SIMULA NANG mauso ang Twitter at Instagram, aba,
ayaw paawat na rin ang mga tao sa sa paggamit ng #hashtag! Sa bawat
post, kanya-kanyang style din sa pag-hashtag. Kahit pati ang Facebook,
ang nangungunang social networking site ngayon ay nakigaya na rin.
Ano nga ba ang hiwagang dala ng hashtag at parang hindi ka “in” kapag wala kang ganito sa tweets, photos at status posts mo?
Ang hashtag ay idinisenyo para sa mabilisan at madaliang access sa
mga bagay-bagay. Ito ay ginagamitan ng number sign na # kadikit ang
kahit ano man ang iyong maisip na ninanais mong mag-trend o basta feel
mo lang i-hashtag. Ang hashtag din ay kadalasang ginagamit bilang isang
hindi pangkaraniwan at hindi pormal na pagsama-sama para maisagawa ang
isang talakayan. Kumbaga ito ang nagsisilbing kuneksyon mo sa lahat ng
tao na nasa mundo ng social media. Kumbaga, kung gusto mong mapansin o
magpapansin, hashtag lang ang solusyon diyan!
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment