Showing posts with label Charice. Show all posts
Showing posts with label Charice. Show all posts

Sunday, November 3, 2013

Matteo Guidicelli, dinepensahan ang paghihigpit ng ina ni Sarah Geronimo


SA PAKIKIPAG-USAP namin kay Matteo Guidicelli sa nakaraang special screening ng Bekikang, consistent pa rin si Matteo Guidicelli ‘pag tungkol sa sinasabing espesyal na relasyon nila ni Sarah Geronimo ang pinag-uusapan. Pero kahit papaano ay napiga namin ang aktor.
Sa tanong namin kung may katotohanan bang boto raw ang butihing ina sa Pop Princess, ayon kay Matteo ay ‘di pa sila nagkakausap ng kanyang mommy tungkol dito. Pero sana, dahil maganda kung marunong ang bawat tao na gumusto sa ibang tao dahil bawat isa ay karapat-dapat namang irespeto at pahalagahan.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ayaw man ng ina Charice, handang pakasalan si Alyssa Quijano


VOCAL ANG Pinay international singer na si Charice Pempengco sa pagsasabing gusto niyang pakasalan ang girlfriend na si Alyssa Quijano dahil ito raw ang babaeng gusto niyang makasama sa kanyang pagtanda.
Pero hindi raw sila nagmamadali at wala pang detalyadong araw, buwan o taon kung kailan ito mangyayari dahil ayaw nila itong  apurahin. Pero if ever daw na mangyayari na ito ay sa ibang bansa nila ito gagawin, kung saan tanggap ang pagpapakasal ng same sex.
Hindi na rin nga nito iniisip kung ano ang sasabihin ng kanyang ina, kaibigan at mga kamag anak dahil alam naman daw nitong marami rito ang paniguradong hindi sasang-ayon sa kanyang magiging desisyon na pakasalan si Alyssa.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Charice, marami ang naaangasan!


NAGTATAKA NAMAN ako sa sinasabi ng iba na maangas daw itong si Charice Pempengco mula nang makilala siya internationally. Iba raw itong magsalita na taliwas sa dating Charice na pa-girl pa ang image sa publiko.
Pati porma ng singer, pinakialaman ng bayan mula nang mag-out from her closet (hindi ganu’n kadali na porke’t  tibo ka ay ganun-ganun na lang na sasabihin mo sa kaibigan, pamilya at sa mga fans mo kung anong preferred lifestyle mo).
Oo nga’t hindi porke’t iniluwal ka na may-ari ng babae, lalaki na dapat ang hanap mo na makatuwang sa buhay. Wala itong ipinag-iba sa dalawang matatanda mga edad 85 na nakatsika ko sa sementeryo noong Undas. Nasa harap ng puntod ng mahal nila sa buhay ang libingan naman ng lolo, dalawang lola at ama ko na recently lang namatay.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Monday, September 30, 2013

Raymart Santiago at Claudine Barretto, patuloy na naglalabasan ng baho


MAGPAPA-PRESSCON DAW si Claudine Barretto bukas para sagutin ang mga huling pahayag ni Raymart Santiago.
Pagkatapos daw ng presscon na ‘yun, meron na naman daw itong ipa-file na panibagong kaso laban sa aktor.
Hay, naku! Wala nang katapusang demandahan ‘yan!
Sabi nga ni Raymart, hindi raw siya natutuwa sa mga nangyayari, pero wala raw siyang magawa. Dahil sina Claudine din daw ang nagtulak sa kanya na gawin at sabihin ang lahat na mga nangyari sa kanilang mag-asawa.
Hindi lang daw ‘yun ang inilabas niya kundi meron pa raw siyang nakatago pang ebidensya laban kay Claudine.
So, talagang naglalabasan na sila ng baho. Hanggang saan matatapos ‘yan? ‘Yan na ba ang kalalakihan ng mga anak nila?
Mabuti pa sina Cesar Montano at Sunshine Cruz, hindi na umabot sa ganu’n dahil hindi na rin naman pinapatulan ni Cesar ang mga sinasabi ni Sunshine.
Inako naman niya ang mga pagkakamali niya kaya nga raw simba siya nang simba dahil bahala na raw ang Diyos ang maghugas sa mga nagawa niyang kasalanan.
Nakakaloka na! Patuloy pa rin ang drama ng mga mag-asawang ito na sinusubaybayan naman natin.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sunday, July 21, 2013