Showing posts with label Philippine Movie Press Club. Show all posts
Showing posts with label Philippine Movie Press Club. Show all posts
Tuesday, September 24, 2013
Julie Anne San Jose, pressured sa seryeng katapat ang serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
NAGSIMULA NANG umere ang pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Kahit Nasaan Ka Man, kung saan bida si Julie Anne San Jose. Leading man niya rito si Kristoffer Martin at kasama rin si Lucho Ayala bilang ka-love triangle nila.
Aminado ang Kapuso singer-actress na kabado siya. Lalo pa nga’t kalahati ng timeslot ng seryeng uang pinagtatambalan nila ni Kristoffer ay katapat ng Got To Believe ng ABS-CBN na tampok naman ang magka-loveteam din na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
“I feel pressured din po,” aniya. “Kasi ‘yong timeslot nga po. So talagang pressured ako. Pero hindi naman po kami nakikipagkumpitensiya, eh,” pagtukoy niya sa makakatapat ngang primetimes series nina Daniel at Kathryn.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, August 28, 2013
Sarah Geronimo, p’wede nang magsuot ng seksing damit?!
ME FREEDOM na ba si Sarah Geronimo sa kanyang pananamit?
We’re asking this as we found her quite daring in her latest pictorial para sa kanyang tenth anniversary concert.
Aba, isang malaking himala ang nakita naming photo shoot. She was clad kasi in a sleeveless top and black skirt na merong mahabang slit exposing a part of her thigh.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, July 15, 2013
Richard Yap, ayaw isama sa lakad ng mga kasamahan sa serye!
SA KATATAPOS na fund raising show ng Philippine Movie Press Club na Heart and Songs With Sir Chief sa Zirkoh-Morato sa Quezon City last Saturday, July 13, nakita naming kung paano magkagulo ang mga tao kay Richard Yap.
Hot item talaga siya ngayon. At ito ay bunsod ng tagumpay ng loveteam nila ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful With My Heart.
Naka-isang taon na sa ere ang nasabing romance-comedy series ng ABS-CBN pero patuloy pa rin itong kinakikiligang subaybayan ng televiewers.
“Siyempre, very thankful kaming lahat,” ani Richard. “Because that means successful ‘yong show at saka tuluy-tuloy pa rin ‘yong support sa amin ng mga tao.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, June 21, 2013
‘Di lang pang-TV ang kasikatan Richard Yap, malakas talaga ang hatak
SA KUWENTO sa amin ni Kris Lawrence ay kitang-kita pa rin na masaya pa rin at patuloy na maganda ang pagsasama bilang mag-asawa nila ni Katrina Halili.
Naitsika nga niyang malapit nang mag one year old ang kanilang baby ni Katrina. Sa Oasis events place nga raw ang kanilang magiging venue.
Okey naman daw si Kris sa takbo ng kanyang career. Medyo natakot lang siya o kinabahan nang matapos na sa ere ang Party Pilipinas.
Ang buong alam niya ay hindi na magkakaroon ng bagong musical variety show.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, May 6, 2013
Gretchen Barretto, desidido nang idemanda ang kapatid!
WALA NA nga yatang taong puwedeng makapagpahinto sa awayan ng mag-anak na Barretto. Ang latest na tsika kasi ay nagpahayag daw ni Gretchen Barretto na plano na niyang idemanda ang kanyang kapatid na si Guia.
Kinakausap na raw ni La Greta ang kanyang mga abogado sa Amerika para isulong ang demanda.
Kalokah na, ‘di ba?
Sabi nga ng marami, sana raw ay may isang taong malapit sa mag-anak na kausapin sila para maiaayos ang lahat.
Hindi nga naman magandang halimbawa ang pamilya Barretto kung hindi sila marunong magpatawaran.
Sa true, hindi na dapat humantong pa sa demandahan. Pero kung ito ang magpapahinto sa kanilang lahat, bakit hindi, ‘di ba?
Well, abangan ang susunod na kabanata…
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, April 19, 2013
Marion Aunor, nakukumpara sa kanyang inang si Lala Aunor
IKAW NA ang maging Aunor ang apelyido. Showbiz na showbiz, ‘ika nga nila.
Very in ngayon si Marion Aunor dahil nga matunog ang name niya dahil nga isa siyang Aunor.
Marami ang nagtatanong kung malalampasan ang kasikatan ni Maribel Aunor noon ng kanyang anak na si Marion? Sa pagpasok ni Marion sa showbiz, hindi malayong ikumpara sa kanyang Mommy Lala.
Kahit nagsimula si Marion sa pagsali sa mga contest, sa recent Himig Handog P-Pop Love Songs, hindi pa rin siya makawala sa pagkukumpara sa kanyang ina.
Sa true lang, si Lala ang original idol namin noong hindi pa kami isang ganap na reporter, Grade V pa lang ‘ata kami noon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)