Showing posts with label T3. Show all posts
Showing posts with label T3. Show all posts
Tuesday, November 19, 2013
Auction sa T3!
MAY APAT na pamamaraan upang tayong lahat ay makatulong para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Una, maaari ta-yong magbigay ng cash donations. Pangalawa, puwede tayong magbigay ng mga groceries o ng ating mga lumang gamit at damit. Pangatlo, maaari rin tayong mag-volunteer para sa repacking ng relief goods. At pang-apat – kung walang-wala rin – isama sa ating mga dasal ang lahat ng mga biktima sampu ng kanilang mga pamilya.
Ang unang tatlo ay maaari nating idaan o sa pamamagitan ng pagpunta sa Philippine Red Cross o anumang ahensya at foundation na ating nais piliin. Samantalang ang pang-apat – ang pinakamadali, pero mahalaga rin – ay puwedeng gawin nang hindi na tayo kinailangan pang umaalis ng ating
tahanan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, November 12, 2013
Bastos!
KAMAKAILAN, ISANG dalaga ang nagsumbong sa T3 matapos tanggihang makasakay ng eroplano papuntang Macau ng isang kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA Terminal 2. Ayon sa dalaga, pinagdudahan daw siya ng nasabing kawani na hindi pagtu-tour ang kanyang pakay sa Macau kundi ang maging pokpok lang daw roon.
Kung totoo ngang sinabihan siya ng ganito, nagpadalus-dalos ang nasabing kawani at maliwanag na pambabastos ang ginawa niya sa dalaga. Nangako naman ang BI sa T3 sa pamamagitan ng spokesperson nila na si Maan Pedro na kanilang paiimbestigahan ang insidente.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, April 7, 2013
Sino si “Andy Wong”?
MATAPOS ANG kaliwa’t kanang pagkakabuking sa talamak na smuggling ng mga bigas,
pumuputok na naman ngayon ang hinggil sa malawakang oil smuggling sa
bansa. Dahil dito, mismong si Bureau of Customs Commissioner Ruffy
Biazon na ang umamin na kailangan nang magkaroon ng malawakang balasahan
sa bureau.
At ang dapat na nangunguna sa listahan ni Biazon na mabalasa ay ang amo ng isang gumagamit ng alyas na Andy Wong na kilala sa code name na “Peter” sa smuggling community. Ang mag-among ito ang isa sa kadahilanan kung bakit lumalala ang smuggling sa bansa.
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, si “Wong” ay taga-Cebu City at dinala siya ni “Peter” sa Maynila upang maging kolektor ng mga tong mula sa mga smuggler. Ang lahat ng smuggler ng bigas at electronics sa buong bansa ay tinatarahan ni “Wong” ng P20,000 per container. Sa ibang mga smuggled items naman tulad ng ukay-ukay, gulay, IPR atbp., P15,000 kada lata naman ang hinihingi raw na tara ni “Wong”.
At sa mga regular items, ang kinokotong daw ni “Wong” mula sa mga smuggler ay P10,000 per container. Pagdating naman sa smuggling ng langis, ang amo na raw ni “Wong” ang nakikipagtransaksyon na mismo sa mga player.

Subscribe to:
Posts (Atom)