Sunday, June 30, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 84 July 1 – 2, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 84 July 1 – 2, 2013


Kampo ni Marian Rivera, asar na asar kay Sam Pinto!


SAYANG AT tapos na ang presscon for Maria Mercedes kaya hindi na namin naitanong kay Jessy Mendiola ang blind item about her na pinagkaisahan siya ng friends ni JM de Guzman.
Nasulat sa isang website na iginanti ng mga kaibigan ni JM ang binata nang makipaghiwalay si Jessy rito. Kinausap daw nila si Matteo Guidicelli para paibigin ang dalaga.
Kumagat naman daw si Jessy at ‘yun nga ang nangyari, hiniwalayan rin siya ni Matteo.
Ngayon, amanos na raw sina Jessy at JM.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Kim Chiu, humabol sa libing ng ina


NAILAGAK NA sa kanyang huling hantungan ang ina ni Kim Chiu na si Louella Yap Chiu sa Cebu Memorial Park (CemPark).
Ayon sa ulat ni Carine Asutilla, ABS-CBN News Central Visayas na nalathala sa abs-cbnnews.com noong June 29, sinabi nitong dinaluhan daw ang funeral ng mga malalapit na kaibigan, kapamilya at si Kim mismo na dumating galing sa biyahe nito sa Thailand para sa isang commercial shoot.
Umalis daw ang funeral convoy mula sa Cosmopolitan Funeral Homes sa Nivel Hills, sa Lahug, Cebu bandang alas-nuwebe ng umaga para sa isang misa na idinaos naman sa St. Therese Parish bago sila tumungo sa CemPark.
Lahat ng mga dumalo sa misa at libing ay nakasuot ng puti. May halos isandaang katao raw kasama na ang mga kapatid ng ama ni Kim na si William ang sumama sa paghatid ng asawa sa huling hantungan nito.
Alas-diyes ng umaga sinimulan ang misa, kung saan dumating ang aktres ilang minuto pagkatapos simulan ang naturang pagbe-bendisyon sa simbahan.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Enrique Gil, bukas sa posibilidad na ma-in love kay Julia Montes

 
ENRIQUE GIL is open to the possibility of falling in love with Julia Montes. “Bukas lahat. Whatever happens, happens. Nothing is impossible.” Ito ang kanyang walang kagatul-gatol na pahayag sa The Buzz.
Magkasama sila ni Julia sa bagong inaabangang teleserye sa ABS-CBN, ang Muling Buksan ang Puso, na malapit nang mapanood sa Primetime Bida. Wala namang masama kung mahulog man ang kanilang loob sa isa’t isa dahil pareho naman silang single. Sa katunayan, they look good together on and off-screen.
Kung may mga kinakikiligang KimXi at KathNiel loveteams, ngayon naman ay tinatawag nang JulQuen ang loveteam nina Enrique at Julia ng kanilang mga fans. They previously starred together in the movie The Reunion where they played Boggs and Ligaya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Enchong Dee, ayaw nang dugtungan ang naudlot na relasyon kay Julia Montes


SA PAKIKIPAG-USAP namin kay Enchong Dee sa set visit ng seryeng Muling Buksan ang Puso sa Laiya, Batangas, napag-usapan namin ng aktor na kung papasok siya sa pakikipagrelasyon ay isang non-showbiz girlfriend ang gusto niyang maging kasintahan.
Ayon kay Enchong, gusto niya ng privacy na kahit anong piga sa kanya ay misteryo pa rin, dahil nga hindi taga-showbiz  ang magiging girlfriend at para iwas na rin sa mga isyu. Sa dami nga naman ng pinagdaanang intriga ng naudlot na relasyon nina Enchong at ni Julia Montes, ‘di masisisi kung ito man ang maging desisyon ng aktor.
Sa nakaraang interviews namin kay Enchong, consistent ang aktor sa pagsasabing sa ngayon ay ‘di niya nakikita ang sarili na dugtungan ang espesyal na namagitan sa kanila ni Julia. Nang tanungin namin tungkol dito, ipinaliwanag naman sa amin ng aktor na masaya sila sa pagkakaibigan nila ng kapareha na muntik nang masira, mawala at mabuti na lang na naibalik at nabigyan uli ng pangalawang pagkakataon.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Richard Gutierrez: Si Sarah (Lahbati) ang boss ng puso ko!


HINDI NA nakaiwas si Richard Gutierrez sagutin ang matagal nang itinatanong sa kanya ng press kung sino ba talaga ang nagmamay-ari ng kanyang puso.
Naging guest co-host kasi si Marian Rivera ng Startalk last Saturday at walang choice si Chard kundi sagutin ang kahit anong itanong sa kanya ni Marian sa nasabing talkshow that day.
Kailangang siputin ni Chard ang talkshow alang-alang sa promo ng kanilang movie ni Marian na My Lady Boss na finally ilalabas na rin sa Wednesday (July 3) sa mga sinehan.
Unang tanong ni Marian kay Chard ay kung sino ang masasabi niyang lady boss? Kaagad na sinabi naman ni Chard na ang mother niya na si Annabelle Rama ang masasabi niyang boss.
Sundot ni Marian kung sino naman ang boss sa puso ni Chard?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Daniel Padilla, tumatambay pa rin!


TAMA ANG sabi ni Enrico Santos ng Skylight Films na sister company ng Star Cinema – hindi sila Star Cinema. Iba sila kahit magkapareho ang pinagmulan nilang kumpanya.
Kaya nga pati titulo ng mga pelikula nila, one word lang. Hindi mahahaba. Kumbaga, pelikulang iba sa Star Cinema para maiba naman ang timpla ng projects nila.
May mga artista kasi na gustong mag-eksperimento sa kanilang karir. Mga pelikulang kakaiba na hindi man pelikulang tatak-Star Cinema, tipong out of the box naman ang mga obra ng director at sumulat.
Tulad sa bagong pelikula nila at pangalawa sa taong 2013, matapos ang success ng Bromance na nag-launch sa karir ni Zanjoe Marudo, ibang timpla at lasa naman ang mapapanood ng publiko.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ritz Azul, type maging dyowa kahit sino kina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga


IF EVER daw na magkakaroon ng showbiz boyfriend ang star ng Misibis Bay na si Ritz Azul, dalawa lang daw ang pinagpipilian nito, at ito ay sina Daniel Matsunaga at Derek Ramsay dahil ang mga ito lang daw ang qualified na papasa sa kanyang panlasa.
Tsika nga nito, “Libre naman ang mangarap, ‘di ba? Hahahaha!” malakas na tawa ni Ritz.
“Sa totoo lang, I can’t choose between Daniel and Derek. Pareho silang qualified physically. Pareho rin silang mababait. At mga gentlemen sila. Kaya ang hirap para sa akin ang mamili. Siguro makapipili lang ako kung may isang manligaw sa akin, hahahaha! Doon ko lang masa¬sabi kung sino ang puwede kong maging first boyfriend ever!” patuloy na pagtawa niya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Marian Rivera, ‘di magpapatalbog sa rampa ng mga sexiest!


NAG-ENJOY AKO kay Marian Rivera nang mag-guest co-host ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, huh! Bagay pala siyang mag-talk show host!
Kahit siya, nag-enjoy at kilig-kiligan ang interview nila ni Richard Gutierrez para sa promo ng My Lady Boss.
Pinatanong nga ng writer namin na kung sakaling wala silang mga karelasyon, may chance kayang maging sila.
Si Marian ang sumagot na hindi nila puwedeng sagutin dahil pareho silang may karelasyon ngayon.
Sabi na lang ni Marian, basta ‘pag magkasama sila, may kilig sa kanilang dalawa.
Siyempre tilian ang mga fans sa studio na talagang nakatutok kay Marian, huh!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Kahit hirap sa Tagalog Sam Milby, performance level ang acting sa serye

 
BLIND ITEM: Dumating sa taping ng kanyang serye ang young actor nang nakatsinelas.
In fairness, ma-PR naman sa crew, sa staff at sa mga kasamang artista ang young actor, pero hindi naman ‘yon ang issue.
Halos lahat ay napapatingin sa gawing ibaba ng kanyang katawan – sa bandang paanan – na nakapukaw ng atensiyon ng mga staff.
Bulong ng isa, “Tingnan mo ‘yung paa nu’ng isang crew. Tapos, tingnan mo ‘yung paa ni ____.
“Ngayon, pagkumparahin mo ang paa nila, kanino ang mas malinis?”
Juice ko, ang dumi raw ng kuko sa paa ng young actor. Parang puwede na raw tamnan ng kamote ‘yung lupa sa ilalim ng nails nito.
“Saka ‘yung paa, Papa O, ‘yun mismo ang marumi. Hindi man lang ipa- foot scrub eh, artista pa naman siya, ‘di ba?
“Pinagtsitsismisan tuloy siya sa set.”

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Vivian Velez, pagsasabungin ang dalawang serye sa Dos at Singko


IN-DEMAND NGAYON si Ms. Vivian Velez sa telebisyon, dalawang soap ang ginagawa niya. ‘Yung isa sa Singko at ‘yung isa, Maria Mercedes ng Kapamilya Network. Parehong kontrabida roles ang ginagampanan niya sa mga ito. Kahit lagare sa pagte-taping ang magaling na actress, enjoy naman daw siya sa characters na kanyang pino-portray.
Ayon kay double V, very challenging on her part to be a kontrabida, ibang lever of performance daw ang mapapanood ng viewing public once na ipalabas na ito sa telebisyon.
Curious ang marami kung bakit tinanggap ni Vivian ang teleserye sa Singko kahit wala namang viewers ang kanilang mga palabas. Kung mayroon mang nagre-rate, palagi naman silang kulelat sa rating, almost number 3, hindi umusad-usad. Ipinaliwanag naman ni Ms. Body Beautiful na ‘yung role ang dahilan kung bakit niya ito tinanggap. May nagsasabing mas mataas daw ang TF niya sa Kapatid Network kaya napilitan na lang itong gawin ang soap.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Naka-tsinelas sa taping ng serye: young actor, nalilimahid sa dumi ang paa at kuko!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Aktres, sinunog ang P1-M budget sa movie!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Palaging libre ang drama: aktres, reyna ng kakuriputan!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Mga Dakilang Taxi Driver

NOONG JUNE 28, Biyenes, muling idinaos ang Gawad Katapatan Award sa studio ng Radyo5, 92.3 FM, sa TV5 Compound, 762 Quirino Highway, San Bartolome, Novaliches, Quezon City.
Ang awarding ceremony ay nasaksihan sa Wanted Sa Radyo sa pamamagitan ng Radyo5 at Aksyon TV Channel 41. Ang mga napagkalooban ng nasabing parangal noong Biyernes ay sampung taxi driver, at sila ay nabibilang sa Batch 9 ng Gawad Katapatan Award simula ng ito ay mailunsad noong Setyembre ng nakaraang taon.
Ang sampung awardee ay sina: (1.) Matias C. Sayson ng PAFC Taxi, nagsoli ng mga bagahe na naglalaman ng mga alahas na nagkakahalaga ng mahigit sa P300,000.00. (2.) Eddie T. Dangase ng Diann & Kelsey Taxi, nagsoli ng iPhone  4 at Coolpad Cellphone. (3.) Joseph D. Estonata ng ABC Taxi, nagsoli ng iPhone 4. (4.) Joselle C. Perater ng JTU Taxi, nagsoli ng Apple iPad Mini at mahahalagang dokumento. (5.) Rudy C. Bordeng Star of Navas Taxi, nagsoli ng bagahe na may lamang Fujitsu laptop. (6.) Ruben B. Cabanilla ng Stealth Transport, nagsoli ng Sony Ericson Xperia Cellphone. (7.)Alex L. Bacolot ng Basic Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P7,200.00 cash. (8.) Servillano G. Dabo ng City Star Cruise Inc., nagsoli ng SKK mobile Android cellphone. (9.) Isagani I. Aplacador ng Ashton Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P5,880.00 cash. At (10.) Christopher U. Baynosa ng Tayaktak Taxi, nagsoli ng Samsung Galaxy Y cellphone. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Maling Rehistro ng Pangalan

Dear Atty. Acosta,
“CHERRYLYN” PO ang inilagay kong pangalan sa birth certificate ng aking anak sa ospital noong ako ay nanganak noong September 2010. Ngunit napag-alaman ko po na “Cherry Lyn” ang nakarehistro na pangalan ng aking anak. Ano po ang aking gagawin upang maiwasto ito?                                                                                                  

Ano ang Ginagawa ng Ambassador?

HANGGANG NGAYO’Y nakababad pa sa mga balita ang tungkol sa sex-for-fly na raket ng mga tauhan ng DOLE sa abroad. Partikular na pinupuruhan ang mga labor attache (ngayo’y tinatawag na POLO) at welfare officer na nangmomolestiya ng mga babaeng OFW sa Gitnang Silangan. May napupuna lang ako sa mga pahayag ng DFA at DOLE tungkol sa nasabing isyu.
Una, sinasabi nilang ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap sila ng ganitong mga ulat tungkol sa “sex-for-fly” scheme ng mga labor official. Mali ito, matagal na itong nangyayari sa abroad at kahit mismo ako ay may mga naisulat nang kolum tungkol dito noon pa man.
Pangalawa, bakit mga labor official lang ang iniimbestigahan gayong may mga sangkot ding tauhan ng DFA sa nasabing mga kabalbalan? 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Joel Cruz, ipinakilala na sa publiko ang kambal na anak


Bida to Kontrabida


Ritz Azul does the ‘Getting Sexier’


Hello, enemies


Ansabeee?!!! 07/01/13


Bleeehhh!


Friday, June 28, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 83 June 28 – 30, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 83 June 28 – 30, 2013


Dahil sa problema sa ina Jessy Mendiola, napilitang itago ang relasyon kay JM de Guzman


DAPAT AY mag-move on na itong si Cesar Montano. Until now pala ay ayaw pa rin nitong tigilan si Sunshine Cruz na ang ganda-ganda ng tinatakbo ng career noon.
Patuloy na sinusuyo ni Cesar itong si Sunshine, pero tila wala nang interest ang aktres na balikan ang kanyang asawa.
Naloloka na nga si Sunshine dahil pati pala career niya ay pinakikialaman ni Cesar. Super selos daw ito kay Ejay Falcon na kasama ni Sunshine sa soap na Dugong Buhay.
Ang nakakaloka pa raw, talagang tinatawagan pa raw ni Cesar ang director nila sa soap na si Toto Natividad para tanungin kung anu-anon ang mga eksenang ginagawa ni Sunshine.
Tama ba ang nakarating sa amin na until now ay ayaw pa rin ni Cesar na gumawa si Sunshine ng sexy scenes kahit sa kanyang soap?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

‘Di pa raw handang pumasok sa relasyon Sarah Geronimo, ‘di type si Matteo Guidicelli?!


NGAYONG KUMPIRMADO na si Jessy Mendiola ang gaganap sa remake ng Maria Mercedes, hindi namin masisisi ang aktres kung mas gamitin nga nito ang isip kaysa sa puso kung ang pagbabasehan ay ang mga magagandang proyekto na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.
Ang desisyong mas mahalin ang kanyang sarili ang binigay na rason kung bakit nagdesisyon na makipaghiwalay sa boyfriend for two years na si JM de Guzman. Ang pagpokus naman sa career ang dahilan na binigay kung bakit hindi na lumalim at lumawig pa ang muntik-muntikan nang relasyon nila ni Matteo Guidicelli.
Sa presscon, inamin ni Jessy ang issue na totoong in-unfollowed niya si Matteo sa Instagram at sa Twitter dahil sa naging tampuhan nila, kung saan ayon kay Jessy ay nagkaroon sila ng miscommunication.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Richard Gutierrez, papunta na sa pagkalaos?!


HINDI DAPAT paulit-ulit na ipinapangalandakan ni Richard Gutierrez ang plano niyang pamamahinga muna sa showbiz, lalo pa’t kung sa ibang bansa siya maglalagi. Kapag kasi ang isang artista ay sikat na sikat katulad niya na isang matinee idol, hindi dapat nagpaplano ng mga pansamantalang pagkawala sa limelight.
Sa nangyaring kasikatan nina Nora Aunor, Vilma Santos at Sharon Cuneta ay wala sa kanila dati ang pamamaalam na ganyan. Mahirap daw ‘yan.
Puwedeng sabihin na sa ngayon, si Richard ay hindi pa napakahusay na actor pagdating sa larangan ng pag-arte. Pero sa showbiz, ang pangalan ng brother ni Ruffa Gutierrez sa bakuran ng GMA-7, kahit ang mga artista ng ABS-CBN ay alam at tanggap na Hari sa kabilang network si Richard.
Nakakatakot siyang mawala, dahil sa panahong ito ay may lamlam ang kanyang kasikatan. Baka masingitan siya ng ibang artista ng Siyete na gusto ring sumikat, at sa pagbabalik ng anak ni Annabelle Rama ay iba na palang actor ng GMA ang pumuwesto sa dati niyang kasikatan.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Alden Richards: ‘Kanya-kanya muna kami ni Julie Anne San Jose’


MARAMI ANG nakakapansin na parang nag-iiwasan ngayon sina Alden Richards at Julie Anne San Jose. Dati ay naging very close sila to the point na napapabalita ngang parang may nabubuo nang special friendship sa pagitan nila.
Ngayon, linggu-linggo man silang nagkikita sa Sunday All Stars (SAS), hindi sila nag-uusap. Ni hindi na sila nagti-text sa isa’t isa.
“Wala po muna. Trabaho muna po ang focus namin,” nangiting pahayag ni Alden nang matanong namin.
Baka naman kinausap sila ng management ng GMA na iwasan nila na ma-link sa isa’t isa?
“Hindi naman po. Siguro po muna, kanya-kanya muna po kaming dalawa.”

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, ‘di na malayong mauwi sa kasalan!


BONGGA NA talaga itong My Husband’s Lover nina Dennis Trillo, Carla Abellana at Tom Rodriguez, huh! Ang ingay-ingay na, kasi pati ngayon ang simbahan nakikialam na.
Naglabas ng statement ang CBCP na imoral daw itong My Husband’s Lover kaya dapat daw na pag-aralan ito nang mabuti ng GMA-7.
Siyempre ang daming nag-react na mga sumusubaybay sa drama series na ito ng GMA-7 dahil ang laking kaipokritohan naman daw ito na ang katatawanan lang ang itinuturing nilang kabadingan.
Nakakaloka nga naman! Hanggang katatawanan na lang ba ang puwedeng isalarawan sa mga bading? Hindi puwede ang mga seryosong kuwento nila?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Jasmine Curtis-Smith, diring-diri kay Derek Ramsay


MASAYANG JASMINE Curtis-Smith ang nakatsikahan ng press sa taping ng Undercover, new drama/action TV series sa Kapatid Network dahil nakapasa na siya sa Ateneo de Manila para sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa college.
Tapos, ‘eto pa ang new project na ipinagkatiwala sa kanya ng TV5 kasama sina Derek Ramsay, Wendell Ramos, Arci Muñoz at Philip Salvador na idinirek ni Topel Lee.
She was so happy dahil makapag-aaral na siya sa ‘Pinas nang tuluy-tuloy, not like before na kailangan pa niyang bumiyahe from Australia to Phillippines para sa kanyang showbiz career.
Anyway, sa bagong drama/action TV series nila ni Derek, magkakaroon sila ng love affair na kaagad naman daw tinanggihan ng dalawa. Para kay Derek, parang lalabas daw na incest kung magkakaroon sila ng romantic affair sa series.
Ayon kay Derek, bata pa lang daw si Jasmine ay magkapitbahay na sila at parang little sister na ang turing niya sa utol ni Anne Curtis.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Vivian Velez, muntik-muntikang magka-problema sa Dos at Singko!


“I ALMOST got into trouble. Naintindihan naman nila (ABS-CBN). I heard about good things sa TV5. Gusto kong ma-experience.” Ito ang pahayag ni Ms. Vivian Velez na pangunahing villain sa TV5 mini-serye na Misibis Bay na mapapanood na sa July 1, 8pm.
Dagdag pa ni Ms. Body Beautiful, “Gustung-gusto ko ang mga linya ko sa Misibis Bay. Talagang nagustuhan ko.
“Maria Mercedes is different. Si ­Chito Roño ang direktor. I am happy to work with TV5.”
Pareho kasing pang-gabi ang Maria Mercedes ng ABS-CBN, kung saan siya rin ang pangunahing kontrabida ni Jessy Mendiola at ang Misibis Bay na parehong July ipalalabas.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Richard Gutierrez, ‘di nag-renew ng kontrata sa Siyete


SECOND WEEK na noong Sunday! Dios Mio Por Santo. Kung sino man ang may pakana ng show na ito, maawa ka naman sa mga artista n’yo.Pagpahingahin n’yo na muna sa araw ng Linggo (tulad ng sabi ni Lord) ang mga ito at wala namang kinapupuntahan ang palabas. Paghaluin ba naman ang That’s Entertainment ng (80’s) ni Kuya Germs at ang larong charade. Next week, gusto kong ma-incorporate ang larong “Bring Me” at “The Boat is Sinking” or “Trip to Jerusalem”.
Kaloka ka Lilybeth Rasonable at nakalulusot sa standard mo ang mga ganitong konsepto. Mabuti na lang, libre ang panonood ng telebisyon. Nabaliw ako!
Sa Sunday kaya, araw ng pahinga ko, baka mabaliw na naman ako, hindi kaya?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ai-Ai delas Alas, divorce ang sadya sa pagpunta sa Amerika?!


SA PAGLIPAD ni Ai-Ai de las Alas patungong Amerika nitong June 19 (after attending the hearing that same day kaugnay ng kasong isinampa niya laban kay Jed Salang sa QCRTC), her month-long vacation with her eledest son Sancho Vito would  surely allow her meeting up with former partner Miguel Vera.
Ani Ai-Ai, bonding time daw nilang mag-iina ‘yon lalo’t nasa US ang dalawa pa niyang anak by Miguel na sina Nicolo at Sophia na nag-aaral doon.
Kung matatandaan, Miguel—then an already established singer here—chose to migrate to the US after reuniting with his wife Christine (who came before Ai-Ai). Pero sa pagdaan ng panahon, nagkahiwalay rin sina Miguel at Christine. Miguel, pet named Boyet, fell in love with Christine’s former classmate na nakilala niya sa Amerika. The two are now a couple.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Bea at Shaina, BFF forever?


Juday, humahakot!


Ligtas Ba ang mga Pasahero sa Pampublikong Bus?


GAANO NGA ba kaligtas ang mga pasaherong pini-pick-up sa kalsada at maging sa bus terminals sa kahabaan ng EDSA. Sa katotohanan kaya nagko-commute ang karamihan sa atin, mga nag-oopisina, mga estudyante at karaniwang mamamayan dahil wala silang sariling sasakyan o kundi naman kahit may pag-aari ay para makatipid dahil sa mahal ng gasolina at tollgate.
Ang tinutukoy ko ang mga panghoholdap at pandurukot sa mga bus, partikular tuwing rush-hours at dis-oras ng gabi. Minsan ‘di malayong isipin nating baka minsan pati ang ibang driver at konduktor ng bus ay kasabwat sa krimeng ito. Maaaring ito ay organized crime na o isang modus operandi.
Ano kaya ang dapat gawing aksyon ng mga operators nito at ng nakasasakop nito katulad ng mga kapulisan, MMDA at LFTRB?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

JM de Guzman does the ‘Good Boy’


Jake vs Lovi Tapatan sa deadmahan


Ansabeee?!!! 06/28/13


Trigger-Happy na Vice-Mayor!

• 0926524**** – Idol, isa po akong concerned citizen, sana po ay maaksyunan ang ginawang pagpapaputok ng armalite ng isang vice-mayor dito sa Batangas. Isang magazine po ang inubos niya sa pagpapaputok. Mga natatakot naman pong magsumbong ang mga tagarito dahil baka po mapag-initan. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Paano mapabababa ang sentensya?

Dear Atty. Acosta,
NASENTENSYAHAN PO ang aking kapatid ng pagkakakulong mula 12 taon hanggang 20 taon sa salang Illegal Possession of Dangerous Drugs. Dalawang taon na po siyang nakakulong sa Muntinlupa ngayon. Mayroon po ba kaming magagawa upang mababaan ang kanyang sentensya upang siya ay makalaya agad?                

Wednesday, June 26, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 82 June 26 – 27, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 82 June 26 – 27, 2013


Magkakapatid, nagkagulo sa b-day party ni Ruffa Gutierrez Richard Gutierrez, inumbag si Ritchie Paul?!


UNTI-UNTI NANG kumakalat itong nangyari sa birthday party ni Ruffa Gutierrez, kung saan inumbag daw ni Richard Gutierrez ang kapatid niyang si Ritchie Paul.
Ewan ko lang kung ano talaga ang totoo rito, pero nagkaroon nga raw ng gulo sa magkakapatid.
Natigil na lang daw sila nang ang Daddy nilang si Eddie Gutierrez na mismo ang umawat at nagalit sa ginawa ng mga anak niya.
Siyempre si Ruffa ang naloka raw dahil sa birthday na naman niya. Ganu’n yata talaga! Tuwing nagsi-celebrate ng kaarawan niya, laging may gulong nangyayari.
Pero tahimik lang muna ang pamilya Gutierrez ngayon at hanggang kuwentuhan lang ito sa umpukan ng showbiz gatherings.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Nagkasabay sa kani-kaniyang photoshoot Dingdong Dantes, ‘di nag-effort na batiin man lang si Karylle


ISINUGOD SA ospital nitong Lunes lang ng umaga si Richard Yap o mas kilala bilang si Ser Chief sa kinakikiligang teleserye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.
Agad din daw na-discharge ang aktor mula sa emergency room matapos matignan ng doktor at malapatan ng kaukulang lunas.
Pero balik-taping daw agad si Ser Chief ng kanilang teleserye pagkagaling sa ospital.
Sa kasipagan ng leading man ni Jodi Sta. Maria sa kanilang tapings at kaliwa’t kanang commitments, hindi malayong ma-overfatigue ito.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sa sobrang pangungulila sa mga anak Jackie Forster, nagbanta laban sa kampo ni Benjie Paras


NAKITA KO ang pictures ng dalawang babies ng isang hindi na aktibong young actress ngayon na ang alam namin ay nasa ibang bansa na naninirahan kasama ang mister nito.
Pero sa mga retrato ng two babies niya, kapansin-pansin ang mukha ng kanyang panganay. Kamukhang-kamukha ng mga anak ng isang sikat na personalidad.
Ang sabi sa amin ng aming source, “Anak nga niya ‘yan ke _____ (sikat na personalidad). Hindi lang puwedeng aminin, dahil baka mag-react ang asawa na ‘eto’t meron na namang bagong sanggol na ibinibintang sa asawa niya.
“But the truth is, pinaako na lang sa mister ngayon ng young actress ang responsibilidad nu’ng sikat niyang ama. Although ang alam ko, binigyan ng negosyo sa ibang bansa ang parents ni young actress at pati si aktres, kaya happy na rin ang both sides.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Tuesday, June 25, 2013

Sa pagkukumpara ni Kris Aquino kay James Yap Philip Salvador, lumalabas na ‘di kayang ipaglaban ang karapatan sa anak


MARAMI SA mga kaibigang taga-showbiz na nagmamahal kay Philip Salvador ang nalungkot at nagsimpatiya sa magaling na actor nitong huli, na sa pagkukumpara ni Kris Aquino sa mga ama ng kanyang mga anak na sina Joshua at Baby James ay purihin ng kontrobersiyal na TV host ang pananahimik ni Kuya Ipe tungkol sa pagiging ama niya sa panganay na anak ni Tatay, dahil wala naman talagang eksenang ginagawa ang brother ni Kuya Ramon Salvador.
Sa dami kasi ng mga kabigan ni Philip sa showbiz, alam na alam nila na kahit sobrang nananahimik si Kuya Ipe tungkol sa pagiging ama niya ni Joshua, naroon naman ang sobrang kalungkutan ng actor, dahil mahirap ang sitwasyon. Walang ama na hindi naghahangad na makasama ang kanyang anak. Pero sa ngayon, puro mukha ni Kris Aquino ang makikita mo sa telebisyon na naipangangalandakan kung papaano niya binubuhay ang kanyang mga anak.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Cong. Benjo Benaldo, nagbanta sa mga bumibira sa asawang si Daiana Menezes


MAY MGA bumabatikos kay Daiana Menezes sa paiba-ibang statement nito sa media at sa kanyang mga posts sa photo sharing website na instagram.
Matapos ang panayam nila ng asawang si Congressman Benjo Benaldo ng Cagayan de Oro’s First District sa The Buzz last Sunday June 16, nagbigay naman ito ng panayam kay Ginger Conejero ng ABS-CBN news last June 18, kung saan sinabi ng Brazilian model na pinagmukha raw siyang stupid ng kanyang asawa.
Pero walang pahayag si Cong. Benaldo tungkol dito.
Noong Lunes, June 24, nagpadala ng statement ang outgoing representative ng Cagayan de Oro sa amin. Aniya, ito na raw ang last niyang pagbibigay ng pahayag sa media. Gusto raw niyang makiusap na tigilan na raw ang sobrang pambabatikos sa asawa na aniya’y “too personal and full of malicious intent to destroy our persons”.
Dagdag pa ni Congressman Benjo, kung hindi pa raw tumigil ang labis labis na pambibira sa asawa, at kung sa pakiramdam nila ay lumagpas na ito sa freedom of speech, hindi raw sila mag-aatubiling gumawa ng hakbang na naaayon sa batas.
Narito ang full statement ni Congressman Benjo Benaldo:

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Aiza Seguerra, may bago nang GF?!


TRUE KAYA ang lumabas sa isang website na ang pangalan daw ng girlfriend ni James Yap ay Michelle Acazzola?
Kasama sa pagri-reveal ng website ang photo ng blonde girl na kasama ni James sa isang photo na ipinost niya sa kanyang Instagram account.
Naka-black bustier top ang girl at maong pants nang makunan ito ng litrato sa airport yata.
Halatang pinagkaguluhan ang blonde girl dahil ang daming nagpakuha na kasama siya.
Could she be the rumored Filipino-Italian girlfriend of Kris Aquino’s ex-husband?
Kung siya nga, aba, hindi hamak na mas bata siya at mas maganda kay Kris, ha?
At mukhang dalaga at hindi pa nagkaanak.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Julie Anne San Jose, pinagbawalang maging malapit kay Alden Richards?


MARAMI ANG naiintriga kung ano na raw ba ang nangyari at biglang-bigla ay nawala ang closeness nina Julie Anne San Jose  at Alden Richards. There was ay time na napapabalitang nagkakamabutihan na nga sila dahil sa sobrang closeness nila sa isa’t isa.
Ngayon, sa Sunday All Stars (SAS), hindi na sila nagpapansinan kahit nagkakasalubong galing sa kani-kanilang dressing rooms. Hindi na rin sila nagti-text sa isa’t isa.
“A… wala po,” pag-iwas na reaksiyon ni Julie Anne nang matanong namin. “Okey naman po kami. Friends pa rin naman po kami.”
Pero lately, hindi na nga sila nagkakausap? “Siguro po, naging busy lang ako. Naging busy rin po siya.”
Nakapagtataka nga talaga na mula sa pagiging very close, nawala kahit communication sa pagitan nila. Ni hindi na sila nagti-text sa isa’t isa nga.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Kris Aquino, ‘di magagawang talikuran ang showbiz kahit pumasok sa pulitika


IF BOY Abunda is 100% seeking a gubernatorial seat in his native Eastern Samar in 2016, kinumpirma rin sa amin ng King of Talk that Kris Aquino is also eyeing the same post—not necessarily in her native Tarlac province.
Ayon kay Kuya Boy, mahigit dalawampung bayan ang sumasakop sa kanyang kinagisnang lalawigan. But he has yet to  furnish us with the statistics kung ano nga ba ang estado ng bahaging ‘yon dominated by our Waray brothers in terms of progress.
One thing’s for sure though, tanging si Kuya Boy lang sa mga miyembro ng pamilya Abunda has never experienced what political life is like. Ang ate ni Kuya Boy na si Manang Fe is the incumbent mayor (ewan kung pang-ilang termino na) of Borongan.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Kris Aquino, malabo nang magkaroon ng lalaki?!


MAY LALAKI pa kaya na magmamahal kay Kris Aquino? Unless mahilig sa publicity ang lalaking pakakasalan niya o makakasama, maaari pa.
Sa kaso ni Kris kasi, ang lalaki na gusto ang tahimik na buhay na makasama lang siya ay malamang sa hindi, aatras sa kanya.
Hindi susunggaban ang pagmamahal na isusukli ng Queen of All Media sa kanya dahil sasakit lang ang ulo niya sa magiging buhay niya kasama si Tetay.
Kung susundan mo ang bangayan nila ng dating asawa na si James Yap, sali-saliwa na may karugtong ang isyung visitation rights “kuno” at kung anu-ano pa.
Simle lang naman ang isyu, bilang ina na gustong mapalapit din ang anak na si Bimby sa dating asawa, kailangan pa bang idaan sa korte? Kailangan pa bang pagpistahan ng media kung kalian puwedeng dumalaw si James o puwedeng masunod ang anak para magkaroon naman sila ng bonding?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Shalala, ‘di makapaniwalang magkakaroon ng solo movie


HINDI RAW maipaliwanag ni Shalala ang kanyang nararamdaman dahil at last ay natuloy na rin ang pelikulang kanyang pagbibidahan under the helm of award-winning director Joven Tan na mula rin sa produksiyon nito, ang Echoserang Frog.
Tsika pa ni Shalala, “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Katulad bukas, second day shooting namin, parang iba ang timpla ng pakiramdam ko, parang ‘di ko maihakbang ang mga paa ko.
“Nakaka-tense, isip ako nang isip kung totoo na ba ito? Kasi dati, pinaplano pa lang, kumbaga usap-usapan pa lang na magkaka-movie ako, pero ‘eto ngayon, ‘eto na! Nakakaloka!
“Hindi nga ako makatulog sa sobrang excitement dahil ni minsan hindi ko pinangarap na magkaroon ng solo movie. ‘Yung sa akin, kahit kasama lang ako sa pelikula, masaya na ako du’n.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Maricel Soriano, ‘di pa rin makapagpo-pokus sa teleserye


AS AN actress- comedienne, wala pa ring kakupas-kupas si Maricel Soriano. Hindi nagpatalbog sa mga nakakatawang eksena nila ni Eugene Domingo. All out ang binibigay nito sa bawat eksena nilang dalawa. Walang arte kahit magpagulong-gulong ang Diamond Star with Uge, sige lang sa ikagaganda at ikaaaliw ng manonood.
Gusto kasi ni Mary na mai-deliver nang tama ang bawat eksenang gustong mangyari ni Direk Wenn Deramas sa mga eksenang kukunan. Kaya ganoon na lang kung purihin ng box-office director si Ms. Taray Queen.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sari-saring Chikka 06/26/13


Bukambibig 06/26/13


Maxene does the ‘hindi nagtatagal’


Most Influential, huh!


Mga kawatan sa NAIA!

• 0915897**** – Sir, irereklamo ko lang po ang mga airport police sa Ninoy Aquino International Airport na panggabi. Lagi po silang nangongotong sa may Terminal 1 pagdating ng last flight. Lagi pong nakatambay ang makakapal ang mukhang police na iyon sa isang coffe shop.

• 0926217**** – Idol, gusto ko lamang pong ireport ang isang pulis ng Parañaque na nanghihingi ng pera para lamang palayain nila ang tatay ko at mga kaibigan niya. Hinuli po sila sa loob ng bahay namin na nagsusugal sa loob lang ng bahay. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ansabeee?!!! 06/26/13