Showing posts with label Kris TV. Show all posts
Showing posts with label Kris TV. Show all posts

Saturday, February 8, 2014

Piolo Pascual, mahilig kumain


Sunday, June 23, 2013

Inang si Karla Estrada, umalma Daniel Padilla, ‘di raw lasenggo!


UMALMA ANG mother ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa isyung binabato sa anak na naglalasing dahil daw umano sa masama ang loob ng sikat na teen idol sa ina.
Walang katotohanan daw ang paratang sa anak niya at hindi raw ito lasenggo. Kilala niya ang anak na hindi magagawang maglasing kahit na magkaroon ito ng problema.
Pakiramdam ni Karla,habang sumisikat daw ang anak, mas dumarami ang naninira sa teen idol. Hindi naman daw nila maiiwasan na i-please ang lahat ng mga tao, lalo na raw roon sa mga naiinggit.
Samantala, ikinaila ni Karla ang balitang may love affair sila ng sikat na basketball player na si Marc Caguioa. Hindi pa raw niya nami-meet nang personal ang sikat na PBA player, kaya hiyang-hiya raw siya sa hardcourt hero na nadadamay sa maling tsismis.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sa kabila nbg break-up Rayver Cruz at Cristine Reyes, napanatili ang pagiging friends


AYON KAY Rayver Cruz, napanatili talaga nila ni Cristine Reyes ang pagiging magkaibigan sa kabila ng nauwi sa break-up ang halos magdadalawang taon din nilang relasyon ng sexy actress.
Magkasama sa seryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, nagkaka-text-an man pero hindi na lagi gaya dati. Bukod sa magkasama sa trabaho, siyempre iba na rin ang sitwasyon nina Rayver at Cristine sa ngayon, dahil wala na silang relasyon, kundi bilang magkaibigan na lang.
Hindi pa ring maiiwasang mahingan ng reaksyon ang aktor sa tuwing may isyu na pinupukol sa ex-girlfriend. Isa na nga rito ang balitang madalas daw na nakikita ang aktres na kasama ang gym trainor nito na sweet na sweet sa kabila ng pagiging pamilyado na raw nito.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Tuesday, April 9, 2013

Hindi naman matuluy-tuloy Kris Aquino at Willie Revillame, parehas madalas magpaalam sa show!


OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka ni Tita Swarding! Kaya hala bira! Umpisahan na!
Napupuna ko kasi na dalawang personalidad ang mahilig magpaalam sa kanilang show, pero hindi naman natutuloy.
Unahin natin si Kris Aquino. Nu’ng 2003 sa kasagsagan ng away nila ng dati niyang BF na si Joey Marquez, ito ang una niyang pagpapaalam na iiwanan na niya ang showbiz. Saksi pa niya ang mother niya na kasama niya noon, si dating Pres. Cory Aquino (RIP). Pangalawa ay nu’ng kumakandidatong presidente si P-Noy, na ‘pag nakaupo na raw bilang presidente, magbababu na rin siya. At ang pangatlo ay itong kasalukuyang away nila ng da-ting asawa niyang si James Yap na humantong pa sa demandahan. Kasama pa niya ang tatlo niyang kapatid na sina Pinky, Ballsy at Viel, na iiwan na raw niya ang kanyang mga programa sa TV.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]


Sa isyu nila ni James Yap Kris Aquino, ayaw nang magsalita


TAMA LANG ang ginagawa ngayon ni Kris Aquino na hindi na siya nagsasalita o nagpapainterbyu tungkol sa isyu nila ni James Yap. Work to death lang ngayon si Krissy sa kanyang tatlong shows na Pilipinas Got Talent, Kailangan Ko’y IKaw at Kris TV.
Sa Twitter ay nagtatanong ang ilang bashers ni Kris na, “O, akala ko ba, magre-resign na si Kris para matutukan na niya ang mga anak niya? Ba’t nagwo-work pa rin siya?”
Una, gustuhin man ni Kris, meron pa siyang existing contract na dapat niyang tuparin. Otherwise, madedemanda siya. Kaya pinu-fulfill niya muna ang kanyang mga commitment.
At nakatutuwa rin na maraming tagahanga si Kris na nakikiusap sa TV host na ‘wag nang ituloy ang kanyang pagre-resign, dahil sa totoo lang, parang kulang ang panonood, kung hindi mo makikita ang isang Kris Aquino.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]