Dear Atty. Acosta,
NAIS KO pong magtanong ukol sa
pag-hahain ng kasong annulment. Sampung taon na kaming kasal ng aking
asawa. Pitong buwan pa lamang kaming kasal ay natanggal na siya sa
trabaho. Napabarkada siya at laging inuumaga nang uwi. Mayroon pang mga
pagkakataon na gumagamit siya ng bawal na gamot, kaya laging mainit ang
kanyang ulo at lagi niya akong sinasaktan, sinisigawan at minumura.
Noong ikaanim na taon namin bilang mag-asawa ay naisipan ko na siyang
iwan at tumira na lang sa aking mga magulang.
Halos dalawang taon kaming hiwalay ngunit nakipagkasundo siya na
magbabago kung kaya’t tinanggap ko siyang muli at kami ay nagsama.
Ngunit tila walang nagbago. Madalas pa rin siyang napapabarkada at sa
tuwing mainit ang kanyang ulo ay sinisigawan at itinatapon niya ang mga
gamit namin sa bahay. Bihira na rin po kung kami ay magsiping. Sa loob
po ng mahabang panahon, ako lamang ang nagtatrabaho para sa aming
pamilya at hirap na hirap na po ako. Sa kabila ng lahat ng aking
sinakripisyo ay problema at sama ng loob lamang ang ibinibigay niya sa
akin. Ngayon po ay nais kong malaman kung sapat na dahilan po ba ang mga
nailahad ko upang mapawalang-bisa ang aming kasal? Sana po ay bigyan
ninyo ako ng payo.
Lubos na gumagalang,
No comments:
Post a Comment