Friday, October 25, 2013
Glenda Garcia, stage 2 na ang breast cancer!
NA-SHOCK TALAGA ako dahil habang nagsasalita ako sa harap ng mga indigent breast cancer patients at sinasabi kong ‘wag silang mawalan ng pag-asa eh biglang pinabanggit sa akin sa mic ng co-board of trustee ko na si Tita Pearl na si Glenda Garcia ay may breast cancer stage 2.
Maya-maya, biglang dumating si Glenda kasama ang ina nito at ikinuwento nito sa harap ng mga pasyente na siya man ay may kanser. Ito’y na-confirm nu’ng Oct. 10. Maging ang doktor ay hindi makapaniwala, dahil regular naman daw siyang nagpapa-check up at madalas na benign naman ang nakakapa niya sa kanyang mga suso.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Flop ang movie nila ni Ai-Ai delas Alas Marian Rivera, malas talaga sa takilya!
SI MARIAN Rivera ang sinisisi sa hindi pagkita ng Kung Fu Divas. Sinasabing more than P32 million lamang ang kinita ng nasabing movie and if we go by that figure, hindi nga masasabing box-office hit ang unang pagsasama nina Ai-Ai delas Alas at Marian.
Marami tuloy ang nagsasabing jinx si Marian when it comes to box-office. Wala kasi siyang hit movie to her credit. Wala pa kaming nabalitaang movie niya which hit the P100 million mark.
With the disappointing result of Kung Fu Divas sa box-office ay malabong makipagsosyong muli si Ai-Ai kay Marian o magsama sila sa isang movie.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Dennis Trillo, takot nang magkamali sa pag-ibig
ANG MAY masamang mangyari sa pamilya ang isa sa kinatatakutan ni Dennis Trillo nang makausap namin sa presscon ng bagong indie film niyang Sapi noong Martes ng gabi sa Chantilly Villas, Mandaluyong City.
Tsika nga ni Dennis, “Isa sa kinatatakutan ko talaga ‘yung may masamang mangyari sa miyembro ng pamilya ko. Like ‘pag may nababalitaan akong nagkakasakit or nagkakaroon ng konting problema sa pamilya, medyo naapektuhan talaga ako.”
May kinakatakutan ka ba sa love life? “Sa lovelife, medyo marami na kasi akong pinagdaanang hindi maganda kaya feeling ko na-train na ako d’yan, kaya hindi na ako masyadong natatakot.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Enrique Gil, naghahanap pa rin ng magiging girlfriend
ENRIQUE GIL is one of the most bankable young stars these days. Katatapos lang ng kanyang primetime teleserye na Muling Buksan ang Puso pero muli natin siyang napapanood, this time sa big screen, with his movie She’s the One. He is also busy with his first major concert titled King of the Gil at the Big Dome on November 29.
Abala ngayon si Enrique sa kanyang mga showbiz projects kaya marami ang nagtatanong kung may puwang pa ba ang pag-ibig sa kanyang buhay. Hindi maikakailang guwapo, matikas, at talented siya kaya imposibleng walang nagkakagusto sa kanya. Kahit saan siya magpunta ay nililingon at tinitilian siya ng kababaihan. May mga ilang nali-link sa kanya but according to an article of Kristhoff Cagape on push.com.ph ay inamin ng aktor, “I’m searching, basta I’m still searching. Gusto ko iyong malambing kahit hindi marunong magluto basta malambing. Ayun lang important, malambing at mahilig sa aso at animals kasi in a way makikita mo na malambing, pinaka-importante iyan sa akin.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Relasyong Angel Locsin-Phil Younghusband at Luis Manzano-Jennylyn Mercado, nakapanghihinayang
SAYANG NAMAN ‘yong relasyon nina Angel Locsin at Phil Younghusband pati yong kina Luis Manzano at Jennylyn Mercado.
Kung kalian mo inaasahan na match in heaven and will be married soon on earth ang magka-kapartner, saka naman nagkahiwalay sila sa kanilang mga “loves”.
Si Angel at Phil, walang kaabug-abog at tahimik sa mundo nila ay biglang magkarelasyon, split na ayon sa usap-usapan sa showbiz pero walang kumpirmasyon mula sa dalawa.
Maging ang manager ng aktres na si Manay Ethel Ramos, hindi alam na nag-ending na ang relasyon ng alaga niya na para sa amin, ang pakikipag-relasyon ni Angel kay Phil ay isang inspirasyon sa aktres.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)