Showing posts with label lj reyes. Show all posts
Showing posts with label lj reyes. Show all posts
Tuesday, December 3, 2013
Marian Rivera, ‘di mapipigil pumunta sa Asian TV Award
WHATEVER HAPPEN, walang makapipigil kay Marian Rivera na dumalo sa Asian TV Award sa Singapore, kung saan isa siya sa nominado sa pagka-Best Actress sa pagkakaganap sa Temptation of Wife.
Pero bago siya dumalo sa okasyon, nagawa pa muna niyang magkapag-taping ng kanyang bagong serye sa GMA 7, ang Carmela, Ang Pinakamagandang Babae sa Balat ng Mundo.
“Well, sabi ko nga, kahit ano pa ang mangyari ay dadalo ako ng awards night. Kasi sa totoo lang, ‘yung ma-recognize ka lang nila at mapansin ang naging pag-arte mo at ma-nominate ay isang malaking karangalan na.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Vice Ganda, to the rescue kay Anne Curtis!
INALIPUSTA NANG husto si Anne Curtis dahil sa ginawa niyang pananampal kay John Lloyd Cruz at dalawa pang personalities at sa pananaray niya kay Phoemela Barranda when she said na kaya niya itong bilhin. Panlalait ang inabot ni Anne sa social media which is quite understandable. “Is it justifiable to hit people? kelan pa naging equivalent ang door banging sa face slapping? or what she said about buying people?” “Of course she’ll apologize. It’s automatic for a celebrity to do so. They are all well versed in
DAMAGE CONTROL 101. But that doesn’t mean she’s sincere in her apology. Blaming juice clease and alcohol is a low blow. Yes you can slap around people when you’re angry. Anyone can do that when provoked. But can you really say what she said to those people? That’s her true character.” “Still not justifiable. Kahit saang anggulo mo tignan,
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
LJ Reyes, ipinamulat na sa anak ang sitwasyon nila ni Paulo Avelino
SA HANDOG ng Christmas party cum thanksgiving ng PPL para sa press, naka-usap namin si LJ Reyes na bukas na ngayong pag-usapan ang tungkol sa kinauwian ng relasyon nila ng ex na si Paulo Avelino.
Ayon kay LJ, ngayon lang siya naging open na pag-usapan ito dahil ngayon lang siya naging kumportable para pag-usapan ang tungkol dito. Ayaw naman niya na tuwing makikipag-usap siya ay humahagulgol siya o kung hindi naman ay one-sided na hindi niya masasagot nang tama ang mga itatanong sa kanya.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Saturday, November 23, 2013
Wednesday, November 13, 2013
Sa panliligaw ng ex-bf kay KC Concepcion LJ Reyes, natutuwa raw para kay Paulo Avelino
MARAMI ANG naawa kay LJ Reyes sa interview sa kanya ni Ricky Lo last Saturday, sa dahilang gusto lang daw niyang protektahan ang privacy ng kanyang anak kay Paulo Avelino.
Hindi kasi nagustuhan ng ilang reporter at TV crew ang ginawang pagdadabog ni LJ sa dressing room ng Sunday All Stars kaya hindi naiwasan na banatan siya ng isa sa mga reporter na feeling ay nabastos sa ginawang pagdadabog ng actress.
Puwede nga namang sabihin ni LJ sa mga reporter na huwag nang pag-usapan kung anuman ‘yung ayaw niyang pag-usapan at hindi ‘yung pagdadabugan ang mga ito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, November 12, 2013
Friday, November 8, 2013
LJ Reyes, ayaw pang magpaligaw
MUKHANG LAGING inspired ngayon si LJ Reyes. Naggu-glow ang kanyang aura at blooming ang kanyang beauty. Marami tuloy ang naiintriga kung in love na ba siya ulit ngayon. O kung sino ang nagpapa-inspire sa kanya.
“My son!” aniya nang makausap namin sa Sunday All Stars kamakailan.
Ang tinutukoy ni LJ ay ang three-year old na anak nila ng dati niyang karelasyong si Paulo Avelino. Kahit busy raw siya sa trabaho, she sees to it na may bonding moment pa rin daw silang mag-ina.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, October 28, 2013
Paulo Avelino, may ipinalit na kay LJ Reyes
AMINADO SI Paulo Avelino na noong panahon na nagtataray siya sa press, ang mundo niya ay puno ng alinlangan.
Problemado siya (lalo na sa kanyang lovelife with LJ Reyes kung saan may anak silang five years old). Panahon ‘yun na gusto niyang ilihim or i-deny ang anak niya na kasing edad din ni Honesto (he plays father ng batang matapat).
Pero aminado si Paulo na nakatulong sa kanyang ang role bilang ama ni Honesto para maintindihan ang kalahatan ng kung ano mang sitwasyon niya ngayon.
Aminado na si Paulo (na dati super deny siya) na split na sila ni LJ and he is dating again (a non-showbiz girl) na nagpapangiti sa puso niya.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Dennis Trillo, ‘di makalimutan ng mga ex?!
SA PRESSCON ng kanyang pelikula, hindi maiwasang matanong si Dennis Trillo ng press people hinggil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayan nina Cristine Reyes at Derek Ramsay at maging nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.
“Ang masasabi ko lang… kailangan ba talaga akong madawit sa hiwalayan ng mga ex?” reaksiyon niya. “‘Di ba? Bakit ako, ‘di ba?
“Pero ang totoo niyan… hindi ko na lang pinapansin. Dahil wala naman talaga akong kinalaman diyan. At sana, kung anuman ‘yong problema nila, huwag na nila akong idamay. Dahil matahimik ako. Masaya na ako. Masaya ako ngayon sa nangyayari sa career ko.”
Parang siya ‘yong tipo ng ex-boyfriend na mahirap makalimutan ng kanyang mga nakarelasyon? Dahil hanggang ngayon, nali-link pa rin nga siya sa mga dating naging girlfriend niyang sina Cristine Reyes at Jennylyn Mercado ngayong break na ang mga ito sa mga nakarelasyong sina Derek Ramsay at Luis Manzano.
“Baka!” natawang biro aniya.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Saturday, October 5, 2013
Monday, September 30, 2013
Julia Montes, natakot makatambal si Daniel Padilla
AMINADO SI Julia Montes na mukha siyang matanda sa edad niya kahit na magkasing-edad lang sila ni Daniel Padilla.
Kaya nang tanungin kung papayag siyang makatambal si Daniel na ka-loveteam ng kanyang kalaban na si Kathryn Bernardo, kaagad na sagot ni Julia ay pag-iisipan niya muna kasi baka magmukha raw siyang ate ni Daniel kahit na magkasing-edad lang sila.
Pero may pahabol si Julia na depende raw sa role na gagawin nila ni Daniel kung mayroon nga raw na project.
Samantalang kung si Julia ay atubili na makatambal si Daniel, ang ka-loveteam niya na si Enchong Dee ay walang takot at payag na makatambal ang ka-loveteam ni Daniel na si Kathryn Bernardo.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Thursday, September 26, 2013
JC de Vera, ayaw patulan ang isyu sa kanila ni LJ Reyes
ISA SI JC de Vera sa rumampa sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash 2013 last Tuesday sa World Trade Center kung saan nagpakita siya ng kaunting bahagi ng kanyang ‘butt’. After the show, inusisa ng media si JC tungkol sa balitang may namumuo raw ‘special relationshiop’ sa kanila ni LJ Reyes.
May mga lumalabas na balita lately na diumano ay depress daw si Paulo Avelino dahil may dini-date nang iba ang ina ng anak nitong si LJ at ito nga ay si JC. Hindi man masyadong malinaw ang isyu, may nakapagsabi sa amin na diumano ay naglasing itong si Paulo dahil sa isyu.
Pero itinanggi ni JC na dini-date niya ang dating kasamahan sa GMA-7.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, September 17, 2013
Paulo Avelino, apektado sa pagkaka-link ni LJ Reyes kay JC de Vera?!
HINDI ALAM ni LJ Reyes kung ano ang sasabihing reaksiyon sa balitang naglasing daw si Paulo Avelino sa ginanap na Star Magic Ball kamakailan. Ito’y dahil na-bad trip diumano ito nang may magtanong tungkol sa pagkaka-link niya lately kay JC de Vera. Tila affected nga raw ang aktor.
“Hindi ako makapag-comment,” tila gulat na sambit ni LJ. “Kasi alam ko kung totoo nga ba ‘yan. Eh, sabi-sabi lang naman. And how would you know kung iyon talaga ang dahilan? ‘Di ba? You wouldn’t know naman what’s going on a person’s mind unless you are that person. You can only say so much kung ano ‘yong naiisip ng isang tao. You can only assume. Because you are not the person. Gano’n lang talaga ‘yon.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, August 18, 2013
LJ Reyes, ‘di na magugulat kung maugnay sa bading si Paulo Avelino
AYAW KUMPIRMAHIN ni LJ Reyes kung talagang totoo ang napapabalitang tuluyan na silang nagkalabuan ni Paulo Avelino, na ama ng kanyang three year old son. Sasagutin daw niya ang isyung ito in due time.
Marami ang tila naka’y LJ ang simpatiya. Ito’y dahil sa obserbasyon din ng iba na parang ipinagpalit silang mag-ina ng aktor sa opportunity na mapaangat ang career nito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, August 7, 2013
Monday, July 8, 2013
Kris Bernal, ‘di pa kayang kumawala sa sweet image
BALIK-TAMBALAN NA naman sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Ito ay sa bagong soap ng GMA-7 na Prinsesa ng Masa.
“Mag-i-start na po ito sa July,” excited ngang bungad ni Kris nang makakuwentuhan namin kamakailan. “Bukod kay Aljur, kasama rin namin dito si LJ (Reyes), at si Gabby (Eigenmann).
“May mga schedule na kami ng workshops. Halos every week, may workshop kami. Two times a week, kailangan naming mag-workshop. And may babaguhin din sa look namin. At saka siguro, bagong imaging na rin.
“Siguro kaya ako nai-excite dito dahil na-miss ko ‘yong umarte nang heavy drama. Dahil ang last ko ngang ginawa ay Coffee Prince na comedy. Kaya na-miss kong gumawa ng heavy drama. Na-miss kong umiyak! Na-miss kong paglaruan ‘yong arte. Na-miss kong paglaruan ang isang character. So, I guess marami silang makikitang bago sa akin.
“And before kami mag-start ng taping, magpi-Pinoy TV muna kami ni Aljur sa Canada. So, mawawala kami for two weeks. Tapos pagbalik namin, diretso na kami ng taping for Prinsesa ng Masa.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, June 23, 2013
Robin Padilla, hirap makasama si Mariel Rodriguez sa Dos?!
INIINTRIGA NGAYON ang pagbabalik Kapamilya ni Alex Gonzaga pagkatapos hindi ni-renew ang kontrata niya sa Singko. Hindi maganda ang feedback na naririnig namin tungkol sa dalaga. Naging antipatika na raw ito sa paningin ng kapwa niya artista pati na rin sa mga nakatrabaho nito sa Kapatid network. Kung hindi raw sa power ni Toni Gonzaga, malabo na raw makabalik sa Dos ang utol nito. Naipasok nga niya agad- agad si Alex sa The Voice, kung saan emcee ang singer-actress.
Ang tsika, kung si Alex ay mabilis na tinanggap ng ABS-CBN sa tulong ni Toni, bakit si Mariel Rodriguez na hanggang ngayon ay wala pang linaw kung makababalik pa ito sa dati niyang home studio. Matagal rin namang naging Kapamilya ang magaling na TV host. Pero ang balita, may tampo raw ang mga big boss ng Dos kay Mariel dahil sa ginawa nitong eksena nu’ng may teleserye sina Robin at Kris Aquino.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, June 12, 2013
Daiana Menezes, dinadahas ng BF na congressman?!
NAG-BACK OUT na raw pala si Paulo Avelino sa susunod na teleserye na dapat sana ay gagawin niya sa ABS-CBN kung saan makakasama niya sana sina Andi Eigenmann at Angel Locsin.
Walang malinaw na dahilan kung bakit nagdesisyon si Paulo na huwag nang gawin ang project.
Pero gaano katotoo ang lumalabas na issue na ang kanyang beloved partner daw na si LJ Reyes at ang kanilang anak ang diumano’y tunay na dahilan ng kanyang pag-atras sa teleserye?
Napag-alaman namin na nagpahatid na raw ng paumanhin ang aktor kay Angel thru their common friend na naunawaan naman daw ng aktres.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)