Showing posts with label Sunshine Cruz. Show all posts
Showing posts with label Sunshine Cruz. Show all posts

Tuesday, January 21, 2014

Cesar Montano, dismayado sa desisyon ng korte sa custody ng anak nila ni Sunshine Cruz


Monday, September 30, 2013

Raymart Santiago at Claudine Barretto, patuloy na naglalabasan ng baho


MAGPAPA-PRESSCON DAW si Claudine Barretto bukas para sagutin ang mga huling pahayag ni Raymart Santiago.
Pagkatapos daw ng presscon na ‘yun, meron na naman daw itong ipa-file na panibagong kaso laban sa aktor.
Hay, naku! Wala nang katapusang demandahan ‘yan!
Sabi nga ni Raymart, hindi raw siya natutuwa sa mga nangyayari, pero wala raw siyang magawa. Dahil sina Claudine din daw ang nagtulak sa kanya na gawin at sabihin ang lahat na mga nangyari sa kanilang mag-asawa.
Hindi lang daw ‘yun ang inilabas niya kundi meron pa raw siyang nakatago pang ebidensya laban kay Claudine.
So, talagang naglalabasan na sila ng baho. Hanggang saan matatapos ‘yan? ‘Yan na ba ang kalalakihan ng mga anak nila?
Mabuti pa sina Cesar Montano at Sunshine Cruz, hindi na umabot sa ganu’n dahil hindi na rin naman pinapatulan ni Cesar ang mga sinasabi ni Sunshine.
Inako naman niya ang mga pagkakamali niya kaya nga raw simba siya nang simba dahil bahala na raw ang Diyos ang maghugas sa mga nagawa niyang kasalanan.
Nakakaloka na! Patuloy pa rin ang drama ng mga mag-asawang ito na sinusubaybayan naman natin.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Wednesday, September 4, 2013

Wally Bayola-EB Babe Yosh sex video scandal, nakadidiri raw!


ANO BA ‘yan! Hindi pa nga natapos ang isyung sex video scandal nina Chito Miranda at Neri Naig, meron na namang pinagpipiyestahan ngayon sa Internet, itong kina Wally Bayola at miyembro ng EB Babes na si Yosh Rivera.
Sabi ng mga baklang taga-Startalk na nakapanood na, mahigit limang minuto raw ang takbo ng video at parang nadiri raw sila. Bakit kaya? Ayoko namang panoorin pa ‘yun, ‘no!
Anyway, as of presstime, wala pa namang inilabas na statement ang Eat Bulaga tungkol dito.
I’m sure, hindi naman magsasalita ‘yun. Ganu’n naman ‘yan sila, eh. Tahimik sila pagdating sa mga intriga at iskandalo.
Wala ka naman kasing sasabihin pa riyan at baka lumaki pa lalo. Kaya mabuting manahimik na nga lang.
Hindi pa natin alam kung ano ang desisyon ng Eat Bulaga rito, pero hindi pa yata nagpapakita si Wally sa Eat Bulaga mula pa nu’ng Lunes.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sa problema nila ni Sunshine Cruz Cesar Montano, nalulungkot para sa mga apektadong anak


MAS NAKATUON na lang daw at mas binibigyang-atensiyon ni Cesar Montano ang kanyang trabaho, kaysa pag-usapan pa ang gusot na namamagitan sa kanya at sa kanyang asawang si Sunshine Cruz. Deadma na lang daw ito sa patuloy na bumabatikos sa kanya.
Pakiusap nga nito sa mga taong patuloy na nanghihimasok sa problemang kinakaharap nilang mag-asawa dahil masyado na raw siyang nasasaktan ‘di para sa kanyang sarili kung hindi sa kanyang mga anak na babae na alam niyang naapektuhan na sa mga tsismis na lumalabas sa kanilang dalawa ni Sunshine.
Alam daw ni Cesar na nasasaktan na ang kanyang mga anak sa nangyayari sa kanilang mag-asawa at ito raw ang labis na ikinalulungkot ng mahusay na actor/singer/host/director.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sunday, August 18, 2013

‘Di tulad nina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Claudine Barretto at Sunshine Cruz Vina Morales, ‘di ginawang sirkus ang pagiging biktima ng ‘pang-aabuso’ ng mister


BUONG TAPANG at hindi ikinahiya ni Vina Morales na ibulgar na dumanas din daw siya ng pang-aabuso at ito ay kanyang ipinaglalaban ngayon na more commonly known as the anti-violence against women and their children.
Masasabing kasali na rin siya sa grupo ng kapwa artista na sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Claudine Barretto at ang latest nga na si Sunshine Cruz na ipinaglalaban ang karapatan bilang babae.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Michael V, ligtas na sa Dengue


MABUTI’T GUMAGALING na si Michael V na ilang araw din sa hospital dahil sa Dengue.
Nag-worry ang mga kaibigan ng komedyante at mga supporters nito dahil sa napabalitang nangangailangan ito ng dugo.
Bumaba pala talaga ang platelets nito kaya nanawagan sila kung sino ang makapagdo-donate ng dugo.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Friday, August 16, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 104 August 16 – 18, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 104 August 16 – 18, 2013


Sunshine Cruz at Cesar Montano, inabot ng 4 na oras ang paghaharap sa korte


NAKAKALOKA NA, ha?! Usung-uso na ‘tong demandahan ng mga naghihiwalay na asawa.
Inunahan muna ni Kris Aquino, sinundahan ni Ai-Ai delas Alas, tapos si Claudine Barretto, at ang latest nga si Sunshine Cruz.
Lahat sila humihingi sa korte ng Temporary o Permanent Protection na akala mo nabubugbog ng asawa, naabuso at aping-api sila, ha!
Itong kay Ai-Ai, siguro okay lang dahil wala naman silang anak ni Jed Salang, at siguro meron naman talagang sakitang nangyari base sa mga kuwento ni Ai-Ai, ha!
Pero itong kina Kris, Claudine at Sunshine, ewan ko lang ha? Kasi karamihan naman ay mas marami ang naniniwala sa lalaki.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]