Showing posts with label Jessy Mendiola. Show all posts
Showing posts with label Jessy Mendiola. Show all posts

Wednesday, January 20, 2016

Jessy Mendiola, Super enjoy sa comedy! Feeling tatanda agad sa drama

Sunday, December 1, 2013

Vivian Velez, bilib na bilib sa akting ni Jessy Mendiola


EFFECTIVE AS kontrabida si Ms. Vivian Velez sa Mexican teleseryeng Maria Mercedes ni Jessy Mendiola. Nag-swak sa kanyang personality ang character ni Doña Malvina, mother ni Jake Cuenca na kalabang mortal ni Ariel Rivera (brother-in-law). Ang lakas ng presence ni double V tuwing kaeksena niya sina Ariel, Jessy, Jake and Nikki Gil. Keri-keri nito ang role na kanyang pino-portray lalo na ang back-to back scene nila ni Vina.
Parehong magaling sina Ms. Vivian at Vina sa confrontation scene nilang dalawa same with Jessy. Matindi ang eksena, very powerful. Wala kang itulak-kabigin sa husay at galing nila sa pag-arte. Walang regrets ang buong production  ni Direk Chito Roño at creative department nang kunin nila si VV. Kahit kailangan pa nilang hintayin ang availability ni VV sa kabilang istasyon bago sila makapagsimulang mag-taping.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Enchong Dee & Pokwang: Live, Love, Laugh!


LIVE, LOVE, Laugh! Isa na namang nakakalurkey na pelikula ang handog ng Star Cinema at Starlight Films sa madlang pipol! Ito ay ang Call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang. Si Enchong Dee lang naman ang ka-loveteam niya rito at ka-love triangle niya ang junakis sa film na si Jessy Mendiola. Whatta warla, huh!
Malaki man ang age gap nina Enchong at Pokwang, wa etchos naman na may chemistry sila base sa trailer. Kung sakali kayang maging makatotohanan ng love story ng dalawa ay may tsansa kayang tsumamba? Let’s see!


[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Friday, November 29, 2013

Angelica Panganiban, malabong pumunta sa kasal ni Melai Cantiveros

NAKAUSAP NAMIN sa nakaraang 27th Star Awards for TV si Angelica Panganiban bago pa man tanghaling as Best Gag Show ang Banana Split Extra Scoop ka-tie ang Bubble Gang. Hiningan namin siya ng reaksyon sa naging pahayag ni Melai Contiveros sa guesting nito sa Buzz ng Bayan na medyo masama ang loob niya sa kaibigan at sana ay naiintindihan nito ang sitwasyon niya.
Kung matatandaan, si Angelica ang unang pinaalaman ni Melai ng kanyang pagbubuntis, kung saan sa mga naging interview kay Angel ay nabanggit nito na nag-aalala siya na baka hindi kayanin, lalo na ni Jason, ang responsiblidad na papasukin ng mga ito bilang mga magulang. Ikinasama ng aktor ang naging pahayag na ito ni Angelica dahil pakiramdam daw niya ay minamaliit ang kakayahan niya bilang isang lalaki at bilang isang ama.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]


Pokwang and Jessy Tapatan sa kagandahan



Sari-saring Chikka 11/30/13



Wednesday, November 13, 2013

Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 140 November 13 – 14, 2013


Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 140 November 13 – 14, 2013

Kinumpirmang nakalabas na sa rehab ang ex-bf Jessy Mendiola, gustong makita’t makausap si JM de Guzman


SA PAKIKIPAG-USAP namin kay Jessy Mendiola, kinumpirma ng aktres na sa pagkakaalam niya ay nakalabas na mula sa rehab ang ex-boyfriend na si JM de Guzman.
Wala na silang komunikasyong dalawa kung saan hiningan lang siya ng greetings noong Setyembre ng pamilya ng aktor dahil kaarawan nito, ayon kay Jessy kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niya ring magtagpo ang landas nila ni JM at magkumustahan.
“Welcome back,” ang unang salitang sasabihin ‘pag nagkita na sila ng ex, positibo ang aktres na makababalik sa showbizness si JM kung gugustuhin nito, dahil naniniwala siya sa kakayahan at galing nito bilang isang aktor.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Kahit panay ang regalo sa kanya ng aktor Jessy Mendiola, ‘di pa raw panliligaw ang ginagawa ni Jake Cuenca


NALAGPASAN NA raw ni Jessy Mendiola ang pagiging rebelde nu’ng araw na hindi pa siya artista. Focus sa trabaho ang kanyang priority ngayon sa buhay. Kasama siya sa cast ng pelikulang Call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang ng Star Cinema at Skylight Films.
“I am really blessed and honored na si Mamang Pokwang ang nakatrabaho ko. Kasi, mahal ko kasi si Mamang bilang isang actress, iniidolo ko siya bilang komedyana. Pero sa totoong buhay, si Mamang, napakamaalagain niya. Napakabait, very responsible bilang isang ina. Makatrabaho mo ang isang tulad ni Mamang, marami kang matututuhan . Marami kang malalaman tungkol sa kanya na dadalhin mo ‘yun kahit hindi na kayo magkatrabaho,” papuring wika ni Jessy.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]