Tuesday, April 30, 2013

Miriam Quiambao, may payo kay Janine Tugonon





Angeline Quinto, isa-isa nang natutupad ang mga pangarap





Guwapong bagets na rock singer, pinagtripan ng bading na kasama sa gag show!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Young Actor, P800-K ang TF sa kampanya; P1.5-M ‘pag itinaas ang kamay ng kandidato!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Enchong at Xian, Nagtarayan


Anyareee?!!! 04/30/13


Marian Rivera Does the ‘Pagmamarka’


Ansabeee?!!! 04/30/13

Nasaan si Rajiv Ramesh Dargani?



Monday, April 29, 2013

Mariel Rodriguez, hindi pa handang magka-baby kay Robin Padilla


Dominic Ochoa, bilib kina Zaijian Jaranilla at Kathryn Bernardo


Christian Bautista, ok lang na makatrabaho muli si Rachelle Ann Go


Shamcey Supsup, binabalanse ang career at lovelife


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 57 April 29 – 30, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 57 April 29 – 30, 2013


Para lang may pang-noche buena: not so young actor, P5-K lang ang pahada!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

‘Di magawang harapin Marian Rivera, sa sulat lang idinaan ang pag-alis sa poder ng manager!


SA SHOWBIZ , in one wink may nagbabago. Like nga nitong nangyari kay Marian Rivera. Nagulat nga ang showbiz sa biglang desisyon na ‘yon ni Marian, ang umalis sa poder ng kanyang manager na si Popoy Caritativo. Almost seven years nga niyang naging manager si Popoy. At sa isang sulat ni Marian ay nagwakas ang lahat sa kanilang dalawa.
Need nga raw ni Marian ng pagbabago sa kanyang career. Ang tanong lang namin, bakit hindi ba naging maganda ang career niya sa showbiz nang nasa poder siya ni Popoy?
Kung kami ang tatanungin, bakit hindi nakapagpaalam nang harapan si Marian? Bakit dinala lang niya sa sulat?
Ano pa ba ang hinahanap ni Marian na bonggang career? Sa totoo lang, nasa kanya na ang lahat.
Naglalaro naman sa isipan namin na may nangyaring hindi ba maganda sa kanilang dalawa ng kanyang dating manager?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Charice, may girlfriend na?!


NOT A few movie reporters were disgusted when they were invited by GMA to cover the golden anniversary of master showman German Moreno. Ang feeling ng mga naimbitahang reporters ay nabastos sila.
Imagine this: the call time is at 7 p.m. no dinner was served. Walang cocktail food man lang or pica-pica.
Ang layo pa ng lugar na dinayo pa nila para lang mabigyan ng coverage ang palabas ni Kuya Germs, pero ginutom daw sila ng GMA-7.
One thing more, hindi raw mahagilap ang mga GMA PRs. Wala raw sila sa reception area kaya ang gulu-gulo. Maging ang mismong nag-invite na si Ynna something ay nowhere to be found daw.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Nag-enrol sa open university sa Australia Anne Curtis, ambisyong maging pre-school teacher


ANNE CURTIS is one of the most beautiful girls in the country. She is an intelligent actress with box-office powers, a good host, and a trusted product endorser. ‘Ika nga, waging-wagi si Anne kaya she has all the reasons to celebrate. Pero sa kabila pala ng kanyang mga tinatamasang tagumpay ay mayroon pa siyang isang pangarap na nais matupad.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sa awayan ng pamilya Barretto Claudine Barretto, lumalabas na insecure at may ‘tama’


KALOKA ANG away-pamilya ng mga Barretto na sumambulat sa publiko last week.
Kung tagamasid ka, sa-sabihin mong dysfunctional ang pamilya nina Gretchen, Marjorie at Claudine dahil sa isyung pinagtatalunan nila na nakabuyangyang sa publiko.
Baluhura! Baboy! Katsipan ang tawag ko sa gulo na kinasasanguktan nila.
Kanya-kanyang kampihan. Kanya-kanyang sumbungan sa bayan kung sino ang may mali at kung sino ang tama.
Nagsimula ang lahat sa balitang sinasabi diumano ni Claudine na haharangin niya ang career ng pamangkin niyang si Julia na anak nina Marjorie at Dennis Padilla na ngayon ay isang contract star ng Star Magic ng Kapamilya Network na dati’y pinagre-reynahan ni Claudine.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sakaling bumalik at ipaglaban ang pagmamahalan nila Andi Eigenmann, tatanggapin pa rin si Jake Ejercito

 
BILIB KAMI sa pagiging straight forward -ni Andi Eigenmann. Hindi niya itinatanggi na hanggang ngayon mahal pa rin niya si Jake Ejercito kahit hiwalay na sila. Maintriga ang naging takbo ng kanilang relationship na humantong sa pag-aawayan ng
kanilang magulang na sina Jaclyn Jose at Laarni Enriquez. Marami ang nadamay, nasaktan, kaya’t minabuti ni-lang wakasan na ang kanilang relasyon sa ikatatahimik ng kanilang pamilya.
Siyempre, masakit para kay Andi ang paghihiwalay nila ni Jake. Pero kailangan niyang tanggapin na ganu’n talaga. Ang importante, minahal siya ng binata. kaya lang, hindi nito naipaglaban ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Kung sakaling  humingi ng second chance si Jake, willing si Andi na tanggapin Muli siya kung ipaglalaban nito ang kanilang pagmamahalan at tatanggapin silang mag-ina. Kung hindi pa ready si Jake, mas mabuting friends na lang sila.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Alice Dixson, ‘di raw nagpapa-superstar sa serye!


SA MAY 10 na magtatapos ang primetime drama ng TV5 na Never Say Goodbye, pero mas mainit pa raw ang mga eksena ng show offcam. May ganu’n?
Hindi pa rin matapos tapos ang isyu between Alice Dixson, Rita Avila at ang diumano’y pagkompronta ni Gardo Verzosa kay Alice. Kaya naman nang makausap namin ang TV5 star, inusisa namin siya sa isyu. Magiliw namang sinagot ni Alice ang lahat ng mga ibinabato sa kanya.
Una, totoo bang may tensiyong namagitan sa kanila ni Rita? “Okay, well, I’ve never had an issue, or past or background na baliw-baliwan, okay. So, and hopefully will never have one, knock on wood, but I think… Rita and I had talked, months ago, and I haven’t spoken to her during the recent hullaballoo ever since this come out.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

USO NA naman yata ang pagpapalit ng manager ngayon. Matapos kasing layasan ni Marian Rivera ang manager nito na si Popoy Caritativo ay iniwanan na rin ni Cherie Gil ang manager nito na si June Rufino last Friday.
Hindi lang malinaw sa dalawang actress kung ano talaga ang tunay na dahilan ng paglayas nila sa kani-kanilang manager.
Si Marian, todo-tanggi na may kinalaman sa pera ang desisyong magpalit ng manager. Katuwiran lang ng actress ay gusto niyang masunod kung ano ang gusto niyang gawin sa showbiz career at magbalik sa tunay na naka-discover sa kanya sa katauhan ni Mr. Tuviera, producer ng Eat Bulaga.
Si Cherie naman ay wala pang ibinibigay na dahilan sa ginawang paglayas sa manager na si Madam June.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Marian Rivera, nilayasan na ang manager!


NAKU, ‘DAY! Katakut-takot na panlalait ang inabot ko sa mga fans ni Claudine Barretto, ha!
Narinig yata ako sa radio sa DZBB, at ang latest nga nu’ng pinag-comment ako sa Startalk nu’ng kamakalawa ng hapon.
Bakit ba?! Basta ‘yun ang pananaw ko riyan at wala kayong magagawa.
Sabi ko nga, riyan ko na-appreciate si Mommy Klenk na kahit inabot ng mahigit isang taon ang away nina Ara Mina at Cristine Reyes, tahimik lang siya talaga.
Wala siyang ginagawa kundi dasal lang nang dasal at inaayos na magkabati ang dalawa.
Kung may pinapanigan man siya, tahimik lang ito at hindi na pinapalaki ang away ng mga anak niya sa publiko.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sunday, April 28, 2013

Claudine Barretto at Gretchen Barretto, naglalabasan ang mga baho dahil sa kanilang away


OLA CHIKKA now na! Oh no, oh yes… now na! OMG! Don’t make your Monday a blue Monday.
Maloloka ka talaga sa Earth to the maximum authority of chikka ng mga eksenadorang mag-iina at hindi kinakaya ng powers ko ang Barretto sisters. Unang-una pa lang, ang mga nagkakabangayan ay ang magkapatid na Gretchen Barretto at Claudine Barreto, at talagang maiiisip mo at matatanong mo sa sarili mo na anong klaseng ugali meron sila. Dahil kahit mismo sila ay nagsisiraan.
Ngayon naman, ang mga nagkakagulo ay ang mag-iinang hilig ang showbiz awayan. Kahit magkakapamilya, ‘di man lang nila inisip na sa kanila ang feedback nu’n.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

After manalo ng Best Supporting Actor Kristoffer Martin, kahanay na ng mga mahuhusay na actor


“FIRST ACTING award, major award agad. I’m so blessed. Thank you sa lahat ng nagtiwala sakin. Alay ko po to sa inyo. :)”  Ito ang tweet ng Kapuso Star na si Kristoffer Martin pagkatapos manalo sa katatapos na Golden Screen Awards for Best Performance by an Actor in a Supporting Role para sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang Oros.
Hindi raw nag-expect  si Kristoffer na mananalo siya dahil pare-parehong magagalinga ang kanyang mga nakalaban mula kay Cesar Montano, Joross Gamboa, Ronaldo Valdez, Soxy Topacio, Neil Coleta at Joey Paras. Para raw sa kanya, ang ma-nominate a malaking achievement na. Kaya naman daw nang tawagin ang kanyang pangalan bilang nagwagi, hindi nito alam ang gagawin sa sobra-sobrang kasiyahan.
Kuwento nga ni Kristoffer na simula nang malaman niya na nominado siya ay halos araw-araw siyang nagdarasal at during the awards night ay kitang-kita naman namin itong nagdarasal habang binabasa ang mga nominado hanggang sa sabihin ang kanyang pangalan bilang nagwagi.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

What’s Next for Carla Abellana?


NAKATANGGAP KAMI ng mensahe mula sa isang concerned fan ng Kapuso leading lady na si Carla Abellana. Tila naaalarma na ang ilan sa kanyang followers dahil matagal nang walang ginagawang teleserye ang aktres. Huli itong napanood sa action-drama series na Makapiling Kang Muli, kung saan ka-triangulo niya ang controversial couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Richard Gutierrez and Bela Padilla: My Girlfriend’s Bestfriend Story

MAY BAGONG tambalan na namang inihain ang GMA-7! For the first time ay nagsama sa isang proyekto sina Richard Gutierrez at Bela Padilla. Ito ay ang bagong ‘suspenserye’ called ‘Love and Lies’. Dapat ay si Lovi Poe talaga ang kapares ni Papa Chard. Currently floating pa rin ang karir ng dalaga ni FPJ kaya ang pamangkin muna ni Binoe da Pogi ang inarkila ng Siyete. Not a bad choice naman, right?
Alam natin na currently ‘lovestruck’ si Richard sa nag-istokwang si Sarah Lahbati (sayang ang promising showbiz career ng hitad!). Si Bela naman ay obviously in love sa poker player na si Neil Arce, na kaibigan ni Sarah. Ang balita nga namin ay si bestfriend Sarah ang naging daan para magkakilala nang lubusan sina Neil at Bela. Ngayon naman na wala si Ateh Sarah, si Bela tuloy ang ka-onscreen partner ni Papa Chard! O, Rigodon lang ang peg natin? Anyare, mga ateng?!
Dahil likas na mapaglaro tayo rito sa kolum na ito, what if matulad sa dating pelikula nina Richard at Marian na ‘My Bestfriend’s Girlfriend’ with a twist ang kahihinatnan ng istoryang ito? Ay, si Yanyan? No kulong banyo in here, huh! Tamang-tama, may long-distance angle din tayo! Let’s investigate the endless possibilities!


[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Raymond Bagatsing: The Real Life Story of an Artist (Part 1)


ISANG SERYOSONG one-on-one interview ang aking ginawa kay Raymond Bagatsing sa kanyang Buboy & Friends Inasal sa # 50 Scout Madrinian corner Scout Torillo sa Barangay South Triangle, Quezon City.
Kilala sa tawag na “Rama” bilang kanyang spiritual name, isang Raymond Bagatsing ang aking tinanong sa kanyang edad. Natawa siya, parang ayaw niyang ipaalam. Dahil ayaw niyang pakialaman ang gulang ng isang tao; kundi kung ano ang na-achieve niya.
Ayon sa kanyang pananaw, “The mind should forever be young. Hindi enough ang one lifetime. Dapat hindi tayo tumatanda. Dapat patuloy lang ang pag-aaral.”
Agree ako sa ganoong paniniwala. Very positive ang outlook niya sa buhay, parang sinasabi niya na kahit mabuhay ka ng ilang beses, kung hindi mo nakikita ang realidad sa iyong buhay, tila parang balon na nauuhaw, subalit nananatiling tigang ito. Ba’t kamo? Kasi nabanggit ko sa kanya na parang hindi siya tumatanda.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

JuliElmo and Benjamin vs Daniel


Ansabeee?!!! 04/29/13




Anne nasarapan sa halik ni Derek


“Garlic Mafia” sa BPI?

MAHIGIT DALAWANG buwan na ang nakararaan – February 4, 2013, tinalakay ko sa espasyong ito ang hinggil sa talamak na smuggling ng bawang sa bansa. Sa nasabing artikulo na may pamagat na “The Untouchables”, binanggit ko ang tungkol sa pagbibigay ng monopolya sa pag-iisyu ng import permit (IP) ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa ilang kumpanya na pagmamay-ari ng iisang tao. Ito ay ayon na rin sa impormasyon na aking nakalap noon mula sa isang mapagkakatiwalaang source sa loob ng BPI.
At nitong mga nagdaang araw lamang, pumutok sa media ang hinggil sa lumalalang garlic smuggling sa bansa.  Nakadaragdag pa rito ang pagkalat umano ng mga imported garlic sa merkado na nabigyan ng IP ng BPI.
Pero ayon sa BPI, hininto na nila ang pagbibigay ng IP para sa mga bawang noong nakaraang taon pa. Ngunit ayon sa aking source sa BPI, noong August ng nakaraang taon ang huling release ng mga IP na ibinigay nila sa mga kumpanya na pag-aari umano ni Leah Cruz, presidente ng Vegetable Importers, Exporters and Vendors Association of the Philippines (VIEVA).
Buwan ng Oktubre nag-expire ang nasabing mga IP pero pagkatapos ng expiration ng mga ito, tinatatakan umano ito ng “extended”.
Ayon naman sa aking source sa Bureau of Customs, linggo-linggo, 26 na containers ng mga imported na bawang ang patuloy pa ring pumapasok sa bansa gamit ang mga “extended” na IP.
At noong nakaraang Biyernes, April 26, sumulat na ang tanggapan ni BoC Deputy Commissioner for Intelligence Group Danny Lim sa BPI para kumuha ng confirmation ukol sa pagiging lehitimo ng mga “extended” IP.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Blacklisted sa Saudi, Pinaalis Pa Rin

Dear Atty. Acosta,
NAG-APPLY AKO ng trabaho sa isang agency para sa Saudi Arabia. Bago po nila tanggapin ang aking aplikasyon ay binanggit ko na sa kanila na nagkaroon ako ng problema sa Saudi Arabia kaugnay ng dati kong pinagtrabahuhang kumpanya. Ang sabi nila ay hindi raw iyon magiging sagabal sa aking pagnanais na makabalik doon dahil maayos naman akong nakauwi ng Pilipinas.
Subalit, pagkarating ko sa paliparan ng Saudi Arabia ay hinarang ako sa Immigration sapagkat ako raw ay kabilang sa mga blacklisted na tao. Pag-uwi ko ng Pilipinas ay agad akong nakipag-ugnayan sa aking agency at ipinaliwanag ko ang nangyari. Hiningi nila sa akin ang aking pasaporte upang makansela raw nila ang aking visa. Ngunit matapos kong ibigay ito ay ayaw na nilang ibalik ang aking pasaporte.
Tinatakot nila ako na kailangan ko raw bayaran ang halagang katumbas ng isang buwan kong sahod base sa aming kontrata bilang kabayaran sa mga nagastos nila.
Maaari po ba nila itong gawin? Sana ay mapaliwanagan ninyo ako.

Friday, April 26, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 56 April 26 – 28, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 56 April 26 – 28, 2013


Angelica Panganiban, ubos na ang pasensiya sa isang katrabaho?!


IS  GRETCHEN Barretto all poised to sue her mom Inday Barretto?
La Greta is reportedly so pissed off with the statement of her mom which showed clearly na kinampihan ni Inday ang bunso niyang anak na si Claudine sa latest war nito with her sisters.
Ang chika, dini-discuss na raw ni Gretchen sa kanyang lawyer ang statement ng kanyang ina. She’s seeking legal action yata.
Masakit nga naman ang tawagin kang evil ng iyong sariling ina.
“Do not call Claudine evil! Do not start giving away that title that belongs to you and you alone, now that it’s burning your palm and scarring your beautiful face,” sabi ni Inday sa kanyang statement

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Kim Chiu, walang regrets sa mga pinagdaanan sa buhay


KIM CHIU recently celebrated her 23rd birthday. Parang kailan lang when she first caught the public’s attention as the chinky-eyed, bubbly girl when she joined the Pinoy Big Brother 1st Teen Edition where she emerged as the big winner.
Sa pitong taon niyang pananatili sa showbiz, we have seen how Kim has matured. Sa katunayan, she looked hot and sexy in her body-fitting outfit during her dance number on ASAP together with the G-Force dancers.
Bilang pasasalamat ni Kim sa lahat ng mga biyayang natatanggap, isang birthday charity event ang kanyang inihanda sa Isla Pulo, Navotas kung saan isang komunidad ang kanyang tinulungan at pinasaya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ayaw sa ‘kapwa ko, mahal ko’ Vice Ganda, straight ang type!

 MADALANG NAMING makita in person itong si Snooky  Serna. Huli namin siyang nakita ay nu’ng opening ng Shimmian Surgicenter sa SM San Fernando, Pampanga sa may second floor.
Du’n din namin nakumpirma na siya ay isa sa endorser ng said clinic. Kaya naman pala nakapaganda niya ngayon, kitang-kita na nang dahil sa Shimmian ay naging fresh look ang aktres.
Malayung-malayo siya sa dating Snooky noong wala pa siya sa Shimmian.
Isa kasi sa pinakamara-ming nagpapagawa sa Shimmian ay ang stem cell. At mukhang isa si Snooky nga ay kabilang du’n.
Walang eksaherada, tunay na beautiful siya ngayon.
At ‘yon ay dahil sa mag-asawang Dr. Levi Lansangan at Dra. Ana Marie Lansangan.
Bongga rin siya ngayon dahil nga after yata ng kanyang serye na Kahit Konting Pagtingin, may next project na naman siya, ang Annaliza sa ABS-CBN 2.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Aljur Abrenica, nanganganib kay Alden Richards!


WALA NAMAN talagang kumukuwestiyon sa na-ging kasikatan ni Aljur Abrenica sa showbiz, lalo pa’t sumusugal naman talaga sa kanyang popularity ang kanyang home studio, ang GMA-7. Mabait na tao at mapakisama ang hunk actor. Ang tanging pinagtataasan lang ng kilay tungkol sa kanyang pagsikat ay kung bakit napakabal ng kanyang improvement tungkol sa pag-arte noon hanggang ngayon. Hindi pa rin kapani-paniwala ang kanyang pag-arte. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sa golden anniversary special ni Kuya Germs Marian Rivera, Dingdong Dantes at Karylle, nagkita-kita sa backstage!


SAYANG, HINDI ako nakadalo sa big event ni German Moreno nu’ng kamakalawa ng gabi na ginanap sa Resorts World. Ito ‘yung 50 years with the Master Showman na matagal niyang pinaghandaan at ng GMA-7 siyempre.
Nasa Bicol kasi ako nu’n kaya hindi ako nakarating. Kasama ko si Ricky Lo, kaya si Butch Francisco lang ang nag-represent ng Startalk para magbigay-pugay sa nag-iisang Master Showman.
Kuwento sa akin, maganda ang show at nakikita naman daw na talagang pinaghandaan nang husto ng GMA-7.
Wala roon ang ibang big stars na malaki ang bahagi sa buhay at career ni Kuya Germs, pero star-studded pa rin dahil present siyempre sina Sen. Bong Revilla, Lani Mercado, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Ogie at Regine Alcasid at marami pang mga Kapuso stars.
Sa ibang istasyon naman, dumating sina Dawn Zulueta, Karylle, Billy Crawford (siyempre) at si Sharon Cuneta.
Nandu’n din ang mga veteran star na malapit sa host ng Walang Tulugan gaya nina Susan Roces, Amalia Fuentes, Gloria Romero at marami pa.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sabik na sabik na kay Ogie Alcasid Regine Velasquez, sex ang gustong regalo sa kanyang birthday!


NANG MAKAUSAP ng ilan press si Regine Velasquez sa TV show nito sa GMA 7, walang maibigay na detalye ang Songbird kung paano ise-celebrate ang kanyang kaarawan dahil kararating pa lang ni Ogie Alcasid from Australia last Sunday.
Lagi raw kasi si Ogie ang nag-o-organize ng kanyang birthday. Ang ginagawa na lang daw niya ay dumating sa sarili niyang birthday party at makipag-tsikahan sa mga bisita at kaibigan.
Pero kung siya raw ang masusunod, gusto niyang i-celebrate ang kaarawan kasama ang buong pamilya, pamilya ni Ogie at ilang malalapit na kaibigan. Mahilig kasi siyang magluto at kung sila-sila ay magagawa niyang ipagluto ang kanyang kakaibang putahe. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

ER Ejercito, walang pagpapahalaga sa oras ng ibang tao!


ALAM NAMIN ang kagustuhan ni Gov. ER Ejercito na makapaglingkod uli sa bayan ng Laguna, kaya meron ka-
ming tip para sa kanya. Na sana ay baguhin na niya para na rin ‘yung mismong naniniwala sa kanyang kapasidad ay hindi na siya maitsismis sa ibang tao.
Ilan na ang nagpaparating sa amin ng hindi pagpapahalaga ni Gov. ER sa oras ng ibang tao, lalo na ng maliliit na taong pinaghihintay niya nang napakatagal.
Kunwari’y ang usapan ay 9am, darating siya ng 12 or 1 pm at ang idadahilan niya’y andami pa niyang inasikaso para sa bayan ng Laguna.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Willie Revillame, paulit-ulit na lang, walang kadala-dala!


OLA CHIKKA now na! Oh no, oh yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth at hindi kinaya ng powers ko ang mga chikka na itey!
Paulit-ulit na lang ang mga naging eksena na lagi na lang siyang pinag-iinitan ng MTRCB. Marahil ang middle name ni Willie Revillame ay ‘K’ as in ‘kontrobersiya’.  Lagi na lang kasi siyang nasasangkot sa mga ‘di kanais-nais na usapin katulad ng pagpapa-laganap niya ng kalaswaan sa telebisyon.
Parang sirang plaka na lamang si Willie na paulit-ulit na lang ang nagiging kaso niya. Hindi nakatulong ang gender sensitivity seminar ng MTRCB, dahil nitong April 16 episode lang ng Wowowillie, napagtuunan ng pansin ang pagpaparada niya ng mga bagong dancers na luwa ang mga suso.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Thursday, April 25, 2013

Sharon Cuneta, ‘di binigo si Kuya Germs!


SUCCESSFUL ANG grand golden celebration ni German Moreno last April 24 na ginanap sa Resort World, Newport Performing Arts Theater. Nagsama-sama ang mga sikat na artista ng Kapuso at Kapamilya Network para magbigay-pugay sa minamahal nilang si Kuya Germs. Isa na rito si Sharon Cuneta na tumayong host ng gabing ‘yun. Nagbalik sa kanyang alaala ang magandang samahan nila ng kanyang tatay-tatayan noong  time na nagsisimula pa lang siyang maging singer hanggang maging TV host sa “Germs Special” at maging Megastar ng local cinema, the rest is history. Tuwang-tuwa namang pinapanood ni Kuya Germs sa kanyang kinauupuan habang nagsasalita si Sharon.
“Hindi ko malilimutan ang suportahang ibinigay sa akin ni Tatay. Tinatanaw ko ‘yung isang malaking utang na loob na hindi ko malilimutan,” say ng Megastar.
Marami ang natuwa sa pagdating ni Sharon sa nasabing big event. Months na rin nawala ang kanyang TV show sa Singko kaya’t na miss siya ng kanyang fans.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Boy Abunda, nahirapan din sa Q & A ng Binibining Pilipinas


BLIND ITEM: Kilalang prangka at intelihente ang dating international beauty queen na ito, apparently though, hindi niya masikmurang panoorin ang programa ng isang equally frank and intelligent TV host. Para kasi sa beauty titlist-turned actress, the TV personality who happens to be the object of her disgust sucks!
Ganito niya ito tahasang sinabi sa malapit na kaibigan ng TV host, “I’m sorry, but no matter how you defend her, which I understand since you’re close to her, I really can’t bear watching her on TV!”
Da who ang dalawang tauhan sa kuwentong ito? Let’s thank the Lord, we wake up to a “glorious morning” amidst “queenly talks” that unmake our day! 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Bianca Manalo, bagong nililigawan ni P-Noy?!


FROM JOHN Prats, happy si Bianca Manalo na ma-link ang pangalan niya kay P-Noy.
Kung hindi naging maganda ang split-up ni Manalo sa dating boyfriend na nakipag-split sa kanya thru text, kay P-Noy, puring-puri niya ang bagong “manliligaw”. Plus point ito para sa dating beauty queen na ligawan siya o sabihin na natin na interesado sa kanya ang presidente.
From Grace Lee to Liz Uy and to Len Lopez, heto si Bianca ang bago ni P-Noy.
Hopefully, ‘wag mausyami. Sana mag-materialize ang romansang P-Noy at Bianca, at tigilan ang denials at baka i-wish ng mga mangkukulam na magkaroon ng katuparan ang mga pagde-deny na ‘yan.
Ano kaya masasabi ni Kris Aquino sa bagong romansa ng kapatid niya?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ex-lovers Derek Ramsay at Solenn Heussaff, muling magsasama


TSIKA NG isang kaibigan sa amin, baka raw magsama sa isang pelikula ang dating magkarelasyon na sina Derek Ramsay at Solenn Heussaff.
Pinag-uusapan na raw ang pelikulang ito at baka raw isali ito sa Metro Manila Film Festival this year. Wala naman daw problema kay Derek na muling makasama ang ex-girlfriend dahil naging magkaibigan naman daw sila nito.
Kaabang-abang tiyak ang movie na ito kung sakaling matuloy man, dahil isa rin daw sa maaaring makasama nila ay si Lovi Poe. Tiyak, sexy film ito na may kabuluhan.
SANA NGA matuloy ang binabalak umano ni Willie Revillame na public service show. Nagsisimula nang mag-ikut-ikot si Kuya Will sa mga probinsiya para ikampanya ang kanyang mga kaibigan sa showbiz na tuma-takbo sa 2013 elections.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Nora Aunor, no show sa Golden Showbiz Anniversary ni Kuya Germs!


WALANG NORA Aunor na sumipot sa magarbo at espesyal na pagtatanghal ng 50th showbiz anniversary ng nag-iisang Master Showman German Moreno last April 24 na ginanap sa Newport Performing Arts ng Resorts World Manila.
At kahit nga halos lahat ng mga naging anak-anakan at mga natulungan ni Kuya Germs ay sama-samang nakisaya at nakilahok sa selebrasyon ni Kuya Germs, marami ang nakaramdam ng kakulangan sa hindi pagdalo ng nag-iisang Superstar na nakasama nito ng ilang dekada mapa-telebisyon man o pelikula.
Marami nga ang nag-abang sa pagdating ni Nora Aunor na maituturing na isa sa pinaka-close ni Kuya Germs, pero nabigo ang marami dahil sa ilang oras na pagtatanghal ng show ay no show talaga ang Supertar. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Bukambibig 04/26/13



2 Jake sa buhay ni Melissa


Trip trip lang




Anyareee?!!! 04/26/13

Suntok sa Buwan!

ISA AKO sa maraming Pilipinong nangangarap na magkaroon ng first lady sa Palasyo ng Malakanyang bago matapos ang termino ni Pangulong Noynoy. Sa anumang bansa, ang First Lady ang itinutu-ring na simbulo ng kababaihan ng bansa na pinamumunuan ng pangulong kanyang napangasawa. Ang pag-atupag sa kapakanan ng mga kabataan ang isa sa kanyang pangunahing papel na ginagampanan.
Ito ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit mara-ming Pilipino ang naghahangad na makapag-asawa na si Pangulong Noynoy at may ititira na siya sa Palasyo ng Malakanyang na magsisilbing ilaw ng tahanan ng ating bayan.
Sa kabilang banda, isa rin ako sa naniniwalang wala nang pag-asa pa na may pakakasalan ang ating Pangulo bago matapos ang kanyang termino.
Kamakailan, napaulat na may natitipuhan na namang dilag si P-Noy – isang beauty queen. Sa muli, maraming mga Pilipino ang kinilig sa napapabalitang ito.
Hindi pa kaya nakakahalata ang marami sa ating mga kababayan na animo’y sinasadya ni P-Noy na maging mala-telenobela ang kanyang love life para kiligin sila?
Pupusta ako na hanggang ligawan lang ang magiging kahihinatnan ng bagong sumisibol na love story na ito ng Pangulo. Ilang linggong ligawan – makikita o mapapabalita na pinapasyal at dini-dinner date ni P-Noy ang kanyang bagong apple of the eye, pagkatapos noon ay wala nang magiging kasunod pa. Iyon lang ‘yon.
Pati ang buong mundo at ibang mga planeta sa kalawakan ay ipupusta ko pa – kung puwede lang ipusta ang mga ito – na ganoon nga ang mangyayari. Gets n’yo na?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Problema sa Kontribusyon sa SSS

Dear Atty. Acosta,
MAYROON AKONG problema sa aming kumpanya ukol sa aking
kontribusyon sa SSS. Maaari ba akong magsampa sa hukuman ng kasong falsification laban sa aming kumpanya?
Reynaldo

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Biyaya Mula Sa Abroad — ‘Di Panghabang-Panahon

MARAMING KABABAYAN natin ang kinakabahan at nag-aalala tungkol sa mga pinakahuling kaganapan sa Gitnang Silangan. Isa na rito ang crackdown o pagpapa-deport sa mga illegal o undocumented workers sa Saudi Arabia. Nagsimula na ito at libu-libong mga OFW na ang apektado. Sa mga darating na buwan, inaasahang ilampung libo pa ang tatamaan ang paghihigpit ng Saudi sa mga dayuhang contract workers.
Hindi na rin puwedeng makasabwat ng mga illegal na OFW ang mga employer. Kamakailan lang ay nagbaba ng patakaran ang pamahalaang Saudi na mananagot ang mga employer at ahensya sa gastusin sa pagpapa-deport sa mga illegal. Ang sinumang lalabag ay papatawan ng mabigat na parusa. Sa gayon, wala nang kakampi ang mga OFW kundi ang pamahalaang Pilipino. Napapanahon, kung gayon, na paghandaan ito ng POEA, OWWA, DFA at iba pang ahensya ng pamahalaan para masalo ang mga OFW na tatamaan ng kahigpitan. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Tuesday, April 23, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 55 April 24 – 25, 2013

Cover page Taon#6_blg#55.indd

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 55 April 24 – 25, 2013



Kim Chiu, ‘di pa rin kayang magpatawad!


“MADALING MAGPATAWAD , mahirap makalimot.”
‘Eto ‘yung noon pa’y gasgas nang linya o cliche na narinig uli kay Kim Chiu nang mag-guest ito sa The Buzz nu’ng Sunday kaugnay ng kanyang birthday celebration.
Totoo naman ‘yon talaga. Pero kami ay naniniwala na kung wagas ang kaligayahan ngayon ni Kim kay Xian Lim ay hindi na siya magkikimkim ng sama ng loob sa tao.
Sa puntong ito’y talong-talo si Kim. Baket? Eh, kasi, sa tuwing naaalala o ipinapaalala kay Kim sina Maja Salvador at Gerald Andreson, naiiyak siya. Masama pa rin ang loob niya.
Para sabihin ni Kim ang kanyang tunay na nararamdaman, pinupuri namin siya. Ibig sabihin, hindi siya plastik para itago ang true feelings niya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Mahigit isang buwang ‘di na raw nagsasama Claudine Barretto at Raymart Santiago, totoong hiwalay na?!


MUKHANG TOTOO na nga itong isyu sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto, ah!
Ang latest na nabalitaan namin, mahigit isang buwan na raw na hindi nagsasama ang mag-asawa, kaya parang hiwalay na nga sila.
Kuwento rin ng Startalk staff namin, nakikita raw nila sa Instagram ni Claudine na mga anak lang nito ang kasama at hindi na si Raymart.
Si Raymart kasi tahimik lang at ayaw niya talagang magsalita tungkol sa isyu nila ni Claudine.
Kasi kung wala namang katotohanan ‘yun, magsasalita na ‘yun na hindi totoo, ‘di ba?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Wagi ng Best Actress award sa Famas Angel Locsin, napapansin na ang galing sa pag-arte


HAPPY KAMI for Angel Locsin dahil unti-utni na talagang napansin ang galing niya sa pag-arte. Last Sunday, ginawaran si Angel ng Best Actress awards ng FAMAS na ayon sa kanya, isa ‘yung maagang birthday gift dahil kahapon nga ang kanyang 28th birthday.
Sabi niya sa kanyang speech, “Isa po itong maagang regalo para sa akin dahil sa Martes po, ay birthday ko na. Salamat po talaga sa inyo, sa FAMAS at sa lahat ng mga sumusuporta sa akin.”
Sa usapin ng lovelife, sinabi ni Angel na masaya talaga sila ni Phil Younghusband, pero hindi pa siya handa sa anumang usapin ng kasal. Pero she’s hopeful that Phil is ‘the one’ na sa kanyang buhay.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Daniel Padilla, masyadong mayabang!


NAGULAT SI Benjamin Alves nang masulat sa isang tabloid abroad na iniiwasan niyang makinig sa music ni Daniel Padilla.
Kaagad nag-deny si Benjamin sa kanyang Twitter account about the issue.
“I was never interviewed for this Dubai tabloid magazine. Surprised just as much as you guys. Sorry for all who read this bogus interview,” sabi niya sa kanyang Twitter account.
Music-based lahat ng questions na lumabas sa Dubai tabloid about Benjamin.
When asked on what song in his list ang palaging nasa repeat mode ay One Way or Another by One Direction daw ang naging sagot ni Benjamin as it was “a great song. Love playing it over and over again.”
The song that makes him move is “Gentleman by Psy”.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]