SI PUERTO Princesa City Mayor at senatoriable candidate Edward Hagedorn ay isa sa
nabibi-lang sa mga daliri na mga pulitiko na hindi balimbing. Siya ay
kasalukuyang tumatakbo bilang isang independent candidate.
Bagama’t matalik niyang kaibigan si dating Pangulong Joseph Estrada,
magalang niyang tinanggihan ang paanyaya nito na sumanib at maging
kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA), kung saan isa sa mga
haligi ng partidong ito ay ang dating pangulo.
Tinanggihan din niya ang paanyaya ng Liberal Party na kung saan
kasama sa coalition ang partidong bumitbit sa kanya sa pagka-mayor – ang
Nationalist People’s Coalition. Bukod dito, matalik din niyang kaibigan
si Pangulong Noynoy, ang pinakahaligi ng LP.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Showing posts with label United Nationalist Alliance. Show all posts

Thursday, April 4, 2013
Sunday, March 31, 2013
Kabulastugan
SA TUWING may
ilalabas na resulta para sa alin mang survey, dapat palaging kalakip
nito ang pangalan ng grupo o tao na nagbayad upang maisagawa ang
nasabing survey. Importanteng malaman ito ng sambayanan.
Ang resulta ng isang survey ay nakapag-iimpluwensya sa desisyon ng isang tao lalo na sa panahon ng eleksyon. Para sa isang pangkaraniwang mamamayan, halimbawa, mas pipiliin niyang botohin ang isang kandidato o mga kandidato na nangunguna o pasok sa survey.
Iisipin niyang bakit nga naman niya sasayangin ang kanyang boto sa isang kandidato o mga kandidato na talunan sa survey. Pero ang hindi niya alam, ito ang eksaktong gustong itanim sa isipan niya – at sa iba pang mga katulad niya – ng mga nagpapa-survey.
Ito rin ang bukod-tanging dahilan kung bakit handang gumastos ng milyun-milyon ang mga kandidato para magpa-survey. At siyempre, ang mga sumuka ng pera ang siyang mga papaboran at palilitawin na llamado sa survey.

Subscribe to:
Posts (Atom)