atayde habang ibinibigay nito ang kanyang ‘thank you’ speech ng isa siya sa tinanghal na Best Supporting Actor para sa kanyang mahusay na pagganap sa Dugong Buhay sa katatapos na Star Awards for Television 2013. Ka-tie ni Arjo ang equally-good actor na si Arron Villaflor na nanalo naman sa mahusay niyang pagganap sa Juan Dela Cruz.
Inialay ni Arjo  ang kanyang pagwawagi sa lahat ng taong tumutulong sa kanya mula sa ABS-CBN, big bosses ng Kapamilya Network, staff ng kanyang mga naging show hanggang sa kanyang mga tagahanga at lalung-lalo na sa kanyang pamilya, sa kanyang very supportive mom (Sylvia Sanchez) at lola.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Geoff Eigenmann & Kylie Padilla: On The Wings of Love!


SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay bida na sa primetime series ng Siyete ang dalaga ni Binoe na si Kylie Padilla. Ang napakagandang dilag ang bida sa fantaseryeng Adarna, na inilunsad sa telebabad block noong nakaraang linggo. Sina Mikael Daez, Benjamin Alvez at ang gwapitong si Geoff Eigenmann lang naman ang magla-laban-laban sa puso ng bidang si Ada.
Matagal-tagal ding nawala sa sirkulasyon si Papa Geoff. Nakatanggap ito ng ‘fat memo’ mula sa GMA kaya ito’y nagsikap para muling pumayat at mabigyan ng work. In fairness, bilib na bilib kami sa determination ni Geoff, ha! Isang bonggang programa tuloy ang reward nito.
Alam ng lahat na boyfriend ni Kylie ang hunk na si Aljur Abrenica at si Geoff naman ay may real-life leading lady na sa katauhan ni Carla Abellana. What if pareho silang single and available? Will they be able to mingle? Tsek natin!


[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

The Talented Mr. Markki Stroem


GWAPO. MACHO. Talentado. ‘Yan ang ilan sa mga salitang tunay na makapaglalarawan kay Markki Stroem. Naalala n’yo ba kung paano halos mabaliw ang mga tagahanga ng Pilipinas Got Talent Season 1 nang umakyat ito sa entablado at kantahin ang kanyang version ng ‘Anak’ ni Ka Freddie Aguilar? Wala rin itong kiyemeng rumampa sa Cosmo Bachelors noong 2012. Well, if you have a body as nice as his, why hide it? Flaunt it!
May ilang nagtataas ng kilay at sinasabing ‘all looks but no talent’ ang mga tulad ni Markki. Hindi rin naman natin masisisi ang ilan dahil marami nga naman talagang ganyan sa industrya. Iko-confirm lang natin na hindi kasali sa grupong iyong ang Fil-Norweigan talent na ito.


[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ansabeee 11/27/13


Bureau of Purisima!


MALAKING KAPALPAKAN ang mga naging kaganapan sa Bureau of Customs (BoC) magmula nang maitalaga si dating AFP Chief General Jessie Dellosa bilang Deputy Commissioner ng Intelligence and Enforcement Group dito at magbitbit siya ng kanyang mga tauhang sundalo para magtrabaho sa bureau.
Sa simula, tila naging maganda ang takbo ng pamamahala ni Dellosa dahil naghigpit siya at pinag-a-alert nila ang mga kargamentong pinaghihinalaang naglalaman ng mga kontrabando at smuggled goods.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

GV Dahil sa 9gag at Best Vines


MINSAN NAIISIP natin na pare-pareho na lang ang nangyayari sa buhay natin. Pagkagising, naka-Internet agad ang karamihan sa atin para tignan kung may mga bago bang notifications sa Facebook, Twitter at Instagram. Iyong iba pa nga #selfie agad. Papasok sa eskuwela, uuwi sa bahay. Maglalakwatsa kasama kaibigan. Manonood ng TV. Mag-i-Internet, mag-i-Internet at mag-i-Internet.
Totoo nga naman, halos pare-pareho na lang ang ating routine sa araw-araw. Kaya hindi maiiwasan ang mainip tayo. Mga bagets pa, gusto niyan walang nasasayang na oras! Gusto niyang walang “dead air” nga na tinatawag. Kaya salamat sa 9Gag at Best Vines! Nang dahil sa mga ito, nawawala ang pagiging aburido natin at ng dahil sa kanila lahat tayo ay laging nakatawa!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sunday, November 24, 2013

Worst Love Teams

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Most Popular Female Stars

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Favorite Love Teams

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Hottest Issues

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Most Popular Male Stars

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Most Controversial Love Affairs

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 145 November 25 – 26, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 145 November 25 – 26, 2013

Cristine Reyes at Derek Ramsay, nagbalikan?!


MARAMI ANG nagtatanong kung nagkabalikan na sina Cristine Reyes at Derek Ramsay.
Nag-post kasi itong si Cristine ng photo na kasama si Derek sa car. The hunky star was seen driving while Cristine was on his side.
Actually, in bad taste ang pagkaka-post ng photo dahil na-capture nito si Derek habang nangungulangot.
Probably aware that the photo might stir controversy, nilagyan ito ng effects ni Cristine to make it more appealing. Maganda naman ang naging resulta.
But many are wondering if Cristine and Derek were back in each other’s loving arm. Kasi nga, nakunan silang magkasama.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

KC Concepcion, naiyak nang sabihang magpapayat?!


NALUNGKOT NAMAN kami para kay Direk Elwood Perez, dahil hindi pala n’ya natapos ang pelikulang The Trophy Wife ng viva films na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, John Estrada, Derek Ramsay at Cristine Reyes.
Kalat na nga na si Direk Andoy Ranay na raw ang ipinalit ng produksyon kay Direk Elwood para tapusin ang pelikula.
Pero ang siste, inumpisahan pala ulit ang shooting simula sa mga unang nakunan na ni Direk Elwood, dahil ang tsika ng aming very reliable source ay hindi diumano masyadong bet ng screening commitee ng Viva Films ang mga nai-shoot nang mga eksena ng beterano at mahusay na direktor.
Boss Vic del Rosario at Direk Elwood, may katotohanan ba ito?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Megan Young, nanghingi ng $5 sa mga Kano


NAG-GUEST SI Megan Young sa US talk show na Good Morning America para manawagan ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Pinas.
Nakasama ng Miss World 2013 ang mga ABC anchor na sina Lara Spencer at Josh Elliot. Doon lang nila nalaman na ipinanganak pala si Megan Young sa Virginia at pagdating niya ng 10 years old saka sila nanirahan sa ‘Pinas.
Ikinuwento ni Megan ang matinding delubyong dinanas ng kanyang mga kababayan kaya nanawagan siya sa mga American audience na mag-donate sa Philippine Red Cross.
Pakiusap niya sa mga Puti: “As little as $5 could provide a whole family with water and rice, supply for a period of time.”
Sinamahan si Megan sa studio ni Philippine Consul General of New York na si Mario Lopez de Leon, Jr.


[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Nakapag-frontal na raw kasi sa movie Markki Stroem, wala nang hiya sa pag-arte


SINGER/ACTOR MARKKI Stroem, actor/commercial model RK Bagatsing and character actor Archie Alemania play gay roles in Slumber Party, a comedy film directed by Emman dela Cruz. Sa nasabing indie film, tatlong beses na-nominate si Markki for Best New Actor sa iba’t ibang award-giving bodies. Na-nominate rin siyang Best Actor sa Cinema One last year. Inamin ng hunk actor na nahirapan siyaNG mag-portray ng gay role. Weird nga raw dahil hindi naman siya comedian pero napansin ang galing niya sa pag-arte. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Nagtatampo pa rin sa anak Willie Revillame, ayaw pa ring kausapin si Meryll Soriano


INAMIN SA amin ni Meryll Soriano na hanggang sa ngayon pala, ‘di pa rin sila nagkakausap ng amang si Willie Revillame. Tine-text at tinatawagan ang ama, pero hindi siya sinasagot nito, consistent pa rin sa mga pahayag nito na wala siyang sama ng loob sa ama at ang tanging ‘di nila pinagkakaintindihan sa ngayon ay ang kagustuhan niyang tapusin muna ang kanyang pag-aaral sa London bago niya pamahalaan ang negosyo ng ama, samantalang ang gusto naman ni Willie ay pamahalaaan na niya ang kanilang mga negosyo at ‘wag na niyang tapusin ang kanyang pag-aaral dahil sa huli ay sila rin namang mga anak ang magmamana nito.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]