AMININ MAN o hindi ng Malacañang – kahit saang
anggulo tingnan – maling-mali ang ginagawa ni Pangulong Noynoy na isali
sa kanyang regular busy schedules ang pagsama sa sorties ng
senatoriables ng Liberal Party.
Maraming mga seryosong problema ang kinakaharap ng ating bansa na
naghihintay na mabigyan niya ng atensyon. Pero sa halip, mas pinili ng
Pangulo na pagtuunan ng pansin ang makasariling problema ng kanyang mga
kapartido na panalunin ang lahat ng kanilang kandidato.
Ang masaklap pa nito, karamihan sa sorties ng LP senatoriables na
sinasamahan ni P-Noy, kapansin-pansin na marami sa mga kandidato nito ay
absent at humihiwalay dahil mas ginusto pang kumampanya na lang ng
sarili.
Ito ba ay dahil wala silang bilib sa Pangulo at ‘di sila naniniwala
na ang presensya niya ay talagang makatutulong sa kanila? O baka naman –
tulad ng sinabi ng isang babaeng senatoriable ng United Nationalist
Alliance – walang paggalang ang ilang “manok” ng Pangulo sa kanya at
ganu’n-ganu’n na lang kung siya ay bastusin nila.
Dagdag pa nga ng nasabing senatoriable, kung ang mga ito nga raw ay
walang pagrespeto sa mismong pinakamataas na opisyal ng bansa, paano na
kaya kay Juan dela Cruz kapag sila ang mga nanalo?
Ang kapansin-pansin lang na palaging ‘di nawawala sa mga sortie ng LP
ay si Congresswoman Cynthia Villar – ang kabiyak ni Senator Manny
Villar.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Showing posts with label Liberal Party. Show all posts
Showing posts with label Liberal Party. Show all posts
Tuesday, April 16, 2013
Sunday, March 31, 2013
Kabulastugan
SA TUWING may
ilalabas na resulta para sa alin mang survey, dapat palaging kalakip
nito ang pangalan ng grupo o tao na nagbayad upang maisagawa ang
nasabing survey. Importanteng malaman ito ng sambayanan.
Ang resulta ng isang survey ay nakapag-iimpluwensya sa desisyon ng isang tao lalo na sa panahon ng eleksyon. Para sa isang pangkaraniwang mamamayan, halimbawa, mas pipiliin niyang botohin ang isang kandidato o mga kandidato na nangunguna o pasok sa survey.
Iisipin niyang bakit nga naman niya sasayangin ang kanyang boto sa isang kandidato o mga kandidato na talunan sa survey. Pero ang hindi niya alam, ito ang eksaktong gustong itanim sa isipan niya – at sa iba pang mga katulad niya – ng mga nagpapa-survey.
Ito rin ang bukod-tanging dahilan kung bakit handang gumastos ng milyun-milyon ang mga kandidato para magpa-survey. At siyempre, ang mga sumuka ng pera ang siyang mga papaboran at palilitawin na llamado sa survey.

Subscribe to:
Posts (Atom)