Monday, September 30, 2013

The Most beautiful girl


Ang Pogi mo, Dong!


Sari-saring chikka 10/01/13


Konting Push Pa


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 122 September 30 – October 1, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 122 September 30 – October 1, 2013


Sa wakas… Megan Young, ang kauna-unahang Pinay Miss World!


FINALLY, NAKUHA na rin ng Pilipinas ang Miss World crown sa katatapos na coronation night nito held in Bali, Indonesia last Saturday night, September 28. Ang kinatawan ng bansa na si Megan Young ang kauna-unahang Pinay na nagwagi ng nasabing international beauty title.
Although sa simula pa lang ng Miss World pageant ay sinasabi ngang malakas ang laban ni Megan, the most na in-expect ng marami sa kanya ay ang makapasok man lang sa top 15. Sa loob kasi ng napakaraming taon na lumipas, since the pageant started, wari’y naging mailap nga kasi ang pagkakataon para sa mga naging Filipina delegates na manalo rito.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Jessy Mendiola, aminadong kinikilig sa panliligaw ni Jake Cuenca


SA PRESSCON ng Maria Mercedes, hiningan namin kaagad ng rekasyon si Jake Cuenca sa balitang lumabas kamakailan na nabugbog daw siya sa isang bar sa The Fort ilang linggo na ang nakararaan. Duguang inilabas daw sa nasabing bar kung saan ang nakaaway raw ng aktor ay galing sa isang kilalang angkan ng mga pulitiko.
Ikinuwento ni Jake na nanggaling talaga siya sa isang bar, may isang lalaki na bumangga sa kanya na hindi niya kung lasing ba o hindi, pero hindi nagkaroon ng away o kahit man lang ng palitan ng salita sa pagitan nila.
Minsan na ring nasangkot s ganitong klase ng mga gulo, kung saan sa bandang huli ay siya ang laging lumalabas na masama, ni hindi nalaman ni Jake ang pangalan ng bumangga sa kanya o kahit ang hitsura nito. Umiwas na lang talaga siya, lumabas ng nasabing bar dahil may mga kasama siya ng oras na ‘yun at ayaw niyang madamay ang mga kaibigan sa gulo.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Coco Martin, inspirasyon sa trabaho si Shaina Magdayao?!


INSPIRED PALA ngayon si Coco Martin.
Sinasabing si Shaina Magdayao daw ang source of inspiration nitong si Coco.
Looking forward nga raw palagi si Coco sa taping ng Juan dela Cruz dahil sa younger sister ni Vina Morales. Kasi naman, she inspires him every taping day.
Kapag lunch or dinner break raw ay parating nagpapabili ng pagkain si Coco para kay Shaina at sa mga kasama nito. Ipinapatawag niya ang kanyang alalay para kumuha ng P2,000 or P3,000 just to buy Shaina some food.
Nagugulat na nga lang daw si Shaina dahil ang dami-daming pagkain na dinadala sa kanyang dressing room tuwing taping. Sobrang nagpapasalamat daw ito kay Coco palagi.
ABS-CBN IS plucking Jessy Mendiola from STARLETHOOD by way of producing a primetime soap for her.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Julia Montes, natakot makatambal si Daniel Padilla


AMINADO SI Julia Montes na mukha siyang matanda sa edad niya kahit na magkasing-edad lang sila ni Daniel Padilla.
Kaya nang tanungin kung papayag siyang makatambal si Daniel na ka-loveteam ng kanyang kalaban na si Kathryn Bernardo, kaagad na sagot ni Julia ay pag-iisipan niya muna kasi baka magmukha raw siyang ate ni Daniel kahit na magkasing-edad lang sila.
Pero may pahabol si Julia na depende raw sa role na gagawin nila ni Daniel kung mayroon nga raw na project.
Samantalang kung si Julia ay atubili na makatambal si Daniel, ang ka-loveteam niya na si Enchong Dee ay walang takot at payag na makatambal ang ka-loveteam ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Para may chance daw ang ibang actor sa Dos Enchong Dee, pahinga muna sa teleserye at movie


AKAPAPAGOD NGA naman na from doing movies, isasabak ka kaagad sa isang teleserye na halos four to five times a week ang taping na puyatan. Pero walang angal si Enchong Dee kung saan, halos sunud-sunod ang mga project niya sa Kapamilya Network at Star Cinema.
Kaya nga sa pagtatapos ng kanyang teleseryeng Muling Bukas ang Puso, naka-schedule na si Enchong sa bakasyon grande niya with his family in Beijing and Mongolia.
In between work, prayoridad ng aktor ang family niya. Ito ang isa sa nasa top list niya (at hindi ang lovelife, huh), kung saan kapag may time ay bumabawi siya sa kanila.
Sa sobrang kabisihan niya, there are times na ang Sunday niya na supposed to be ay “family day”, napupunta pa sa trabaho like ASAP at mall and out of town shows.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sharon Cuneta, ‘di kayang panindigan ang P10-M na reward?!


KUNG KAMI kay Sharon Cuneta, pinanindigan na lang din niya ‘yung tweet niya tungkol sa challenge niya na bibigyan niya ng P10M ang sinumang makapagpapatunay na nangurakot nga ni singko ang kanyang mister na si Former Sen. Kiko Pangilinan sa 12 years nitong pagiging public servant with matching hihiwalayan din niya ito.
Dahil lalo siyang na-nega sa social media nu’ng ang mga tweet posts niya ay tinanggal niya. Na kahit naman tinanggal niya ay na-screen grab na ng iba at ni-retweet o ni-repost. Meron pa kaming nabasang “So hindi sincere si Sharon? Umechos lang siya?”
At me nabasa pa kaming, “Baka naibigay na ni Sharon ang P10M kung kanino, dahil natalo siya sa challenge?”
Well, me mas malalala pa diyan, pero hindi na para banggitin pa namin dito.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Nikki Gil, nagmu-move on na


I HAD an exclusive interview with Nikki Gil on Bandila. Naging kontrobersyal man siya kamakailan dahil sa pinagdaang pagsubok sa buhay pag-ibig ay makikitang she is trying her best to move on and to stay positive in life. I told her she is very busy.
“I am and I like it that way,” sagot niya.
Kumusta na siya? “I’m good.”
Malaking tulong para kay Nikki ang mga projects na dumarating sa kanya ngayon. Nikki is part of the Chito RoƱo movie, Badil.
“It was set the day before election day at little do we know maraming nagaganap. Ako, I am privy to the fact na totoo talagang nagaganap ang vote-buying but I did not know na mayroong secret system talaga. May sistema talaga and you will be surprised, appalled by the amount of money that is being handed out,” kuwento niya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Raymart Santiago at Claudine Barretto, patuloy na naglalabasan ng baho


MAGPAPA-PRESSCON DAW si Claudine Barretto bukas para sagutin ang mga huling pahayag ni Raymart Santiago.
Pagkatapos daw ng presscon na ‘yun, meron na naman daw itong ipa-file na panibagong kaso laban sa aktor.
Hay, naku! Wala nang katapusang demandahan ‘yan!
Sabi nga ni Raymart, hindi raw siya natutuwa sa mga nangyayari, pero wala raw siyang magawa. Dahil sina Claudine din daw ang nagtulak sa kanya na gawin at sabihin ang lahat na mga nangyari sa kanilang mag-asawa.
Hindi lang daw ‘yun ang inilabas niya kundi meron pa raw siyang nakatago pang ebidensya laban kay Claudine.
So, talagang naglalabasan na sila ng baho. Hanggang saan matatapos ‘yan? ‘Yan na ba ang kalalakihan ng mga anak nila?
Mabuti pa sina Cesar Montano at Sunshine Cruz, hindi na umabot sa ganu’n dahil hindi na rin naman pinapatulan ni Cesar ang mga sinasabi ni Sunshine.
Inako naman niya ang mga pagkakamali niya kaya nga raw simba siya nang simba dahil bahala na raw ang Diyos ang maghugas sa mga nagawa niyang kasalanan.
Nakakaloka na! Patuloy pa rin ang drama ng mga mag-asawang ito na sinusubaybayan naman natin.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Mommy Carina, pasok sa Estafa Bea Binene, absuwelto sa kaso ni Atty. Ferdinand Topacio


NAGLABAS NA pala ng resolusyon ang Pasig City Prosecutor’s Office kaugnay ng kasong Estafa na isinampa ni Atty. Ferdinand Topacio laban sa mag-inang Carina at Bea Binene.
Ayon sa nasabing resolusyon na natanggap ng Tacio Law Office noong September 13, 2013, “it is recommended that Carina L. Binene be indicted for Estafa under Art. 315(2)(a) of the Revised Penal Code, and that the attached information be filed with the Regional Trial Court of Pasig City. Bail is set at Php40,000.00.”
Samantala, absuwelto naman ang anak nitong young actress na si Bea. Ayon pa sa resolution, “Only Carina is criminally liable because Beanca Marie, being a 14-year old minor on or before August 2012, has n criminal liability.”

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Janella Ejercito, emosyonal sa pinagdaraanan ng pamilya


NOONG NAKARAANG Sabado, September 28, sa una at eksklusibong panayam ng Showbiz Police ng TV5 sa segment na Cornered By Cristy ni Cristy Fermin sa panganay na anak ni Senator Jinggoy na si San Juan City Councilor Janella Ejercito-Estrada, naging emosyonal ito tungkol sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya.
Bilang panganay na anak ni Jinggoy at isa na ring public servant sa ngayon, pumasok na kaya sa kanyang kalooban ang mga isyung ibinabato sa ama niya? Paano kaya niya ito kinakaya?
“Nu’ng una pong nagkaroon ng isyu na nakulong ‘yung lolo (Mayor Joseph Estrada) at daddy ko po, sa school po, lagi po akong binu-bully, ‘di ko po ito sinasabi sa parents ko. Ako lang talaga ‘yung humaharap sa kanila, grade school pa lang ako nu’n, eh. ‘Yun ‘yung time na hindi pa ako marunong lumaban. Everytime na papasok ako ng school tahimik lang ako. Minsan kapag breaktime namin, magla-lunch kami, ‘yung lunchbox ko nasa harap ko, nagtatago ako du’n habang kumakain. Kasi lahat ng taong dumaraan ang daming sinasabi, ganito raw ang tatay ko, ganito raw ang lolo ko, ganoon. Tapos meron pang instance na breaktime, tapos bumababa ako ng hagdanan, ‘yung isang upper batch sa akin, ginanu’n ang paa ko (parang tinitisod ka?). Opo, dinapa po ako sa stairs.”

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ronnie Liang, magpapaseksi na para umusad ang career


ISANG CAREER move daw ang gagawin ng singer na si Ronnie Liang, at iyon ay ang pagpapaseksi. Para tuloy masarap siyang sabihan ng: “Bakit ngayon ka lang?” dahil matagal nang pinagpapantasyahan ang kanyang katawan na puwede talagang hubaran sa mga pelikula, pero mas inuna muna niya kasi talaga ang pagpapatunay na isa siyang singer.  Marunong din naman kasi siyang umarte, dahil kasama sa unang plano ng pag-entra niya sa showbiz ay ang mag-artista rin talaga sa pelikula.
Hindi muna ipinilit ang pagpaseksi, dahil nasimulan na talaga ang career ni Ronnie sa pagkanta. Kaya lang, kahit alam na sa showbiz na isa siyang singer ay parang mabagal pa rin ang pag-asenso ng kanyang singing career. Dahil sa totoo lang, ang dami-daming mas magagaling na mang-aawit kesa sa kanya, na mas nabibigyan ng magandang pagkakataon sa music industry, kaya ang para kay Ronnie ay dasal pa rin para sa marami, na sana nga ay bumongga pa ang singing career niya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Vivian Velez, mas gustong mamahinga sa showbiz kaysa gawin ang ‘di type na role


TINANGGAP NI Ms. Vivian Velez ang Mexican telenovela na Maria Mercedes na pinagbibidahan ni Jessy Mendiola because of Chito RoƱo. Hindi nga alam ng magaling na actress kung anong character ang kanyang gagampanansa sa nasabing re-make ng sikat na Thalia-serye.
“Oo, alam kong mahal na mahal ako ni Direk Chito, alam niya ‘yung challenges sa character na ipo-portray ko. Hindi niya ako kukunin kung hindi niya ako kailangan for the the role,” panimula ni VV.
Maganda ang year 2013 para kay Ms. Velez, kahit maikli lang ang role ni double V sa pelikulang On The Job nina Joel Torre at Gerald Anderson, nagmarka naman sa publiko ang character na kanyang pinortray. Gugulatin kaya ni double V sa first indie film nito na “Bendor” for Cinema One Originals 2013 sa direksiyon ni Ralston Jover.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

German Moreno, lilipad pa-Amerika para tumanggap ng award!


ISA NA namang milestone sa buhay-showbiz ng nag-iisang Master Showman na si Kuya German Moreno ang nalalapit na pagtanggap nito ng isa na namang Lifetime Achievement Award mula sa Gawad Amerika, isang prestigious award na iginagawad sa mga Oustanding Pinoy sa kanya-kanyang larangang ginagawalan. At ngayong Nobyembre nga ay tutungo sa Amerika si Kuya Germs para siya mismo ang personal na tumanggap sa nasabing award.
Ayon nga kay Kuya Germs, ang award daw na iyon ay isang napakagandang regalo sa kanyang kaarawan ngayong October 4 at isang napakaagang Pamasko na galing sa Diyos.
Ilan nga sa tumanggap na rin ng Gawad Amerika ay ang ating Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao , Quezon City Mayor Herbert Bautista, Manila Vice-Mayor Isko Moreno, atbp.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Young actor, nabidyuhang humahada!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sunday, September 29, 2013

Sino si Edwin Gardiola?

SA KANYANG privilege speech noong nakaraang Miyerkules, paulit-ulit na binigyang-diin ni Senator Jinggoy Estrada ang mga salitang“selective justice is injustice”.
Ang pinupunto niya rito ay bakit nakasentro lamang sa iilang tao ang paglalantad ng media at pag-imbestiga ng mga kinauukulan tungkol samga katiwalian sa pork barrel.
Sa kasalukuyang imbestigasyon na ginagawa ng Senado tungkol sa PDAF scam na sumabog sa media base sa 2007 hanggang 2009 Commission on Audit (COA) report, lumilitaw na ito ay nakasentro lamang sa tatlong opposition senators.
At sa nasabing imbestigasyon, tanging ang pangalan lamang ni Janet Lim-Napoles ang paulit-ulit na nababanggit bilang utak at promotor ng bilyun-bilyong halaga ng katiwaliang ito bagay na siya’y mabansagang reyna ng pork barrel scam.
May ilang mga kasalukuyang kapwa niyang mambabatas at dating mga mambabatas na binanggit si Estrada na dapat din talagang mabusisi kung paano nila ginastos ang napunta sa kanilang PDAF na tulad niya – ayon kay Estrada, may COA report din na nagsasabing napunta sa mga kuwestyonableng proyekto. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Problema ng Magkakapatid sa Hatian ng Lupa

Dear Atty. Acosta,          
GUSTO KO pong ihingi ng legal na payo ang problema ng aming pamilya sa namana naming lupa.
Meron pong nabiling lupa ang tatay ko at ang isa kong kapatid. Nakasaad sa Deed of Sale na 2/3 po ng lupa ang binayaran ng tatay ko at 1/3 po ay ang sa kapatid ko. 36 hectares po iyong lupa at 8 po kaming magkakapatid. Noong nabubuhay pa po ang aming ama ay wala kaming problema. Nahahati ang lupa ayon sa Deed of Sale. Ngunit ngayong wala na ang aming mga magulang ay nagsimula na kaming magkagulo nang dahil sa lupang iyon. Mula nang mamatay ang aming ama ay kalahati na ng amilyar ng kabuuang lupa ang binabayaran ng aking kapatid. Kung dati, sa halagang Php30,000.00 ay Php10,000.00 lang ang ibinabayad niya, ngayon po ay Php15,000.00 na. At nang maglaon po ay pilit na niyang iginigiit na sa kanya ang kalahati ng lupa dahil siya na ang nagbabayad ng amilyar ng kalahati. Sinubukan namin siyang kausapin pero ayaw na niyang makipag-usap sa amin.
Ano po ba ang dapat naming gawin? Plano na po sana naming paghati-hatiang magkakapatid ang kabuuang 2/3 ng lupa o ang 24 hectares pero iginigiit niyang 18 hectares ang dapat paghati-hatian naming magkakapatid?

Roar louder than a Bulldog!

“YOU HELD me down, but I got up. Get ready ‘cause I had enough. I see it all, I see it now. I got the eye of the tiger, the fire dancing through the fire ‘cause I am a champion, and you’re gonna hear me roar…”
Lakas maka-Katy Perry ng UST Growling Tigers sa UAAP Season 76. Timing na timing ang pagkaka-release ng bagong kanta ni Katy Perry na Roar at tila’y themesong ito ng Tigers ngayon.
Akmang-akma ito sa kasaysayang naitala ng UST Men’s Basketball Team! Akalain mo, sa kauna- unahang pagkakataon sa history ng UAAP Basketball, ang isang fourth seeded team sa Semis Final Four round ay natalo ang isang top seeded team sa score na 76–69. There’s more! National University Men’s Basketball Team na may twice-to-beat advantage pa ang natalo nila. Roar louder than a bulldog, ‘ika nga. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Thursday, September 26, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 121 September 27 – 29, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 121 September 27 – 29, 2013


Base sa ebidensya ni Raymart Santiago Claudine Barretto, nagdo-droga!


SHOCK-BOOGIE ANG publiko na sumusunod sa bangayan ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago noong ilabas ang sinasabing “secret video” na ebidensya ni Raymart laban kay Claudine.
Mga eksenang nakunan at naka-save on video ay ang pagwawala ng dating aktres; mga shots ng mga syringe na nagpapatunay lang sa akusasyon ni Raymart na may masamang bisyo ang asawa.
Sali-saliwa na ang alitan. Nagkanya-kanya na silang pamilya ng kampihan. Ang mga in-laws ng aktor na sina Gretchen at Marjorie kasama ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Claudine, umaayon na sa aktor habang ang kakampi lang ni Claudine ay ang inang si Mommy Inday na magpasahanggang ngayon, paniwala niya ay inaatake at inaapi lang ng mga anak niya ang kanyang bunso kung kaya’t kakampi niya ito.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Raymart Santiago at Claudine Barretto, asahan na ang matinding bakbakan sa korte!


MAS MATINDI pala itong buwelta ni Raymart Santiago kay Claudine Barretto na nagsampa sa kanya ng Anti-Violence Against Women and Children.
Kumpleto ang mga ebidensyang nakapaloob sa counter-affidavit niya na isinumite kamakailan lang para mapatunayang hindi niya inaabuso o sinasaktan si Claudine, sa halip siya pa nga raw nabugbog at nasaktan.
May mga litrato pa siya na mugto ang mata, gula-gulanit ang damit na parang siya pa ang sinasaktan ni Claudine.
Ang mas matindi pa, may video pa siya at litrato na kuha ng mga kasambahay niya na talagang nagdu-droga raw si Claudine.
Nu’ng nag-file nga si Raymart ng counter-affidavit niya, kasama nito ang ilang kasambahay niya na nagkuha raw ng mga ginagawang pagdudroga umano ni Claudine.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sex video nila ni Cristine Reyes, nakarating na kay Rayver Cruz


NADADAWIT NA rin ang dating magdyowa na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz sa diumano, may sex video rin kaya hiningan ng reaction ang actor.
Ayon kay Rayver, nakarating na rin sa kanya ang diumanoy sex video nila ng ex-girlfriend na si Cristine at ito raw ay walang katotohanan.
“Ano ba naman kayo! Kung mayroon, ‘di sana nasa Facebook ko na ‘yun,” say ni Rayver.
Sabi pa ng actor tungkol sa sex video, “Saka virus ‘yun. May link, kasi kapag kinlick mo, baka ma-virus lang ‘yung phone n’yo.”

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Richard Gutierrez, malaya nang magtrabaho sa Dos


NGAYONG TAPOS na ang kontrata ni Richard Gutierrez sa GMA-7, malaya itong mag-guest sa shows sa ibang networks, gaya ng ABS-CBN at TV5.
Sa linggo ng gabi, makikipagkulitan ang dating Kapuso Prime Star kay Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice.
Kahit may trangkaso, game si Chard na sumabak sa masayang taping ng GGV nitong nakaraang Wednesday night lang.
Binuking pa ni Vice kung sino ang naging ultimate love ni Richard among his past girlfriends na tsinika raw ng ate n’yang si Ruffa Gutierrez sa una na magkasama sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Toni Gonzaga, napikon sa panglalait sa kanyang bangs?!


HINDI MA-TAKE ni Toni Gonzaga ang mga panlalait sa kanya sa social media all because of her bangs.
Obviously ay napikon si Toni sa bashing na kanyang natanggap nang magpa-bangs siya.
“I don’t care. I don’t fix my hair for your own pleasure.”
‘Yan ang mataray na sagot ni Toni sa isang basher na nanlait sa kanyang hitsura.
With that ay parang lalong nag-init ang bashers niya at parang nagpiyesta sa panlalait sa kanya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Direk Wenn Deramas, takot ipahawak si Vice Ganda sa ibang direktor?!


NANINIWALA SI Direk Wenn Deramas na ang talent kung minsan may bad timing at may perfect timing . “Kapag ganyan ang mga talent, parang mga dragon na ‘yan, mga superstar na ’yan. Sleeping dragon lang naman ‘yan, maghintay kang magising. That’s what happened to “Momzillas”, tama ‘yung project. When I say, comeback, hindi ibig sabihin namahinga siya (Maricel Soriano) sa comedy at matagal siyang hindi gumawa ng comedy at ito ‘yun. Maganda ‘yung combination nila ni Eugene Domingo,” say ng box-office director.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Harana ni Juan dela Cruz


MINSAN AY naabutan ko sa bahay ang teleseryeng Juan dela Cruz. Naaliw ako sa eksenang hinaharana ni Juan (Coco Martin) ng kantang Sa Isang Sulyap Mo si Rosario (Erich Gonzales) kasama ang kanyang tropa. Nakatutuwa lang panoorin kasi sa panahon ngayon na kasimbilis magpalit ng damit ang takbo ng teknolohiya, maraming kabataan ang idinadaan ang panliligaw sa pamamagitan ng mga texts, emails, at ibang social networking sites. Kaya naman watching Juan’s serenade brought back happy memories of my younger years in the province.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Andrew Wolffe, tatay na!


TIYAK NA mag-iiba na ang direksiyon ng buhay ni Mr. World Andrew Wolffe ngayong siya’y isa nang ganap na daddy mula nang ipinanganak nu’ng Sept. 9, 2013 sa Norway ang napaka-cute na si Adrianna Zoe Cederstam Wolffe.
His girlfriend’s name is Janka Karin Cederstam. Hayan at exclusive na ibinigay sa atin ang mga photos. I’m sure, ngayong tatay na ay seryoso na sa kanyang career si Andrew.
Kaya good luck, Drew! Ikaw na!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Rayver Cruz, nagpakain ng saging sa baklang audience!


AS EXPECTED, kanya-kanyang eksena ang celebrities na rumampa sa Cosmo Batch 2013 na ginanap sa World Trade Centre. At ilan sa mga umeksena ng gabi ng mga hunks ay sina JC de Vera na first timer sa pagrampa ng sexy ay nagpahimas ng kanyang katawan sa mga bading na audience.
Habang may props naman na saging si Rayver Cruz na binalatan nito on stage at ipinakagat sa isang audience na bading na naging dahilan para maghiyawan nang sobrang lakas ang mga taong nasa loob ng World Trade .
Hindi naman nagpatalbog sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo, na after mag-solo sa pagrampa ay muling bumalik at sabay na rumampa na umani ng pinakamalakas na hiyawan at palakpakan mula sa audience.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

JC de Vera, ayaw patulan ang isyu sa kanila ni LJ Reyes


ISA SI JC de Vera sa rumampa sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash 2013 last Tuesday sa World Trade Center kung saan nagpakita siya ng kaunting bahagi ng kanyang ‘butt’. After the show, inusisa ng media si JC tungkol sa balitang may namumuo raw ‘special relationshiop’ sa kanila ni LJ Reyes.
May mga lumalabas na balita lately na diumano ay depress daw si Paulo Avelino dahil may dini-date nang iba ang ina ng anak nitong si LJ at ito nga ay si JC. Hindi man masyadong malinaw ang isyu, may nakapagsabi sa amin na diumano ay naglasing itong si Paulo dahil sa isyu.
Pero itinanggi ni JC na dini-date niya ang dating kasamahan sa GMA-7.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Rosanna Roces, ginawang katatawanan ang pahaging kay Sen. Bong Revilla Jr.


DALAWANG MAGKASUNOD na Sabado nang itoka sa inyong lingkod ang iniereng kuwento ng Startalk tungkol sa pagkatalo ni Rosanna Roces sa kasong breach of contract na isinampa laban sa kanya ng GMA noong 2005.
September 14 when Startalk made reference to an article na nalathala sa isang online portal, kung saan hinatulang guilty ang dating boldie.
The following Saturday, isang follow-up story ang isinahimpapawid ng Startalk, this time with reference to Osang’s post on her Facebook account. Isang palabang Rosanna Roces ang nag-react sa naipanalong kaso ng istasyong dati niyang pinaglingkuran bilang host ng Startalk.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Alden Richards, gusto nang mag-goodbye sa pa-cute na image


MATAPOS ANG kanyang sexy pictorial para sa Cosmo Magazine at ang kanyang pagrampa sa katatapos na Cosmo bash, ang expectation ng marami ay handa na nga si Alden Richards sa mature at daring roles. At hindi naman itinanggi ng Kapuso actor na gusto na nga niyang kumawala sa pa-cute na imahe.
“Gusto ko na ring baguhin ‘yong image ko,” aniya. “This time, gusto ko na challenging na medyo daring at mature. Kasi 21 na ako, eh. So, tapos na do’n sa stage na pa-cute pa-cute. Of course hindi pa rin po mawawala ‘yon. Pero mas gusto ko na pong mag-transform nang one step do’n sa dati.”
Habang naghihintay pa ng susunod niyang project pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin, sasamantalahin daw ni Alden ang pagkakataon na makapag-gym. Hindi raw siya nagkaroon ng sapat na panahon para rito noong busy siya sa trabaho.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Dating miyembro ng all-female group, nakakawala na rin sa sadistang dyowa!

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ang pagbangon ng Zamboanga at ang arm struggle

NGAYONG MUKHANG papatapos na ang bakbakan sa Zamboanga, magsisimula pa lang ang mas mahirap na laban para sa mga tagarito. Wasak na tahanan, natigil na pag-aaral, naluging kabuhayan at mga taong napasasailalim ng takot at kawalang-pag-asa ang maiiwang sugat ng digmaang ito sa lungsod.
Halos tumulo ang luha ni Zamboanga City Representative Celso Lobregat habang sinasabi nito na mahirap at matatagalan ang gagawing rehabilitation para muling makabangon ang Zamboanga City. Nagpasalamat din ang kongresista sa P3.8 billion na binigay ng gobyerno para pondohan ang rehabilitation.
Saan dapat magsimula ang pagbangon? 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Hiwalay sa asawa, kundi kumuha ng bagong passport gamit ang ibang apelyido

Dear Atty. Acosta,
MERON PO akong ilang katanungan at sana po ay matulungan ninyo ako. Ikinasal po ako noong June 2003 at 2004 po ay kumuha po ako ng passport at gamit ko ‘yong apelyido ng mister ko. 2006 po ay nakipaghiwalay ako at sa ngayon ay may kanya-kanya na ka-ming pamilya. April 2009 po na-expired ‘yong passport ko. Ang itatanong ko lang po sana ay ano po ba ang gagawin ko para ma-annul po ‘yong kasal ko? Wala po akong pera. Maaari rin po ba akong kumuha ulit ng new passport? ‘Di po ba malalaman ng DFA na may dati na po akong record? ‘Di po kami kasal ngayon ng kinakasama ko at ‘yong ex-husband ko po ay ikinasal na last 2007 sa Pasig. 

Miley, anyare?

SABI NGA nila, “pagbabago lang ang hindi nagbabago”. Itanong mo pa kay Miley Cyrus!
Kung hindi n’yo naitatanong, simula sanggol pa lang si Miley, sikat na siya! Siya’y anak ni Billy Ray Cyrus, ang popular na singer ng classic songs noon tulad ng Achy Breaky Heart, Some Gave All, Could’ve Been Me, atbp. Bata pa lamang si Miley, nakitaan na siya ng kanyang ama ng potensyal at interes sa mundo ng showbiz. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Wednesday, September 25, 2013

Jake at Rocco Tapatan kay Lovi


Amy at Gelli, tapatan sa hosting


The New Girl


Parazzi Tawanan 09/26/13


Direk Wenn, Surprise!


Ansabeee??? 09/26/13


Tuesday, September 24, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 120 September 25 – 26, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 120 September 25 – 26, 2013


Marian Rivera, puma-positive ang aura ngayon


SA MGA salita ni Marian Rivera, mukhang love na love niya ang boyfriend na si Dingdong Dantes.
Sa mga TV guestings niya to promote her movie Kung Fu Divas with the Comedy Queen Ai-Ai delas Alas, hindi maiwasan na itanong sa kanya si Dingdong.
Paniwala kasi ni Marian,kapag pumapasok siya sa isang relasyon, dapat 100% ang pagmamahal mo sa kapareha mo para masabing mahal mo siya.
Kaya naman very positive ang aura niya ngayon dahil she don’t mind sa mga kaliwa’t kanang mga intriga at tsismis sa showbiz for as long as may mahal siya at may nagmamahal sa kanya ay ayos na ‘yun kay Yan-Yan (palaway ni Marian).
“Hindi kasi fair sa kapareha mo kung hindi mo ibibigay ang 100% na pagmamahal na yan,” kuwento niya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Kung may nude photo raw si Angel Locsin Marian Rivera, meron namang Skype scandal?!


THERE SEEMS to be an effort to discredit Marian Rivera.
After Angel Locsin, her arch rival, whether imagined or real, ay si Marian naman ang ginawan ng istorya ng mga taong walang magawa sa buhay.
Kung merong nude photo si Angel, ito naman daw si Marian ay merong Skype webcam scandal.
We saw the said photo sa isang page sa Facebook at halatang hindi naman ito totoo. Halatang gawa-gawa lang ito. Una, kamukha nga ni Marian ang nasa web photo pero hindi naman bastos ang dating. Naka-bustier ang girl na naroon at wala namang kalaswaan na ginawa.
To begin with, bakit hindi video ang ipinost para paniwalaang webcam sacandal nga. Kung video kasi, hindi ‘yon madadaya at lalabas ang katotohanan.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Angel Locsin, cool lang sa mga pang-aasar sa kanya


HINDI LANG naman kasi sikat na artista si Angel Locsin, kundi dahil sa kanyang taglay na kaseksihan ay sobra talaga siyang pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan at kinaiinggitan ng kapwa niya mga babae ang hayup na dating ng kanyang sex appeal. Pero hindi nga si Angel isinilang kahapon para hindi pagpasensiyahan at ipagkibit-balikat ang kung anu-anong dating ng pagpapantasya tungkol sa kanyang katawan.
Maraming ulit nang nakakita si Angel ng kung anu-anong pekeng kaseksihan na ginagawa sa kanyang mga lItrato.  Napapailing na lang siya at natatawa, dahil cool naman siya talaga sa totoong buhay pagdating sa mga samu’t saring pang-aasar sa kanya. Ang katuwiran niya, nangyayari ang lahat ng iyon, dahil artista siya. Kung simpleng tao nga naman siya na isa lang kolehiyala o saleslady sa department store, hindi siya papansinin ng gano’n.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Yeng Constantino, ipinagtanggol ang BF sa ginawang ‘gimik’


IDINEPENSA SA amin ni Yeng Constantino ang non-showbiz boyfriend na si Victor ‘Yan’ Asuncion sa paratang ng iba na gumimik daw ito sa nakarang Star Magic Ball kung kaya’t dumating ito sa nasabing event na may dalang bulaklak at lumuhod pa sa harap ng singer na nakaagaw daw ng atensyon ng maraming tao.
Klinaro ni Yeng na ‘di sila nag-away ng boyfriend kung kaya’t ginawa nito ang nasabing aksyon. Sumunod daw ito sa kanya dahil hindi siya nasamahan kung saan galing sa trabaho nito  si Yan, may dala itong bulaklak at lumuhod sa harap niya sa lobby ng hotel.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Nora Aunor, nasilat ng baguhang batang actress!


TINALO NG 13 year-old high school student at first-time actress na si Teri Malvar na nahirang na Best Actress sa kakatapos lang na CineFilipino Film Festival Awards Night para sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na bida sa pelikulang Ang Kuwento Ni Mabuti .
Talo rin sa kategoryang ito ang mahusay na komedyanang si Tuesday Vargas  (Ang Turkey ay Pabo Rin), Mocha Uson (Mga Ala-ala ng Tag-Ulan), Janelle Jamer at Kitchie Nadal (Muses), at Maxine Eigenmann, Charee Pineda at Eula Valdes (Bingoleras).
Papel ng isang papasibol pa lang na batang tomboy na nagkakaroon na ng crush kay Angel Aquino ang role na ginampanan ni Teri sa pelikula.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Francine Prieto, dawit sa prostitution?!


NU’NG LINGGO ko pa narinig ‘yang kuwentong may isang dating sexy actress daw na nahuli sa Edsa Shangri-La na na-involve sa kasong prostitution.
Siyempre kinalakal ko, ‘day! Si Francine Prieto pala ito, na ang sabi nadamay raw siya nang merong isang kilalang bugaw na sinet-up para mahuli na ito.
Ang kuwento pa, merong isang kilalang negosyante raw ang tumulong kay Francine para makalabas lang ito.
Iyak nang iyak daw ang aktres na humingi ng tulong dahil hindi raw niya alam na bugawan na pala ‘yung pinasok niya.
Kung totoo man ‘yun, baka nga naimbitahan lang si Francine sa isang dinner na walang kamalay-malay na binebenta na pala ito nang kausap niya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Ai-Ai delas Alas, inggit sa lovelife ni Marian Rivera!


SOBRANG THANKFUL si Marian Rivera sa Star Cinema sa pag-aalaga, pag-aasikaso at pagmamahal na ibinigay sa kanya during the shooting ng pelikulang Kung Fu Divas with Ai-Ai delas Alas under Star Cinema, Reality Entertainment at O & Co. Picture Factory. Producer Din siya ng nasabing epic comedy-adventure same with Ai-Ai.
Sabi nga ng Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian, bukod sa talent fee niya, nagdagdag pa siya para maging equal sharing sila ng Comedy Queen.
“Iba pala ‘yung feeling kapag producer ka, lahat dadaan sa ‘yo for approval,” tsika ng dyowa ni Dingdong Dantes.

 [...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Julie Anne San Jose, pressured sa seryeng katapat ang serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo


NAGSIMULA NANG umere ang pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Kahit Nasaan Ka Man, kung saan bida si Julie Anne San Jose. Leading man niya rito si Kristoffer Martin at kasama rin si Lucho Ayala bilang ka-love triangle nila.
Aminado ang Kapuso singer-actress na kabado siya. Lalo pa nga’t kalahati ng timeslot ng seryeng uang pinagtatambalan nila ni Kristoffer ay katapat ng Got To Believe ng ABS-CBN na tampok naman ang magka-loveteam din na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
“I feel pressured din po,” aniya. “Kasi ‘yong timeslot nga po. So talagang pressured ako. Pero hindi naman po kami nakikipagkumpitensiya, eh,” pagtukoy niya sa makakatapat ngang primetimes series nina Daniel at Kathryn.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]