Sunday, June 2, 2013

Mas gustong isikreto ‘pag may problema Judy Ann Santos, aminadong ‘di kasing tapang ng iba


SA SOLO presscon ni Judy Ann Santos para sa pinagbibidahang serye, ang Huwag Ka Lang Mawawala na mapapanood sa darating na June 17 sa ABS-CBN, agad na muling klinaro ng aktres na wala silang problema ng asawang si Ryan Agoncillo at pinagtatawanan na lang nila ang isyu na nagsampa siya ng annulment case para mapawalang-bisa ang kasal nilang dalawa.
Tinanong si Juday kung gaano ba kahalaga para sa kanya ang loyalty at fidelity sa isang relasyon, ayon sa aktres ay mahalaga ito dahil ‘pag nasira ang tiwala ay mahirap nang maibalik pa at lagi nang may bahid ng pagdududa.
Natunugan agad na ang tatakbuhin ng tanong na ito ay tungkol sa loyalty sa kanya ng asawa, agad na sinabi ni Juday na malabo iyong gawin ni Ryan. Depensa ng aktres sa asawa, wala itong record na ginawa sa kahit na sinong girlfriend niya, bukod pa sa honest na tao ang asawa na bago pa man niya ito mahuli, malamang ay umamin na ito sa kanya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment