Showing posts with label Sunday All Stars. Show all posts
Showing posts with label Sunday All Stars. Show all posts

Sunday, January 5, 2014

Bea Binene, ‘di kayang magsuot ng kamison; naudlot ang launching drama series


Wednesday, November 13, 2013

Raymart Santiago, na-trauma kay Claudine Barretto


KAHIT HINDI pa tapos ang masalimuot na usapin at ongoing pa ang mga kaso nila sa isa’t isa ng asawan niyang si Claudine Barretto, maaliwalas na ang aura ngayon ni Raymart Santiago. Parang unti-unti na siyang nakaka-recover. “Slowly… yes!” aniya nang makakuwentuhan namin kamakailan. “Siyempre kahit papano, nami-miss ko ‘yong mga anak ko. Pero I’m moving forward. Kapag may time ako ngayon, ibinubuhos ko sa mga kapatid ko. At sa mommy ko.
“Dati, lagi kong kasama ang pamilya ko,” pagtukoy niya kay Claudine at sa dalawa nilang anak. “Ngayon sa mommy ko na. Madalas kaming nagkikita.”

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sa panliligaw ng ex-bf kay KC Concepcion LJ Reyes, natutuwa raw para kay Paulo Avelino


MARAMI ANG naawa kay LJ Reyes sa interview sa kanya ni Ricky Lo last Saturday, sa dahilang gusto lang daw niyang protektahan ang privacy ng kanyang anak kay Paulo Avelino.
Hindi kasi nagustuhan ng ilang reporter at TV crew ang ginawang pagdadabog ni LJ sa dressing room ng Sunday All Stars kaya hindi naiwasan na banatan siya ng isa sa mga reporter na feeling ay nabastos sa ginawang pagdadabog ng actress.
Puwede nga namang sabihin ni LJ sa mga reporter na huwag nang pag-usapan kung anuman ‘yung ayaw niyang pag-usapan at hindi ‘yung pagdadabugan ang mga ito.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Friday, November 8, 2013

LJ Reyes, ayaw pang magpaligaw


MUKHANG LAGING inspired ngayon si LJ Reyes. Naggu-glow ang kanyang aura at blooming ang kanyang beauty. Marami tuloy ang naiintriga kung in love na ba siya ulit ngayon. O kung sino ang nagpapa-inspire sa kanya.
“My son!” aniya nang makausap namin sa Sunday All Stars kamakailan.
Ang tinutukoy ni LJ ay ang three-year old na anak nila ng dati niyang karelasyong si Paulo Avelino. Kahit busy raw siya sa trabaho, she sees to it na may bonding moment pa rin daw silang mag-ina.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Aljur Abrenica, naudlot ang second album


GUSTUHIN MAN daw ay mukhang hindi kakayaning ilabas ang 2nd album ni Aljur Abrenica na happy sa sobrang daming nanood ng kanyang major concert na ginanap sa Music Museum, ang “Aljur Abrenica, Come and Get Me!” kung saan naging espesyal na panauhin nito sina Kris Bernal, Rochelle Pangilinan, kapatid na Vin Abrenica, atbp.
Ayon pa kay Aljur, baka early next year na raw niya ilalabas ang kanyang album under MCA Music na naglalaman ng kumbinasyon ng original at revival songs na mostly ay si Aljur ang pumili.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Friday, September 13, 2013

Kahit gusto nang magsalita para ipagtanggol ang sarili Raymart Santiago, mas iniisip ang kapakanan ng mga anak


AS OF presstime, inaayos namin ang exclusive interview namin ni Ricky Lo kay Raymart Santiago para sa Startalk.
Matagal nang gusto ni Raymart na magsalita para maipagtanggol naman nito ang kanyang sarili, pero nag-aalangan pa ito dahil mas iniisip kasi niya ang kanyang mga anak.
Ang dami nang nasabi ni Claudine Barretto sa media, dahil ilang beses na siyang nagsampa ng kung anu-anong kaso laban kay Raymart, pero tahimik lang ang aktor.
Mas nirerespeto nito ang gag order mula sa korte, kaya tahimik lang siya at hindi na sinasagot ang mga patutsada ni Claudine pati ang abogado nitong si Atty. Ferdie Topacio.
Napag-usapan na kasi namin noon pa kung ano lang ang puwedeng sabihin ni Raymart pero nag-aalangan pa rin ang aktor dahil mabuting sundin na lang daw ang utos ng korte.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Takot sumali sa beauty contest Lauren Young, aminadong ‘di kayang tapatan ang sister na si Megan Young


AMINADO SI Lauren Young, natatakot siyang sumali sa beauty contest at sundan ang yapak ng kanyang kapatid na si Maegan Young na siyang representative ngayon ng Pilipinas sa kasalukuyang ginaganap na Miss World pageant sa Indonesia. Kahit pa nga may mga nagsasabing like her sister, potential beauty queen nga rin siya.
“It’s hard to follow the footsteps of Maegan,” aniya nga. “Mahirap talaga. Kasi ‘yon nga… the first time she tried joining, nanalo siya. Kaya nakakatakot if I join. Paano kung hindi naman ako manalo. ‘Di ba? And also at the same time, right now…  gusto ko po talagang mag-focus sa acting. Because this is what I love to do. Ito ‘yong passion ko.
“Siguro, bago po ako mag-move on into something else… gusto kong ma-establish muna nang husto ‘yong pagiging artista ko. I want to really make a mark. And to prove to people that I can be a dramatic actress.”

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Derrick Monasterio, inoperan ng bading ng P100K to P150K for one night


HINDI ITINATWA ng young star na si Derrick Monasterio na may natatanggap siyang indecent proposal.
Madalas daw mag-text sa kanya ang isang bading na nag-offer ng one night stand sa halagang P100K pero dinedma na lang daw niya ang bading.
Pero hindi raw siya tinantanan ng kate-text ng bading at itinataas pa raw sa halagang P150K ang offer at tulad ng dati ay dinedma. Hanggang sa magsawa na rin daw ang bading sa kate-text.
Samantala, hindi naman itinanggi ni Derrick na si Barbie Forteza ang apple of the eyes niya ngayon.
Matagal na raw niyang napansin ang kakaibang charisma ni Barbie dahil may hawig ito sa kanyang ina na si Tina Monasterio. Hindi lang daw niya masabi sa ina na may crush siya kay Barbie dahil kahawig nga ng kanyang ina.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]