Showing posts with label Anak ni Zuma. Show all posts
Showing posts with label Anak ni Zuma. Show all posts
Friday, September 13, 2013
Direk Wenn Deramas, nagawang masulot ang Galema sa Singko
PERSONAL PALANG nakipag-usap si Wenn Deramas kay Jim Fernandez at sa pamilya nito para bilhin ang rights ng classic komiks novel series na Galema, Anak ni Zuma at gawing fantaserye ito ng box-office director para sa Kapamilya Network. Kahit doble ang offer ng Singko, kay Direk Wenn ipinagkatiwala ng batikang nobelista sa komiks ang kanyang naiibang obra.
“Simple lang naman ang sinabi ko, kung sa akin ninyo ipagkakatiwala, mas mapapangalagaan ko ang takbo ng istorya at mapagaganda ko pa ito. At saka, nakasisiguro kayo na mas maraming makapanonood kaysa sa TV5,” tsika ng master storyteller.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, September 6, 2013
Direk Wenn Deramas, pinatawad na raw si DJ Durano
PAGKATAPOS NG presscon ng Momzillas na ipalalabas sa September 18, nakausap namin ang Box-Office Director na si Wenn Deramas at dito ay inamin nito na nagkausap na pala sila ni DJ Durano nang dumalaw ito sa kanya isang araw kung saan personal itong humingi ng tawad sa kanya.
Ayon kay Direk Wenn, naging maayos ang pag-uusap nila ng aktor, napatawad niya ito at ‘di rin itinago ng director na humingi din ng tulong sa kanya si DJ kung puwede siyang tulungan nito na mabigyan ng mga proyekto, kung saan agad namang tumawag at nag-text ang direktor sa mga kaibigan at kakilala sa produksyon na baka matulungan ang aktor.
Ipinaliwanag ni Direk Wenn na hindi niya sinabihan ang mga kaibigan at kakilala na huwag nang bigyan ng proyekto si DJ, pero ang mga ito mismo ang nag-akala na dahil naghiwalay nga ang landas nila ay ay ‘di na rin nila bibigyan ng project ang aktor.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, August 26, 2013
Magpinsang Sheryl Cruz at Sunshine Cruz, tinapos na ang samaan ng loob
PAGKATAPOS NANG matagal-tagal ding hidwaan ng magpinsang Sheryl Cruz at Sunshine Cruz, natuldukan na ito at ngayon nga ay magkasama sila sa seryeng Galema, Anak ni Zuma.
Kung matatandaan, ang naging ugat ng pag-aaway ng dalawa ay nang ‘di makauwi si Sheryl nang mamatay ang amang si Ricky Belmonte. Ilang taon din ang tinagal ng nasabing tampuhan at ngayon ay natapos na ito.
Ayon nga kay Sheryl, masaya siya sa pagbabati nila ng pinsan. Na-miss niya ang pagiging magpinsan nilang dalawa kung saan ngayon ay bukas na ang komunikasyon sa pagitan nila.
Aminadong nagbukas din naman ng problema niya si Sunshine sa kanya, pero hindi na nagtanong pa si Sheryl nang higit pa sa kung ano ang dapat niyang itanong, lalo’t kasisimula pa lang nilang magkatrabaho sa Galema. Nalulungkot sa sitwasyon sa ngayon ng pinsan, pero naniniwala si Sheryl na matapang at matatag na hinaharap ni Sunshine ang problema nito sa asawang si Cesar Montano, lalo’t may mga anak ang mga ito na sangkot.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, August 16, 2013
Gerald Anderson, natupad ang pangarap na makasama si Piolo Pascual
HINILA NA agad si Gerald Anderson sa presscon ng OTJ dahil babalik pa ito sa taping ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Pero sinuwerteng nakausap namin ang aktor nang puntahan namin siya sa dressing room kung saan na-interview siya ng ilang TV crews.
Ayaw nang magbigay ng anumang komento tungkol sa ginawang pagtatanggol sa girlfriend na si Maja Salvador sa mga bashers nito, ipinaliwanag sa amin ng aktor na ‘pag sumagot siya ay hahaba lang ang usapan at lalala.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)