Tuesday, May 28, 2013

Georgina Wilson, napapahamak dahil sa kamalditahan


BILANG BABAE na sosyalera ay may kakaibang angas si Georgina Wilson, kaya siya mismo ang napapahamak sa kanyang kamalditahan. Hindi siya marunong pumili ng kung sino ang mga taga-showbiz na kanyang pagti-tripan. Bukod kina dating Pangulong Joseph Estrada at Ryzza Mae Dizon, inokray din niya si Nora Aunor, at nagkamit na siya ng maraming panlalait dahil doon. Pero hindi pa rin siya nadala at nasundan pa iyon ng iba niyang pang-ookray.
Talaga naman yatang okrayera si Georgina, dahil nu’ng minsang mag-guest sila ni Liz Uy sa programang Kris TV ng ABS-CBN, nagkataon din na guest sa programa si Ethel Booba. Sa kanilang tsikahan kasama si Kris Aquino, mayroong naitanong kay Ethel na salitang English na hindi kaagad nasagot ng komedyana. Aba, nag-side comment ba naman sina Georgina at Liz ng “Hindi niya naiintindihan” patungkol kay Ethel. Buti na lang, hindi sila masyadong ipinapakita ng camera sa TV screen habang ginaganu’n nila si Ethel.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment