AKALA NI Enchong Dee, makapagbabakasyon siya after ng
teleserye niya sa Kapamilya Network tulad ng nasabi niya sa press noog
farewell presscon nila nina Enrique Gil at Julia Montes.
‘Yun pala, hindi rin siya makasingit dahil bago siya umalis papuntang
Beijing (China) at Mongolia kasama ang parents niya at kapatid ay
dumating ang offer sa kanya to do a comedy flick kung saan makakasama
niya sina Pokwang at Jessey Mendiola sa Call Center Girl na palabas na
sa November 27 na handong ng Star Cinema at Skylight Films sa direksyon
ni Don Cuaresma.
“Sayang naman kasi kung tatanggihan. ‘Di ba ang daming gustong
magka-project, sayang kung hahayaan ko lang na mawala,” sabi ng aktor sa
amin during the press launch.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Showing posts with label Skylight Films. Show all posts
Showing posts with label Skylight Films. Show all posts
Tuesday, November 19, 2013
Sunday, November 17, 2013
Pokwang, lovelife na lang daw ang kulang
NANINIWALA SI Pokwang na kahit gaano kahusay at kagaling ang isang artista kung puro sakit ng ulo ang binibigay mo sa director at kapwa mo artista, wala kang mararating. Para sa kanya, ang pakikisama ay napaka-importante. Example na lang si Mang Dolphy, ‘di ba? Kahit wala na siya, ‘yung respeto sa kanya nand’yan pa rin. Kapag nagtanong ka about Dolphy, magaganda ang mga sinasabi tungkol sa kanya. Kasi nga, may ganda siyang itinanim sa movie industry lalo na sa mga kapwa niya artista na nakatrabaho ngating comedy king na si Dolphy.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, November 13, 2013
Kahit panay ang regalo sa kanya ng aktor Jessy Mendiola, ‘di pa raw panliligaw ang ginagawa ni Jake Cuenca
NALAGPASAN NA raw ni Jessy Mendiola ang pagiging rebelde nu’ng araw na hindi pa siya artista. Focus sa trabaho ang kanyang priority ngayon sa buhay. Kasama siya sa cast ng pelikulang Call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang ng Star Cinema at Skylight Films.
“I am really blessed and honored na si Mamang Pokwang ang nakatrabaho ko. Kasi, mahal ko kasi si Mamang bilang isang actress, iniidolo ko siya bilang komedyana. Pero sa totoong buhay, si Mamang, napakamaalagain niya. Napakabait, very responsible bilang isang ina. Makatrabaho mo ang isang tulad ni Mamang, marami kang matututuhan . Marami kang malalaman tungkol sa kanya na dadalhin mo ‘yun kahit hindi na kayo magkatrabaho,” papuring wika ni Jessy.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, July 5, 2013
Dahil sa sunud-sunod na project Enchong Dee, kapuna-punang bagong paborito ng Dos
MATA LANG daw niya ang mangungusap. Hindi makapaniwala si Enchong Dee sa sunud-sunod na suwerte na dumarating sa career niya. Kumbaga, unbelievable! Blank stare lang ang tugon niya na parang titig ni Nora Aunor.
Komikero din pala si Enchong. Noong una, ipinagtanong pa nga namin sa iba kung bakit parang nagbe-“baby talk” siya na sa edad niya para alanganin sa pakiwari namin.
Ganu’n nga lang siguro siya, natural. Playful tulad ng kuwento ng director niya sa box-office movie na Four Sisters and a Wedding kung saan nagpamalas siya ng galling sa pag-arte.
Sa Ina, Anak, Kapatid na katatapos lang, nagpamalas si Enchong ng galing bilang aktor. Hindi lang siya boy next door na pa-cute kundi marunong ding makipagsabayan sa pag-arte sa mga kasamahang artista.
Sa magandang pasok ng taong 2013 sa karir niya, siya ang bagong Kapamilya’s Favorite. Kumbaga, siya ang lagi-laging napipili sa dinami-rami nila sa Star Magic. From television to films, sunud-sunod ang ratsada.
Ang katatapos na huling teleserye niya kasama sina Maja Salvador, Kim Chiu at Xian Lim ay sinundan naman ng isang mabigat pa ring project.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, June 30, 2013
Daniel Padilla, tumatambay pa rin!
TAMA ANG sabi ni Enrico Santos ng Skylight Films na sister company ng Star Cinema – hindi sila Star Cinema. Iba sila kahit magkapareho ang pinagmulan nilang kumpanya.
Kaya nga pati titulo ng mga pelikula nila, one word lang. Hindi mahahaba. Kumbaga, pelikulang iba sa Star Cinema para maiba naman ang timpla ng projects nila.
May mga artista kasi na gustong mag-eksperimento sa kanilang karir. Mga pelikulang kakaiba na hindi man pelikulang tatak-Star Cinema, tipong out of the box naman ang mga obra ng director at sumulat.
Tulad sa bagong pelikula nila at pangalawa sa taong 2013, matapos ang success ng Bromance na nag-launch sa karir ni Zanjoe Marudo, ibang timpla at lasa naman ang mapapanood ng publiko.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Thursday, May 9, 2013
Direk Wenn Deramas, indie actor ang ipinalit kay DJ Durano
AT LAST, binigyang kasagutan na ni Wenn Deramas ang issue tungkol sa paghihiwalay nila DJ Durano at pati na rin ang pagpasok ni Jeff Luna sa buhay ng box-office director. Hindi na in-elaborate pa ni Wenn kung ano talaga ang mabigat na dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ng actor. Bigla na lang pumutok ang balita, tapos na ang magandang samahan ng dalawa na tumagal ng sampung taon.
Marami ang nakapansin, hindi na kasama si DJ sa cast ng pelikulang Bromance ni Direk Wenn na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo under Skylight Films.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)