Showing posts with label ruben marasigan. Show all posts
Showing posts with label ruben marasigan. Show all posts
Tuesday, July 16, 2013
Lovi Poe, bahagi pa rin daw ng buhay niya si Cong. Ronald Singson
NAGHAHANDA NA raw si Lovi Poe sa pagsisimula nila ng taping para naman sa Akin Pa Rin Ang Bukas, ang bagong seryeng pagtatambalan nila ulit ni Rocco Nacino kasama si Cesar Montano sa GMA-7. Ikatlong pagtatambal na nila ito ni Rocco. Parang sila nga talaga ang bagay na bilang magkapareha?
“Oo nga, e!” sabay ngiti sabi ni Lovi. “I’m very excited kasi nga… once again magkakasama kami.
“And… lagi naman kaming magkasundo ni Rocco. Kasi nga ‘yong personalities namin, nagdya-jive talaga.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, July 15, 2013
Richard Yap, ayaw isama sa lakad ng mga kasamahan sa serye!
SA KATATAPOS na fund raising show ng Philippine Movie Press Club na Heart and Songs With Sir Chief sa Zirkoh-Morato sa Quezon City last Saturday, July 13, nakita naming kung paano magkagulo ang mga tao kay Richard Yap.
Hot item talaga siya ngayon. At ito ay bunsod ng tagumpay ng loveteam nila ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful With My Heart.
Naka-isang taon na sa ere ang nasabing romance-comedy series ng ABS-CBN pero patuloy pa rin itong kinakikiligang subaybayan ng televiewers.
“Siyempre, very thankful kaming lahat,” ani Richard. “Because that means successful ‘yong show at saka tuluy-tuloy pa rin ‘yong support sa amin ng mga tao.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, July 12, 2013
Rocco Nacino, kapalit ni JM de Guzman sa ‘San Pedro Calungsod’
TAMA LANG nga na si Rocco Nacino ang mapiling kapalit ni JM de Guzman na nag-back out para gampanan ang lead role sa bio-film na San Pedro Calungsod: Batang Martir. Masaya naman ang Kapuso actor na sa kanya napunta ang nabanggit na entry sa Metro Manila Film festival para sa taong ito.
“Of course, motivated ako ngayon na pag-aralan lalo ‘yong buhay ni St. Pedro Calungsod. Tutal, I have portrayed it before sa isang GMA News TV special. Kumbaga, may insight na ako. May konting alam na ako sa buhay niya. So, more research pa. And I’m gonna make myself ready for this role. Wala pa lang kasi ‘yong script at ‘yon ang hinihintay ko.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, July 9, 2013
Basta raw kasing ganda ni Solenn Heussaff Carla Abellana, payag magkaroon ng kissing scene sa kapwa babae!
HINDI LANG mataas na rating kundi maganda rin ang review na nakukuha ng My Husband’s Lover, ang primetime series ng GMA-7, kung saan pangunahing tampok sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo. Talagang gabi-gabing pinag-uusapan ang bawat episode nito na nagti-trending pa sa Internet.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, July 8, 2013
Kris Bernal, ‘di pa kayang kumawala sa sweet image
BALIK-TAMBALAN NA naman sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Ito ay sa bagong soap ng GMA-7 na Prinsesa ng Masa.
“Mag-i-start na po ito sa July,” excited ngang bungad ni Kris nang makakuwentuhan namin kamakailan. “Bukod kay Aljur, kasama rin namin dito si LJ (Reyes), at si Gabby (Eigenmann).
“May mga schedule na kami ng workshops. Halos every week, may workshop kami. Two times a week, kailangan naming mag-workshop. And may babaguhin din sa look namin. At saka siguro, bagong imaging na rin.
“Siguro kaya ako nai-excite dito dahil na-miss ko ‘yong umarte nang heavy drama. Dahil ang last ko ngang ginawa ay Coffee Prince na comedy. Kaya na-miss kong gumawa ng heavy drama. Na-miss kong umiyak! Na-miss kong paglaruan ‘yong arte. Na-miss kong paglaruan ang isang character. So, I guess marami silang makikitang bago sa akin.
“And before kami mag-start ng taping, magpi-Pinoy TV muna kami ni Aljur sa Canada. So, mawawala kami for two weeks. Tapos pagbalik namin, diretso na kami ng taping for Prinsesa ng Masa.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, July 2, 2013
Jennylyn Mercado, sobrang lakas kay Gov. Vilma Santos!
ANG LAKAS talaga ni Jennylyn Mercado kay Batangas Governor Vilma Santos. Hindi siya nagdalawang-salita at agad-agad ay napapayag niya ang Star For All Seasons na magkaroon ng cameo role sa isang VTR. Ito ay sa opening ng production number sa Sunday All Stars (SAS) ng kanilang grupo nitong nakaraang Linggo kung saan siya ang team leader.
Patunay raw nga ito na talagang love si Jennylyn ng ina ng boyfriend niyang si Luis Manzano.
“Talagang sobrang happy kami at grateful na pumayag siya nang walang kuwestiyon,” aniya. “Basta… oo!”
Gano’n na talaga sila ka-close sa isa’t isa? “Siyempre ano, e… kailangang… kasi siyempre pinakamamahal ‘yan ng mahal ko rin,” pagtukoy niya sa Star For All Seasons at sa boyfriend niyang si Luis na anak nga nito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, June 28, 2013
Alden Richards: ‘Kanya-kanya muna kami ni Julie Anne San Jose’
MARAMI ANG nakakapansin na parang nag-iiwasan ngayon sina Alden Richards at Julie Anne San Jose. Dati ay naging very close sila to the point na napapabalita ngang parang may nabubuo nang special friendship sa pagitan nila.
Ngayon, linggu-linggo man silang nagkikita sa Sunday All Stars (SAS), hindi sila nag-uusap. Ni hindi na sila nagti-text sa isa’t isa.
“Wala po muna. Trabaho muna po ang focus namin,” nangiting pahayag ni Alden nang matanong namin.
Baka naman kinausap sila ng management ng GMA na iwasan nila na ma-link sa isa’t isa?
“Hindi naman po. Siguro po muna, kanya-kanya muna po kaming dalawa.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, June 25, 2013
Julie Anne San Jose, pinagbawalang maging malapit kay Alden Richards?
MARAMI ANG naiintriga kung ano na raw ba ang nangyari at biglang-bigla ay nawala ang closeness nina Julie Anne San Jose at Alden Richards. There was ay time na napapabalitang nagkakamabutihan na nga sila dahil sa sobrang closeness nila sa isa’t isa.
Ngayon, sa Sunday All Stars (SAS), hindi na sila nagpapansinan kahit nagkakasalubong galing sa kani-kanilang dressing rooms. Hindi na rin sila nagti-text sa isa’t isa.
“A… wala po,” pag-iwas na reaksiyon ni Julie Anne nang matanong namin. “Okey naman po kami. Friends pa rin naman po kami.”
Pero lately, hindi na nga sila nagkakausap? “Siguro po, naging busy lang ako. Naging busy rin po siya.”
Nakapagtataka nga talaga na mula sa pagiging very close, nawala kahit communication sa pagitan nila. Ni hindi na sila nagti-text sa isa’t isa nga.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, June 18, 2013
Christian Bautista, ayaw nang pag-usapan ang Singaporean girlfriend
NA-SURPRISED NGA ang marami dahil first time na nag-rap ni Christian Bautista. Ito ay sa production number na ipinanlaban ng kanilang grupo, kung saan siya ang team leader sa pilot episode ng Sunday All Stars (SAS). At nagawa naman niya ito nang buong husay.
“’Yon nga, eh. And it’s fun!” sabay ngiti niyang sabi nang makausap namin. “Talagang… ang saya! Everyone naman did their best. Talagang tulungan. I’m so happy.”
Being the team leader, talagang discipline daw ang in-emphasize niya sa mga ka-grupo. Na… when you’re on time, you’re late.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, June 5, 2013
Jolina Magdangal, kabado sa bagong show
EXCITED SI Jolina Magdangal para sa bagong Sunday variety show ng GMA-7 na SAS (Sunday All Stars) na magiging kapalit ng Party Pilipinas. Isa siya sa sinuwerteng makasama sa nabanggit na programa na magsisimulang umere sa June 16.
Balitang hindi lahat ng naging bahagi ng Party Pilipinas ay makakasali rin sa bagong Sunday variety/game show ng GMA-7. Isang bagay na ikinalulungkot daw ni Jolina.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, June 2, 2013
Alden Richard, hanggang ligaw-tingin lang
MASAYA SI Alden Richards sa magandang feedback kaugnay ng kalu-launch pa lang niyang self-titled album. Pitong kanta ang nilalaman nito. Anim na revivals at isang original composition.
Gusto sana niya na may duet sila ni Julie Anne San Jose. Pero hindi nagkaroon ng chance na magkaroon ng collaboration.
“Kasi po, si Julie Anne ay sa GMA Records,” aniya. “Pero if given a chance… gusto kong maka-duet sana siya. Opo naman!
“Before pa lang po. Before I started the album, natanong ko siya. Sabi ko sa kanya, baka puwede na… if she’s willing to do a collaboration with me. Sabi naman niya… oo, sure. Tutulong pa raw siya sa paggawa no’ng song. Kaya lang po, hindi po nagkaintindihan ang Universal at GMA Records. That’s why… medyo hindi natuloy.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Saturday, June 1, 2013
Patrick Garcia, ayaw pag-usapan ang anak kay Jennylyn Mercado
EXCITED SI Patrick Garcia sa kanyang bagong project sa ABS-CBN. Ito ay ang remake ng Annaliza na before ay tinampukan ng yumaong young actress na si Julie Vega, at ngayon ay pagbibidahan naman ng baguhang child star na si Andrea Brillantes.
Gagampanan ni Patrick ang character ni Lazaro, ama ni Annaliza. Nakare-relate daw siya sa nasabing role dahil in real life ay isa rin siyang ama.
Kumusta na nga ba sila ng kanyang anak kay Jennylyn Mercado na si Jazz? “Okey naman. Pero I’d rather not talk about Jazz. No comment muna ako tungkol sa kanya.”
Magpa-five years old na si Jazz? Nagkikita ba o nagkakasama sila lately? “As of now, hindi.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, May 28, 2013
Barbie Forteza, Walang “K” maging recording artist?!
MARAMI ANG nagtataas ng kilay sa pagkakaroon ng self titled album ni Barbie Forteza. Ano raw ba ang karapatan niya para maging isang recording artist.
“Well, hindi ko naman talaga masasabing professional singer ako!” reaksiyon ni Barbie nang matanong naming kaugnay nito.
“Iyon nga ang isang ipinagpapasalamat ko sa GMA at sa MCA Music. Kasi binigyan nila ako ng chance para magawa ko ‘yong isa sa mga pangarap ko talaga.
“Na akala ko hanggang pangarap na lang! Haha! Kasi, medyo hindi maipaliwanag ang aking boses!” birong sabi pa ng tweenstar.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, March 25, 2013
Isabell Daza, first kiss si John Lloyd Cruz!
DAHIL NAKA-FIFTEEN thousand copies na ng nabenta ang first album ni Bea Binene na Hey It’s Me: Bea, kamakailan ay tumanggap ng Platinum Award ang young actress. Siyempre pa, labis ang kanyang tuwa dahil hindi raw niya inaasahan ito.
“Very unexpected na hindi naman talaga ako singer tapos magri-reach ng Platinum. Kaya sobrang thankful po ako sa lahat ng sumuporta at sa lahat ng bumili ng album ko.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, March 22, 2013
Camille Prats, wala pang nagugustuhan sa mga manliligaw
HINDI ITINATANGGI ni Camille Prats na may mga manliligaw siya ngayon. Pero wala pa raw siyang napupusuan sa mga ito.
“Hindi ko pa kasi nakikita na meron talagang sobrang linis no’ng intensiyon,” aniya. “Mga nagpapahaging. Nagpaparamdam. Meron. Pero wala pa ‘yong talagang fully na… liligawan kita, pupunta ako sa bahay n’yo, I wanna meet your parents. Wala pang gano’n. Wala pa naman. Eh, ‘di ba dapat naman gano’n kapag manliligaw?” natawang sabi pa ng aktres.
“Alam mo kasi, sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano ba ang ligawan sa panahon na ito. Dahil ang panahon ko noon kapag nililigawan, pinupuntahan sa bahay. Meet the parents, gano’n! So ngayon, hindi ko alam kung nanliligaw na ba sila. Kung iyon na ba ‘yon.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)