MARAMING MAHAHALAGANG nasaklaw ang nagdaang SONA ni
Pangulong P-Noy. Ngunit kapansin-kapansin na walang nabanggit tungkol sa
mga OFW. Narito sana ang mga bagay na pakikinabangan ng mga OFW na
dapat ay naisama sa kanyang SONA:
1. Ang reporma sa ating mga embahada, konsulada, POLO at welfare
center. Panahon na marahil upang dagdagan natin ang mga tao natin sa mga
tanggapan natin sa abroad. Sa ngayon, masyadong malaki ang agwat ng
bilang ng mga Pinoy kaysa mga opisyales natin doon. Sa simula ay maaari
nating i-reinforce ang mga opisina natin lalo na sa Gitnang Silangan na
maraming kaso ng pang-aabuso. Marahil, maaari nating ilipat ang ilang
tauhan ng DFA na nasa mga mauunlad na bansa tulad ng Amerika at Europa
na ‘di naman gaanong nagkakaproblema ang mga OFW ‘di tulad sa Middle
East.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment