Monday, October 28, 2013

Dennis Trillo, ‘di makalimutan ng mga ex?!


SA PRESSCON ng kanyang pelikula, hindi maiwasang matanong si Dennis Trillo ng press people hinggil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayan nina Cristine Reyes at Derek Ramsay at maging nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.
“Ang masasabi ko lang… kailangan ba talaga akong madawit sa hiwalayan ng mga ex?” reaksiyon niya. “‘Di ba? Bakit ako, ‘di ba?
“Pero ang totoo niyan… hindi ko na lang pinapansin. Dahil wala naman talaga akong kinalaman diyan. At sana, kung anuman ‘yong problema nila, huwag na nila akong idamay. Dahil matahimik ako. Masaya na ako. Masaya ako ngayon sa nangyayari sa career ko.”
Parang siya ‘yong tipo ng ex-boyfriend na mahirap makalimutan ng kanyang mga nakarelasyon? Dahil hanggang ngayon, nali-link pa rin nga siya sa mga dating naging girlfriend niyang sina Cristine Reyes at Jennylyn Mercado ngayong break na ang mga ito sa mga nakarelasyong sina Derek Ramsay at Luis Manzano.
“Baka!” natawang biro aniya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment