Showing posts with label WowoWillie. Show all posts
Showing posts with label WowoWillie. Show all posts
Thursday, December 19, 2013
Wednesday, December 18, 2013
Sunday, November 24, 2013
Nagtatampo pa rin sa anak Willie Revillame, ayaw pa ring kausapin si Meryll Soriano
INAMIN SA amin ni Meryll Soriano na hanggang sa ngayon pala, ‘di pa rin sila nagkakausap ng amang si Willie Revillame. Tine-text at tinatawagan ang ama, pero hindi siya sinasagot nito, consistent pa rin sa mga pahayag nito na wala siyang sama ng loob sa ama at ang tanging ‘di nila pinagkakaintindihan sa ngayon ay ang kagustuhan niyang tapusin muna ang kanyang pag-aaral sa London bago niya pamahalaan ang negosyo ng ama, samantalang ang gusto naman ni Willie ay pamahalaaan na niya ang kanilang mga negosyo at ‘wag na niyang tapusin ang kanyang pag-aaral dahil sa huli ay sila rin namang mga anak ang magmamana nito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, October 6, 2013
Sa panawagan ng asawa na mag-resign si Senate President Franklin Drilon Mariel Rodriguez, solid ang suporta kay Robin Padilla
SOLIDO ANG suporta ni Mariel Rodriguez sa paninindigan ng asawang si Robin Padilla sa panawagan nitong mag-resign na sa kanyang katungkulan si Senate President Franklin Drilon.
Ito ay kasunod sa post ni Robin sa Instagram nito ng litrato ni Senator Drilon, kung saan kalahati ng katawan nito ay baboy. Ni-repost din ito ng asawang si Mariel Rodriguez sa kanya ring IG account noong araw ring ‘yun, October 1.
Sa panayam ng Aksyon ng TV5, sinabi ni Mariel na may mga tao raw na nag-react sa kanilang post. Aniya, “May ibang mga taong nagri-react na ‘It was so rude daw to post.’ Rude talaga, sabi ko, sorry for being rude, kasi rude din naman ‘yung ginagawa nila dahil nagbabayad tayo ng buwis tapos, ‘di ba nagkakalabasan na?”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, August 18, 2013
Katya Santos, nakatakda nang manganak
ANY MONUMENT pala ay maaari nang manganak sa unang pagkakataon ang dating child star at Viva Hotbabe na si Katya Santos.
Ikinasal na si Katya sa ama ng kanyang magiging anak na si Anton delos Reyes na non-showbiz, dahil gamit na nito ang apelyido ng huli sa kanyang facebook account.
Tala ang ipapangalan ng dalawa sa kanilang first baby, na malamang ay girl dahil na rin sa name nito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, June 18, 2013
Isyu ng pang-aabuso sa kababaihan Daiana Menezes, ginawang katatawanan?!
SA KANYANG Instagram, nag-post itong si Daiana Menezes ng kanyang sentimyento tungkol sa “rape”, “abuse on women” at kung anu-ano pa sa pamamagitan ng mga designed poster-slogan.
May picture siya na ipinot sa kanyang followers na may sugat ang kanyang braso na sa unang tingin, gawa ng matalas na bagay. Parang laslas o nilaslas.
Wala man siyang sinasabi na battered woman siya (and wife for that matter ng isang kongresista); ang iisipin mo, malamang sa hindi ay biktima siya ng karahasan.
Marami ang naalarma. Marami ang na-rattle sa mga nai-post niya. Sa mga social network tulad ng Instagram, Facebook at Twitter, ang sambayanan na nagmamasid at nakikiusyoso, marunong na ring makialam at magbigay ng kanilang opinyon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Thursday, May 30, 2013
Friday, May 24, 2013
Jed Salang, magsasalita na sa hiwalayan nila ni Ai-Ai delas Alas?!
GUSTO KO munang magpasalamat sa lahat na nakaalala sa birthday ko nu’ng nakaraang Lunes. Nakaka-touch naman dahil hanggang ngayon ay may mga dumarating pang regalo. At least, kahit huli nagpapahabol pa rin.
Ilang araw ngang may pa-lunch o ‘di kaya pa-merienda na hinu-host para sa birthday ko. Tapos ang ibang nagpapadala ng regalo sa akin, talagang may konek sa edad ko, ha!
Gaya nang ipinadala sa akin ng mag-asawang Sen. Manny at Cynthia Villar, bukod sa lechon at nakaka-touch na card na ibinigay sa akin, meron talagang pinadalang regalo na P66 thousand, para konek sa edad kong 66 na! Ibig sabihin, tuwing birthday ko padagdag nang padagdag ng 1 thousand ang birthday gift sa akin. Nakakatuwa naman!
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, May 21, 2013
Willie Revillame, ‘pag bumalik sa Dos, marami ang magre-resign?!
I THINK nagsimula ang paggamit ng pangalan bilang pandiwa o verb kay Vice Ganda nu’ng pausuhin nito ang “I-Dawn Zulueta mo ako!” Na ang ibig sabihin ay “buhatin mo ako nang nakatayo ako at iikot mo ko.”
Hanggang sa pati ang “I-Aryana mo ako!” na ang ibig sabihin ay “buhatin mo ako nang nakahiga ako at magkaharap ang mukha natin!”
At nu’ng on national tv ay inamin ni Ms. Universe 1st runner-up Janine Tugonon sa “Kris TV” na na-in love talaga siya sa lead vocalist ng The Script na si Danny O’Donoghue, kaya inisplitan niya ang long time boyfriend na si Jaypee Santos, nauso naman ang salitang, “I-Janine Tugonon mo na ‘yan” na ang ibig sabihin ay, “isplitan mo na ‘yan, dahil me bago ka nang mahal!”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, April 23, 2013
Nag-playtime sa malaking bumper ng dancer Willie Revillame, walang kadala-dala!
NALINTIKAN NA naman si Willie Revillame sa nakita ng MTRCB sa show niya noong nakaraang Lunes, April 16, kung saan ang baguhang dancer niya sa noontime show niya na Wowowillie na ang pangalan ay Charm ay agaw pansin ang napakalaking bumper nito na na-ging focus ng playtime ng host sa harap ng live audience, sa kabila ng MTRCB warning na ang show niya ay PG (Parental Guidance).
Hindi lang ito ang una. Madami na mga offense ang show ni Willie na hindi lang masyado napapansin. Mula sa mga super sexy outfits at ang pagpapakita ng sobrang “laman” ng mga dancer niya na para sa isang pantanghaling palabas (with young children na nanonood), sobra nga naman ito.
From PG, on probation ngayon ang show ng komedyate-host to SPG (Strong Parental Guidance) rating.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Mariel Rodriguez, magbabalik-Kapamilya?!
MARAMI ANG nakapansin at nagtatanong sa amin kung bakit hindi na napapanood si Robin Padilla sa sitcom na Toda Max tuwing Sabado ng gabi, kung saan isa ito sa mga bida kasama sina Vhong Navarro, Pokwang at Angel Locsin.
Narinig namin noon na magko-concentrate muna raw ang action superstar na mag-taping para sa kakatapos lang nitong teleserye with Kris Aquino and Anne Curtis na Kailangan Ko’y Ikaw dahil daw medyo mahirap ang mga eksena at naghahabol sila ng airing date, bukod sa medyo mahirap daw pagtugmain ang mga schedule ng tatlo nu’ng mga panahon bago pa ito ipalabas dahil sa kanilang mga previous commitments.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Thursday, April 4, 2013
Sa hiwalayang Cesar at Sunshine Krista Miller, tigas sa pagsasabing wala siyang kinalaman!
HALOS MAPIKON na ang mga inimbitahang press sa press launch ng pinakabagong reality show sa TV5 na Boracay Bodies nang walang makuhang matinong sagot sa kontrobersyal na starlet na si Krista Miller.
Sagot ba naman kasi ng hitad sa tanong kung ano nga ba ang real score between her and Cesar Montano, “Wala… deadma lang.”
At nang matanong naman kung ibinalik ba ang mga regalo ni Cesar sa kanya kay Sunshine Cruz, sabi ni Krista: “Ubos na. Siyempre ang tagal na nu’n. Tsaka bakit ko iba-balik, ‘di naman sa kanya ‘yun?”
Pero ang labis na ikinapika ng press ay nang magpaliguy-ligoy ito sa pagsagot nang tanungin kung ano ang masasabi niya na siya ang dahilan sa paghihiwalay nina Cesar at Sunshine. Pangiti-ngiti lang itong si Krista at paulit-ulit ang pagsasabing panoorin na lang ang kanilang show at marami raw siyang pasabog doon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Nagpaparinig na naman? Willie Revillame, nagpapaalam na show?!
HAD THE chance to do some TV surfing noong Miyerkules ng tanghali. As expected, naaaliw pa rin ako kay Ryzza Mae Dizon sa kanyang natural na pagpapatawa.
Sa totoo lang, mas magaling si Ryzza at mas mabilis sa kanyang repartee with her co-host sa Eat Bulaga kung ikukumpara mo si Aiza Seguerra sa kanya na noong nagsisimula pa si Aiza, mukhang delayed reaction ang sagot n Aiza noon.
Mas ‘di hamak na mas nakakatawa si Ryzza kaysa kay Jilllian Ward na sa tingin namin at obserbasyon, napaplastikan ako sa pilit nitong pagpapa-cute at pagiging smart which I think hindi naman.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Isabelle Daza, napansin dahil sa movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo!
SALAMAT KAY Direk Cathy Garcia Molina, nabigyan niya ng magandang role si Isabelle Daza para ito mapansin at masabi na may karapatan itong magdrama at pumasok sa showbiz.
Naalagaan ni Direk Cathy si Isabelle sa role na ipinagkatiwala sa kanya sa It Takes A Man and A Woman, dahil lumabas itong natural at mahusay.
Samantalang inamin ni Isabelle na kinikilig siya sa mga eksena nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa movie.
Matagal na raw siyang fans ng tandem ng dalawa kaya nang alukin siya para isama sa movie ng dalawa na cerfified blockbuster ay laking tuwa ng dalagang anak ni Gloria Diaz.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Para makatulong sa maliliit na negosyante Marvin Agustin, nag-produce ng show
BUKOD SA pagiging mahusay na host at actor, pangarap din ni Marvin Agustin na makapag-produce ng shows na hindi lang magbibigay ng premyo kundi ng kaalaman sa pagnenegosyo at pagtupad sa pangarap ng mga Pilipino na umasenso sa kani-kanilang buhay.
Kaya naman naisipan nitong mag-produce ng Karinderya Wars, sa pakikipagtulungan ng TV5, Knorr at Alaska, na magsisimulang mapanood sa April 8, Monday to Friday bago mag-Wowowillie. Kaya naman very thankful daw ito sa TV5 sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong makapag-produce ng ganitong klaseng show.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Thursday, March 7, 2013
Willie Revillame, wala nang magagawa sa mga tinutulungan na, nagiging suwail pa!
BILANG KOMEDYANTE na sinuwerte ang career, si Willie Revillame talaga ay nagbabalik ngayon ng kanyang pagtulong sa mga kasamahan sa showbiz na alam niyang kailangan din niyang tulungan. Kahit maraming kakontra sa showbiz ang host ng Wowowillie ng TV5, hindi na lang niya pinapansin. Pero kahit kinukuwestiyon ang madalas niyang pagtulong, bukal na talaga iyon sa kanyang loob, dahil alam niya sa kanyang sarili at ipinagpapasalamat niya sa Diyos, na dumating ang magandang kapalaran sa kanya.
May angas lang ang hitsura at istilo ng pagdadala ng personalidad ni Willie. pero ‘yung sobrang kababaan ng kanyang pagkatao ay nakatago sa kanyang puso at isipan, na isang mahabang panahon ng kanyang buhay ay lagi siyang nangangailangan ng tulong. Sina Sharon Cuneta at ang yumaong Comedy King na si Mang Dolphy ang ilan sa mga ipinagmamalaki ni Willie na mga kasamahan sa showbiz na hindi nagkait sa kanya ng pagdamay nu’ng siya ay dapang-dapa sa buhay.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, February 24, 2013
Pinuputol ang show dahil laging overtime Willie Revillame, nagtatampo at nagpaparinig sa Singko
OLA CHIKKA! Lunes na naman kaya dapat sumasabog na parang kapeng barako sa init ang ating chikka to the maximum authority of chismaks.
Kasi nga naman nu’ng nakaraang linggo, nag-inarte na naman itong si Willie Revillame. Kasi sinita siya ng management ng TV 5, dahil laging overtime ang kanyang Wowowillie. Hindi lang sinita kung hindi nakatanggap ng memo.
Nakakaloka! Siya pa ang may ganang magtampo sa TV 5. Parang nagpaparinig na naman na masama ang loob niya, kasi bakit pinutol sila sa ere na hindi pa tapos ang palabas, pero sa itinakdang oras ay lumagpas na si Willie nang mahigit kalahating oras. Kaya karapatan ‘yun ng management ng TV 5 na putulin, kasi sinusunod lang ang programming.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Thursday, February 7, 2013
Vice Ganda, hindi sineseryoso si Ate Gay!
SOBRANG MAYABANG lang ang da-ting ng personality ni Vice Ganda, pero hindi na rin niya kailangang ipakilala ang kanyang sarili bilang isang tao na matulungin din naman sa kanyang kapwa. Siya raw kasi, kung mayroon siyang gagawing kabutihan para sa sino man na gusto niyang tulungan, kusa na lang niyang ginagawa kesa ipagmakaingay pa iyon. Kaya nga siguro nagpapatuloy ang magandang karma sa kanyang showbiz career.
Sikat na sikat na si Vice, at alam niya ang hirap sa showbiz kung papaano magsimulang mapansin. Kaya nga ngayong mayroong nag-aangat sa pangalan ng komedyante ring si Ate Gay at ipinantatapat pa sa kanya ay hindi na lang niya sineseryoso ang isyu. Kasi nga, alam din naman niya na mahusay din si Ate Gay para mapansin na talaga ang kanyang galing katulad ng nangyayari ngayon. Pambato kasi si Vice sa programang It’s Showtime ng ABS-CBN habang nasa Wowowillie ng TV5 ngayon si Ate Gay na nagbibigay-kuwela.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)