Showing posts with label Maria Mercedes. Show all posts
Showing posts with label Maria Mercedes. Show all posts

Tuesday, January 7, 2014

Maja Salvador, malas sa career ni Gerald Anderson?


Monday, September 30, 2013

Jessy Mendiola, aminadong kinikilig sa panliligaw ni Jake Cuenca


SA PRESSCON ng Maria Mercedes, hiningan namin kaagad ng rekasyon si Jake Cuenca sa balitang lumabas kamakailan na nabugbog daw siya sa isang bar sa The Fort ilang linggo na ang nakararaan. Duguang inilabas daw sa nasabing bar kung saan ang nakaaway raw ng aktor ay galing sa isang kilalang angkan ng mga pulitiko.
Ikinuwento ni Jake na nanggaling talaga siya sa isang bar, may isang lalaki na bumangga sa kanya na hindi niya kung lasing ba o hindi, pero hindi nagkaroon ng away o kahit man lang ng palitan ng salita sa pagitan nila.
Minsan na ring nasangkot s ganitong klase ng mga gulo, kung saan sa bandang huli ay siya ang laging lumalabas na masama, ni hindi nalaman ni Jake ang pangalan ng bumangga sa kanya o kahit ang hitsura nito. Umiwas na lang talaga siya, lumabas ng nasabing bar dahil may mga kasama siya ng oras na ‘yun at ayaw niyang madamay ang mga kaibigan sa gulo.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Julia Montes, natakot makatambal si Daniel Padilla


AMINADO SI Julia Montes na mukha siyang matanda sa edad niya kahit na magkasing-edad lang sila ni Daniel Padilla.
Kaya nang tanungin kung papayag siyang makatambal si Daniel na ka-loveteam ng kanyang kalaban na si Kathryn Bernardo, kaagad na sagot ni Julia ay pag-iisipan niya muna kasi baka magmukha raw siyang ate ni Daniel kahit na magkasing-edad lang sila.
Pero may pahabol si Julia na depende raw sa role na gagawin nila ni Daniel kung mayroon nga raw na project.
Samantalang kung si Julia ay atubili na makatambal si Daniel, ang ka-loveteam niya na si Enchong Dee ay walang takot at payag na makatambal ang ka-loveteam ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Vivian Velez, mas gustong mamahinga sa showbiz kaysa gawin ang ‘di type na role


TINANGGAP NI Ms. Vivian Velez ang Mexican telenovela na Maria Mercedes na pinagbibidahan ni Jessy Mendiola because of Chito Roño. Hindi nga alam ng magaling na actress kung anong character ang kanyang gagampanansa sa nasabing re-make ng sikat na Thalia-serye.
“Oo, alam kong mahal na mahal ako ni Direk Chito, alam niya ‘yung challenges sa character na ipo-portray ko. Hindi niya ako kukunin kung hindi niya ako kailangan for the the role,” panimula ni VV.
Maganda ang year 2013 para kay Ms. Velez, kahit maikli lang ang role ni double V sa pelikulang On The Job nina Joel Torre at Gerald Anderson, nagmarka naman sa publiko ang character na kanyang pinortray. Gugulatin kaya ni double V sa first indie film nito na “Bendor” for Cinema One Originals 2013 sa direksiyon ni Ralston Jover.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sunday, June 30, 2013

Kampo ni Marian Rivera, asar na asar kay Sam Pinto!


SAYANG AT tapos na ang presscon for Maria Mercedes kaya hindi na namin naitanong kay Jessy Mendiola ang blind item about her na pinagkaisahan siya ng friends ni JM de Guzman.
Nasulat sa isang website na iginanti ng mga kaibigan ni JM ang binata nang makipaghiwalay si Jessy rito. Kinausap daw nila si Matteo Guidicelli para paibigin ang dalaga.
Kumagat naman daw si Jessy at ‘yun nga ang nangyari, hiniwalayan rin siya ni Matteo.
Ngayon, amanos na raw sina Jessy at JM.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Vivian Velez, pagsasabungin ang dalawang serye sa Dos at Singko


IN-DEMAND NGAYON si Ms. Vivian Velez sa telebisyon, dalawang soap ang ginagawa niya. ‘Yung isa sa Singko at ‘yung isa, Maria Mercedes ng Kapamilya Network. Parehong kontrabida roles ang ginagampanan niya sa mga ito. Kahit lagare sa pagte-taping ang magaling na actress, enjoy naman daw siya sa characters na kanyang pino-portray.
Ayon kay double V, very challenging on her part to be a kontrabida, ibang lever of performance daw ang mapapanood ng viewing public once na ipalabas na ito sa telebisyon.
Curious ang marami kung bakit tinanggap ni Vivian ang teleserye sa Singko kahit wala namang viewers ang kanilang mga palabas. Kung mayroon mang nagre-rate, palagi naman silang kulelat sa rating, almost number 3, hindi umusad-usad. Ipinaliwanag naman ni Ms. Body Beautiful na ‘yung role ang dahilan kung bakit niya ito tinanggap. May nagsasabing mas mataas daw ang TF niya sa Kapatid Network kaya napilitan na lang itong gawin ang soap.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Friday, June 28, 2013

Dahil sa problema sa ina Jessy Mendiola, napilitang itago ang relasyon kay JM de Guzman


DAPAT AY mag-move on na itong si Cesar Montano. Until now pala ay ayaw pa rin nitong tigilan si Sunshine Cruz na ang ganda-ganda ng tinatakbo ng career noon.
Patuloy na sinusuyo ni Cesar itong si Sunshine, pero tila wala nang interest ang aktres na balikan ang kanyang asawa.
Naloloka na nga si Sunshine dahil pati pala career niya ay pinakikialaman ni Cesar. Super selos daw ito kay Ejay Falcon na kasama ni Sunshine sa soap na Dugong Buhay.
Ang nakakaloka pa raw, talagang tinatawagan pa raw ni Cesar ang director nila sa soap na si Toto Natividad para tanungin kung anu-anon ang mga eksenang ginagawa ni Sunshine.
Tama ba ang nakarating sa amin na until now ay ayaw pa rin ni Cesar na gumawa si Sunshine ng sexy scenes kahit sa kanyang soap?

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

‘Di pa raw handang pumasok sa relasyon Sarah Geronimo, ‘di type si Matteo Guidicelli?!


NGAYONG KUMPIRMADO na si Jessy Mendiola ang gaganap sa remake ng Maria Mercedes, hindi namin masisisi ang aktres kung mas gamitin nga nito ang isip kaysa sa puso kung ang pagbabasehan ay ang mga magagandang proyekto na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.
Ang desisyong mas mahalin ang kanyang sarili ang binigay na rason kung bakit nagdesisyon na makipaghiwalay sa boyfriend for two years na si JM de Guzman. Ang pagpokus naman sa career ang dahilan na binigay kung bakit hindi na lumalim at lumawig pa ang muntik-muntikan nang relasyon nila ni Matteo Guidicelli.
Sa presscon, inamin ni Jessy ang issue na totoong in-unfollowed niya si Matteo sa Instagram at sa Twitter dahil sa naging tampuhan nila, kung saan ayon kay Jessy ay nagkaroon sila ng miscommunication.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Richard Gutierrez, papunta na sa pagkalaos?!


HINDI DAPAT paulit-ulit na ipinapangalandakan ni Richard Gutierrez ang plano niyang pamamahinga muna sa showbiz, lalo pa’t kung sa ibang bansa siya maglalagi. Kapag kasi ang isang artista ay sikat na sikat katulad niya na isang matinee idol, hindi dapat nagpaplano ng mga pansamantalang pagkawala sa limelight.
Sa nangyaring kasikatan nina Nora Aunor, Vilma Santos at Sharon Cuneta ay wala sa kanila dati ang pamamaalam na ganyan. Mahirap daw ‘yan.
Puwedeng sabihin na sa ngayon, si Richard ay hindi pa napakahusay na actor pagdating sa larangan ng pag-arte. Pero sa showbiz, ang pangalan ng brother ni Ruffa Gutierrez sa bakuran ng GMA-7, kahit ang mga artista ng ABS-CBN ay alam at tanggap na Hari sa kabilang network si Richard.
Nakakatakot siyang mawala, dahil sa panahong ito ay may lamlam ang kanyang kasikatan. Baka masingitan siya ng ibang artista ng Siyete na gusto ring sumikat, at sa pagbabalik ng anak ni Annabelle Rama ay iba na palang actor ng GMA ang pumuwesto sa dati niyang kasikatan.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]