Showing posts with label Star Magic. Show all posts
Showing posts with label Star Magic. Show all posts
Friday, November 29, 2013
Melai Cantiveros at Jason Francisco, patutunayan sa mga naninira na kaya nilang mag-pamilya
MELAI CANTIVEROS and Jason Francisco will tie the knot on December 9 in General Santos City, ang hometown ni Melai.
The soon-to-be-married couple guested on Buzz ng Bayan para bigyang-linaw ang ilang mga kontrobersiyang ikinakabit sa kanila at mga kaibigan. Melason confessed that they were hurt sa mga binitiwang salita ng ilang kaibigan tungkol sa kakayahan ni Jason na suportahan ang kanilang pamilya pero sa kabila ng lahat ay dinenay ng dalawa ang balitang hindi imbitado ang ibang kaibigan sa mahalagang araw na ito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, October 13, 2013
Gerald Anderson, bida sa 54-second ‘batibot’ video?!
PAGKATAPOS NA hindi nagklik ang diumano’y nakunan ang ari ni Gerald Anderson habang umiihing nakatalikod pero nag-hello naman ang tweety bird na dako ay meron na namang gustong i-push ang isang nag-post ng video sa facebook.
Itinuturo naman nito si Gerald uli na ito raw ang “bida” sa 54 seconds na video kung saan katatapos lang nitong mag-batibot at tumayo ito sa kama at humagilap ng tuwalyang mapupunasan ng katas at kitang-kita rin ang naghuhumindig nitong sandata na nakasaludo pa talaga.
Pero kami mismo ay naniniwalang hindi ito si Gerald, pero hindi namin itatangging kahawig niya ang lalaki. Kaso malabo pa rin ang rehistro ng mukha sa video. Lalo pa kaming nakumbinsing hindi si Gerald ‘yon dahil me bulge ang tiyan.
Pero hindi namin ikakaila na may nagsabi sa amin na “daks” nga itong si Ge, kaya kung doon tayo sa ari magbe-base eh, baka nga ‘yun lang ang nakuha ke Gerald ng video na ‘yon at ‘yung nauna pang picture na umiihi raw siya.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Saturday, October 12, 2013
Enrique Gil at Liza Soberano, p’wedeng pang-teleserye ang loveteam
KAYA PALA naka-seven takes itong si Enrique Gil sa kissing scene with Bea Alonzo sa She’s The One eh, dahil super crush pala niya ito. Buti na lang, marespetong lalaki si Quen at aware siya na may boyfriend na si Bea. Or else, hindi malayong ligawan ito ni Enrique.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, October 1, 2013
Megan Young, kini-claim ng 3 big networks na artista nila!
WAGING-WAGI NGAYON ang kuwento tungkol kay Megan Young bilang siya ang kauna-unahang Pilipina na nakuha ang titulong Miss World.
Mailap talaga ang titulong ito sa ating mga kandidata, kaya malaking bagay itong pagkapanalo ni Megan.
Ang isa pang nakatutuwa, ito lang si Megan ang kini-claim na artista ng tatlong TV network.
Sa GMA-7 kasi talaga siya nagsimula, dahil sumali siya sa Startruck 2, kaya lang hindi naman siya ang nagwagi. Iyon ang batch nina Mike Tan at Ryza Cenon, pero isa sa pinakaborito nu’n si Megan. Actually, siya ang pinakamaganda sa batch na ‘yun.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, September 13, 2013
Direk Peque Gallaga, bad trip sa mga kapwa direktor na kasama sa Sineng Pambansa
SA UNANG araw ng Sineng Pambansa last Wednesday dalawang pelikula agad ang pinanood ko, ang “kontrobersiyal” na Lihis, at Ano ang Kulay ng Nakalimutang Pangarap. Pero may ilang mga movies na hindi nakahabol sa first day of showing like Badil, Tinik at Eman na may nakapagsabi sa akin na bad trip si Direk Peque Gallaga dahil ang ilang directors na kabilang sa Master’s Showcase ay hindi tinapos ang entries nila at nagpabaya sa deadline na ibinigay gayong binigyan sila (as film directors) ng SM Cinemas ng magandang pagkakataon para maipalabas ang mga obra nila, pero hindi nila ito pinahalagahan.
Una naming pinanood ang Lihis na pinagbidahan nina Jake Cuenca at Joem Bascon with Lovi Poe on the side.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, September 4, 2013
Baby nina Melai Cantiveros at Jason Francisco, made in Singapore!
SINUSULAT ITO’Y wala pang direktang pag-amin mula kina Melai Cantiveros at Jason sa isyung buntis na ang komedyana. Hinihintay pa rin kung ano ang magiging statement ng handler ni Melai, ang Star Magic. Nauna na naming na-scoop ito sa www.ogiediaz.net nu’ng Sept. 1.
Pero honestly, kami’y tuwang-tuwa for Melai, dahil lagi nga naming sinasabi na, “A baby is always a blessing!” Beinte singko na rin naman si Melai. Maganda din ‘yung hindi masyadong malayo ang edad nila ng kanilang anak ni Jason.
Made in Singapore daw ang baby kung saan nag-taping that time ang dalawa kasama si Kris Aquino sa KrisTV. At nu’ng nasa loob pala sila ng bahay ni Kuya ay meron silang dummy baby na ang tawag nila’y “Dengue”.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, August 30, 2013
Kahit halatang love na rin si Xian Lim Kim Chiu, ayaw pa ring bumigay
SA ITSURA, mabait si Kim Chiu. Maging ang mga kasamahang reporter na nasundan ang karir niya, iisa rin lang ang obserbasyon nila sa dalaga, walang ipinagbago kahit sikat na at masasabing isa sa mga prime artist ng Star Magic, Kapamilya Network at ng Star Cinema.
Sabi nga, mabait siya at hindi nilamon ng kasikatan. Kaya nga ang daming nagmamahal sa kanya.
Kuwento niya sa presscon ng Wansapanataym para sa kanyang month long episode na My Fairy Kasambahay; akmang-akma kay Kim ang kuwento. It’s about dreams and fairy tales na magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin ng pangangarap niya.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, August 7, 2013
Para raw ‘di masira ang career Kiko Estrada, pinayuhan ng mga magulang na ‘wag mai-in love
WALA RAW pressure na nararamdaman si Kiko Estrada sa kanyang pagbibida sa teleseryeng Mira Bella at sa pelikulang Chasing Boulevards, dahil 2 years daw niyang pinaghandaan ang pagpasok sa showbiz kung saan one year daw siyang nag-undergo ng acting workshops sa Star Magic.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, July 21, 2013
Bangs Garcia, ayaw matawag na sexy star
MATAPOS MAG-POSE ng super daring sa isang men’s magazine at magtalop sa isang indie film ay buong ningning na sinabi raw ni Bangs Garcia sa ilang press na ayaw na ayaw niyang mababansagang sexy star!
Bakit?! Ito ang naging pahayag ng mga nakausap naming mataray na reporter. Ano raw ang inaarte niya at hindi pa siya masasabing big star?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Saturday, July 13, 2013
Monday, July 8, 2013
Wala sa liga nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz Paulo Avelino, sobra na ang attitude
SI PAULO Avelino ba nasa liga ng isang Piolo Pascual at John Llyod Cruz? Straight forward answer ko is hindi. May talent siya. Marunong umarte pero call him Mr. Attitude.
Hindi ko maintindihan kung bakit tinanggihan niya ang role para sa isang bagong teleserye na dapat ay pagsasamahan nila ni Angel Locsin. I really don’t know kung anong meron sa kukote niya para palampasin ang pagkakataong tulad nito.
The fact that he is not a big star I wonder kung ano ang attitude na meron siya para tablahin ang isang project together with Angel.
Bukod kay Paulo, problem din ang manager niyang si Leo Dominguez na ang attitude na keber and to hell ay hindi na bago.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, July 5, 2013
Dahil sa sunud-sunod na project Enchong Dee, kapuna-punang bagong paborito ng Dos
MATA LANG daw niya ang mangungusap. Hindi makapaniwala si Enchong Dee sa sunud-sunod na suwerte na dumarating sa career niya. Kumbaga, unbelievable! Blank stare lang ang tugon niya na parang titig ni Nora Aunor.
Komikero din pala si Enchong. Noong una, ipinagtanong pa nga namin sa iba kung bakit parang nagbe-“baby talk” siya na sa edad niya para alanganin sa pakiwari namin.
Ganu’n nga lang siguro siya, natural. Playful tulad ng kuwento ng director niya sa box-office movie na Four Sisters and a Wedding kung saan nagpamalas siya ng galling sa pag-arte.
Sa Ina, Anak, Kapatid na katatapos lang, nagpamalas si Enchong ng galing bilang aktor. Hindi lang siya boy next door na pa-cute kundi marunong ding makipagsabayan sa pag-arte sa mga kasamahang artista.
Sa magandang pasok ng taong 2013 sa karir niya, siya ang bagong Kapamilya’s Favorite. Kumbaga, siya ang lagi-laging napipili sa dinami-rami nila sa Star Magic. From television to films, sunud-sunod ang ratsada.
Ang katatapos na huling teleserye niya kasama sina Maja Salvador, Kim Chiu at Xian Lim ay sinundan naman ng isang mabigat pa ring project.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, June 2, 2013
Mas gustong isikreto ‘pag may problema Judy Ann Santos, aminadong ‘di kasing tapang ng iba
SA SOLO presscon ni Judy Ann Santos para sa pinagbibidahang serye, ang Huwag Ka Lang Mawawala na mapapanood sa darating na June 17 sa ABS-CBN, agad na muling klinaro ng aktres na wala silang problema ng asawang si Ryan Agoncillo at pinagtatawanan na lang nila ang isyu na nagsampa siya ng annulment case para mapawalang-bisa ang kasal nilang dalawa.
Tinanong si Juday kung gaano ba kahalaga para sa kanya ang loyalty at fidelity sa isang relasyon, ayon sa aktres ay mahalaga ito dahil ‘pag nasira ang tiwala ay mahirap nang maibalik pa at lagi nang may bahid ng pagdududa.
Natunugan agad na ang tatakbuhin ng tanong na ito ay tungkol sa loyalty sa kanya ng asawa, agad na sinabi ni Juday na malabo iyong gawin ni Ryan. Depensa ng aktres sa asawa, wala itong record na ginawa sa kahit na sinong girlfriend niya, bukod pa sa honest na tao ang asawa na bago pa man niya ito mahuli, malamang ay umamin na ito sa kanya.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Saturday, June 1, 2013
Claudine Barretto at Piolo Pascual, muling magsasama sa pelikula?!
TOTOO NGA , kinakarir na nga talaga ni Claudine Barretto ang pagbabawas ng timbang para muling manumbalik ang dating hubog ng katawan. May sariling diet na sinusunod plus exercise every morning ang routine nito everyday. Kailangan niya itong gawin bilang paghahanda sa comebacking movie na ididirek ni Wenn Deramas under Viva Films. Nakita natin via Instagram kung gaano kalaki ang nabawas nitong timbang compared sa dati niyang itsura.
Nang tanungin namin si Direk Wenn kung sino sa mga magagaling natin actor ang gusto niyang maging leadingman ni Claudine ? Diretsong sinabi nito na si Piolo Pascual ang first choice niya for Claudine. Korek ka d’yan, Direk Wenn, may chemistry ang dalawa at kumita ang first team-up nila noon under Star Cinema.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, May 14, 2013
Charice, wala nang itinatago!
MAINIT PA ring pinag-uusapan ang kasarian, style ng buhok at tattoo ni Charice.
Last May 12, lumabas sa blog na fashionpulis ang bagong larawan ni Charice na kuha diumano noong 21st birthday celebration niya pero hindi malinaw kung kailan ginanap ang kanyang birthday celebration pero ang birthday niya ay noong May 10.
Makikita sa mga larawan ang isang naka-sando na si Charice sa dalawang magkaibang poses. Kapansin pansin ang tattoo ni Charice sa kanyang kanang braso at sa may ibabaw ng kanyang dibdib.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, May 12, 2013
Amy Perez, ayaw nang umarte?!
SA TAPING ng Ang Latest ng TV5 sa Novaliches, nakita namin si Amy Perez na mukha namang masaya at kuntento, taliwas sa naglalabasang balita na may pinagdaraanang problema.
Kahit regular na siyang napapanood sa showbiz talk show na Ang Latest kasama sina Cristy Fermin, Shalala, Divine Lee, Direk Jose Javier Reyes at Mr Fu at host ng public service program na Face to Face ay malabo pa rin daw si Amy na makumbinsing na balikan ang pag-arte.
Sabi ni Amy, hindi raw niya nami-miss ang pag-arte. Ang paglabas daw niya sa Enteng Kabisote ay para sa kaibigan niyang si Bossing Vic Sotto.
Pero ang maging regular daw siya sa isang teleserye o gumawa ng pelikula ay wala raw sa priority list niya. Mas gusto at malapit daw sa puso niya ang radio. Ito raw ang gusto at nami-miss niyang balikan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, May 6, 2013
Xian Lim, inaming may problema sila ni Enchong Dee!
BUKOD SA isang pares ng hikaw ay isang promise ring ang iniregalo ni Xian Lim kay Kim Chiu sa kaarawaan nito nu’ng nakaraang April 19.
Nang tanungin namin kung bakit isang promise ring, ipinaliwanag sa amin ng aktor na simbolo iyon ng pagtitiwala, kung saan pinaparamdam niya sa kapareha na puwede siyang pagkatiwalaan nito, at lagi lang siyang maaasahan nito ‘pag kinailangan ng kakampi at maniniwala rito.
Sa loveteam nila, pagtitiwala ang pinanghahawakan ni Xian, kung kaya’t ganun na lang siya kakomportable sa samahan nila ni Kim, bagay na napakaimportante para maging matagumpay ang kahit na anong relasyon.
Hiningan din namin ng reaksyon sa balitang nagkaroon daw sila ng ‘di pagkakaunawaan ni Enchong Dee dahil sa kanilang mga tagahanga, kung saan nakadalaw raw ang mga tagahanga nina Kim at Xian sa set ng Ina, Kapatid, Anak gayong may rules and regulations daw na hindi puwede ang mga tagahanga sa set ng nasabing serye.
‘Di naman itinago sa amin ng aktor na totoong nagkaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan ni Enchong, maging sa buong produksyon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, April 19, 2013
Malabo pa raw Jake Ejercito, itinangging nagkabalikan sila ni Andi Eigenmann!
LALONG GUMUWAPO pala itong anak ng dating Pres. Joseph Estrada na si Jake Ejercito, huh!
Nakatsikahan ko siya sa pa-lunch ni Papa Erap nu’ng kamakalawa lang at umiiwas pa sanang magpa-interview dahil ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa lovelife niya.
Siyempre, isa siya sa pinagkaguluhan du’n dahil pinag-usapan pa rin ang tungkol sa kanila ni Andi Eigenmann na nagkabalikan daw sila.
Pinabigyan naman ako ni Jake, kaya mapapanood n’yo ang interview ko sa kanya sa Startalk bukas.
Itinanggi naman ni Jake na nagkabalikan sila ni Andi.
Sabi niya, na-maintain naman daw nila ang friendship, pero parang malabo pa raw na magkabalikan sila.
Sa ngayon daw, naka-focus daw siya sa pag-aaral niya dahil isang taon na lang, ga-graduate na siya sa kursong Political Science and Business Management sa London.
Bakasyon pa siya ngayon kaya umuwi muna siya para tulungan sa pangangampanya ang Daddy niya .
Nagpapasalamat nga raw siya kay Andi dahil tinulungan din silang mangampanya at sinamahan sila sa pag-iikot sa ilang bahagi ng Maynila.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, March 20, 2013
Maja Salvador kay Kim Chiu: “Sana ma-realize niya, nandito ako bilang totoong kaibigan”
MAJA SALVADOR speaks up about her supposed romance with Gerald Anderson and her
strained friendship with Kim Chiu. Ipinalabas ang kanyang interview sa The Buzz (courtesy of Cinemanews).
Lalong lumakas ang ugong na mas lumalalim ang pagkakaibigan nina Gerald at Maja na kamakailan lang ay nagpunta ng La Union. According to a reliable source, dito idinaos ni Gerald ang kanyang birthday. They were with other friends like Rayver Cruz, Fred Payawan and some Star Magic handlers. Their photos were uploaded on the internet at makikitang madalas magkatabi ang dalawa.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Lalong lumakas ang ugong na mas lumalalim ang pagkakaibigan nina Gerald at Maja na kamakailan lang ay nagpunta ng La Union. According to a reliable source, dito idinaos ni Gerald ang kanyang birthday. They were with other friends like Rayver Cruz, Fred Payawan and some Star Magic handlers. Their photos were uploaded on the internet at makikitang madalas magkatabi ang dalawa.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Thursday, March 7, 2013
Liza Soberano, guguluhin ang tambalang Kathryn Bernardo-Daniel Padilla
MINSAN, NAKAKALOKAH ang ibang fans, ‘no? Hindi na
marunong tumingin ng constructive criticisms. Parang ang ine-expect na
lang lagi sa amin ay puro papuri sa kanilang mga iniidolo.
Ano ba ang tingin nila sa idolo nila? Diyos? Na hindi na magkakamali at hindi puwedeng sabihan o mag-suggest?
Nakakalokah ‘tong mga ganitong klaseng fans. Tapos, ‘pag nakita nila naman ang idolo nila at hindi sila pinansin o binati, magtatampo at magsusumbong sa mga reporter na inisnab sila at kung anu-ano pang tse-tse buretse ang mga pinagsasasabi against their idols.
Ang nakakalokah pa, magba-blind item lang kami sa twitter ay meron na agad silang sagot. Ang sagot nila sa blind item namin ay ‘yung idol nila, tapos, ookrayin na kami nang kataku-takot. Pa’no naman sila nakasisiguro na idol nila ang pinatutungkulan namin?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Ano ba ang tingin nila sa idolo nila? Diyos? Na hindi na magkakamali at hindi puwedeng sabihan o mag-suggest?
Nakakalokah ‘tong mga ganitong klaseng fans. Tapos, ‘pag nakita nila naman ang idolo nila at hindi sila pinansin o binati, magtatampo at magsusumbong sa mga reporter na inisnab sila at kung anu-ano pang tse-tse buretse ang mga pinagsasasabi against their idols.
Ang nakakalokah pa, magba-blind item lang kami sa twitter ay meron na agad silang sagot. Ang sagot nila sa blind item namin ay ‘yung idol nila, tapos, ookrayin na kami nang kataku-takot. Pa’no naman sila nakasisiguro na idol nila ang pinatutungkulan namin?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)