ILANG TEXT messages na ang aking natatanggap mula sa mga listener ng Wanted Sa
Radyo na nagtatanong kung sino raw ang aking mga iboboto sa mga
senatoriable. Maging ang mga waiter sa madalas kong mga pinupuntahang
bar at restaurant ay nagtatanong din kung sino raw sa tingin ko sa mga
kandidato ang dapat iboto.
Unang-una – para sa akin, mahalaga ang magandang track record ng
isang kandidato para makuha niya ang aking boto. At ang higit sa lahat,
importante sa akin ang kanyang adbokasiya para sa nakararami nating mga
mahihirap na mamamayan pati na sa ating bayan.
Hinding-hindi ko iboboto ang isang tao na wala ni isang kati-ting na
karanasan ng paninilbihan sa bayan na kaya kumakandidato dahil
bumabangka lamang sa kasikatan ng kanyang pangalan – sapagkat siya ay
isang kilalang celebrity halimbawa.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Showing posts with label Jack Enrile. Show all posts

Thursday, May 9, 2013
Sunday, March 31, 2013
Kabulastugan
SA TUWING may
ilalabas na resulta para sa alin mang survey, dapat palaging kalakip
nito ang pangalan ng grupo o tao na nagbayad upang maisagawa ang
nasabing survey. Importanteng malaman ito ng sambayanan.
Ang resulta ng isang survey ay nakapag-iimpluwensya sa desisyon ng isang tao lalo na sa panahon ng eleksyon. Para sa isang pangkaraniwang mamamayan, halimbawa, mas pipiliin niyang botohin ang isang kandidato o mga kandidato na nangunguna o pasok sa survey.
Iisipin niyang bakit nga naman niya sasayangin ang kanyang boto sa isang kandidato o mga kandidato na talunan sa survey. Pero ang hindi niya alam, ito ang eksaktong gustong itanim sa isipan niya – at sa iba pang mga katulad niya – ng mga nagpapa-survey.
Ito rin ang bukod-tanging dahilan kung bakit handang gumastos ng milyun-milyon ang mga kandidato para magpa-survey. At siyempre, ang mga sumuka ng pera ang siyang mga papaboran at palilitawin na llamado sa survey.

Subscribe to:
Posts (Atom)