SA PANAYAM ng kapatid kong si Erwin sa kanyang programang “Punto Asintado” sa
Radyo5 kay Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala noong
katapusan ng Abril, mariin niyang sinabi na walang iniisyung “extended”
importation permit (IP) ang Bureau of Plant Industry (BPI) para sa
pag-angkat ng mga bawang.
Kanya ring idinagdag na hindi niya pinahihintulutan ang pagbibigay ng
extension sa mga nag-expire ng mga IP ng garlic lalo pa’t harvest
season ngayon ng bawang dito sa atin at ayaw niyang maapektuhan ang
ating mga magsasaka. Ang susunod na dapat na opisyal na pagbibigay ng IP
para sa bawang ay sa August pa ng taong ito.
Ang pagbibigay ng pahayag ni Alcala tungkol sa usaping ito ay bilang
kanyang kasagutan sa mga kumakalat na balita hinggil sa patuloy na
pagbibigay ng BPI ng IP para sa mga bawang sa kabila ng ipinalabas
niyang kautusan – noong nakaraang taon pa – na ipinatitigil ang
pag-iisyu ng IP para sa nasabing gulay.
Ayon pa sa mga kumakalat na balita, ang mga dati nang nagamit na IP
at nag-expire noong nakaraang taon ay tinatatakan lamang ng “extended”
at muling ipinagagamit sa mga pinapaborang importer.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment