AWARE SI James Yap na hahaba lang ang isyu kung magre-react pa siya tungkol sa mga emote ng kanyang ex-wife na si Kris Aquino tungkol sa pagpirma niya sa huling tsekeng nagkakahalaga ng ayaw ibuking na milyones para sa kanilang settlement. Masakit din para sa kanya ang mga kantiyaw ng ibang tao, na ang laki-laki raw pala ng halaga na mapupunta sa kanya dahil sa naging hiwalayan nila ng mommy ni Bimby.
Hindi kumportable si James na pag-usapan ang tungkol sa bagong pasabog ni Kris tungkol sa perang makakaparte niya sa kanilang naging hiwalayan. Bukod sa talaga naman kasing matipid magsalita ang sikat na basketbolista. Kahit masakit din sa kalooban niya ang kantiyaw ng ibang tao, deadma na lang siya. Nasa batas naman kasi iyon ng hiwalayan, kung anuman ang mapupunta sa kanya ngayon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment