Showing posts with label Mundo Mo’y Akin. Show all posts
Showing posts with label Mundo Mo’y Akin. Show all posts
Friday, November 8, 2013
Jenny Miller, hindi makabuo
TATLONG TAON nang kasal si Jenny Miller kay Cupid Feril pero hanggang ngayon ay wala pa silang anak.
Ayon kay Jenny nang pasyalan namin sa taping ng Pyra, Babaeng Apoy, nagka-miscarriage raw kasi siya kaya nagdesisyon silang mag-asawa na huwag ma-pressure sa pagkakaroon ng anak.
“Pero it doesn’t mean that we’ve stopped trying. Nandoon pa rin ang hope namin na makabuo, pero hindi na kami nai-stress about it. Who knows one day ay mabuntis na lang ako,” say ni Jenny na super seksi pa rin.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Thursday, September 26, 2013
Alden Richards, gusto nang mag-goodbye sa pa-cute na image
MATAPOS ANG kanyang sexy pictorial para sa Cosmo Magazine at ang kanyang pagrampa sa katatapos na Cosmo bash, ang expectation ng marami ay handa na nga si Alden Richards sa mature at daring roles. At hindi naman itinanggi ng Kapuso actor na gusto na nga niyang kumawala sa pa-cute na imahe.
“Gusto ko na ring baguhin ‘yong image ko,” aniya. “This time, gusto ko na challenging na medyo daring at mature. Kasi 21 na ako, eh. So, tapos na do’n sa stage na pa-cute pa-cute. Of course hindi pa rin po mawawala ‘yon. Pero mas gusto ko na pong mag-transform nang one step do’n sa dati.”
Habang naghihintay pa ng susunod niyang project pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin, sasamantalahin daw ni Alden ang pagkakataon na makapag-gym. Hindi raw siya nagkaroon ng sapat na panahon para rito noong busy siya sa trabaho.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, September 2, 2013
Buwelta ni Raymart Santiago sa mga magulang ni Claudine Barretto: “Alam n’yo ang totoo at tulungan n’yo ang anak n’yo.”
SINAGOT DIN ni Raymart Santiago itong huling paratang sa kanya ni Claudine Barretto nang magsampa ito ng kasong paglabag sa Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women ang Children laban sa kanya.
May mga ipinakitang litrato si Claudine na nakapaloob sa affidavit nito na may mga pasa siya at mga sugat na sanhi raw ng pambubugbog ng aktor sa kanya.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, August 30, 2013
Alden Richards, walang originality?!
MAIPAGMAMALAKI TALAGA ng GMA-7 si Alden Richards, dahil bilang sumisikat ngayong artista ay puro positibo ang sinasabi ng mga tao sa kanya, lalo na ng mga kasamahan natin sa press, dahil napaka-simple at magalang ang guwapong actor kapag humaharap siya sa mga tao.
Ilang ulit na kaming nagte-text sa kanya na ipinapadaan namin sa kanyang kaibigan ang mga mensaheng gusto naming iparating at itanong, at talagang may panahon siya na sumagot. Naawa naman kami sa kanya, na kamakailan, nang magpadala kami ng text sa kanya ay kinabukasan na niya nasagot.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Aleng Maliit,
April Boy Regino,
Eat Bulaga,
GMA 7,
Jerome,
joey de leon,
john lloyd cruz,
Mundo Mo’y Akin,
Ryzza Mae Dizon,
The Ryzza Mae Show,
tito sotto,
Vampire ang Daddy Ko,
Vic Sotto
Friday, August 23, 2013
Marian Rivera at Dingdong Dantes, ayaw ipamalita ang pagtulong sa mga nasalanta
HANGGANG NGAYON, patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng baha dala ng bagyong Maring at ng Habagat.
Ang nakakatuwa, sama-sama ang mga taga-showbiz sa pagtulong. Ang daming nababalita, pero marami rin ang hindi natin alam. Lihim silang tumutulong na hindi na kailangang mag-invite ng media para i-cover.
Ilan sa mga naunang nagbigay ng tulong ay sina Angel Locsin, Jericho Rosales at magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ayaw lang nilang magpa-interview o ipabalita pa, pero wala silang magagawa kung nakukunan pa rin.
Nu’ng Martes pa lang, nanguna na ang magkasintahang Dingdong at Marian sa pamimigay ng pagkain sa mga nabahaan sa Roxas District. Kinabukasan naman, tumuloy si Marian sa tanggapan ng Yes Pinoy Foundation para tumulong naman sa repacking ng mga pagkain na ipamimigay pa nila. Namatayan pala ang pamilya ni Dingdong kaya si Marian muna ang tumulong doon sa mga taga-Yes Pinoy.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, August 13, 2013
Jolina Magdangal, maselan ang pagbubuntis
NAGING MASELAN ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis ni Jolina Magdangal. Dahilan para kailanganin muna niya ang complete bed rest. Pero lately, binigyan na siya ng clearance ng doctor na puwede na siyang lumabas ng bahay at bumalik din sa pagtatrabaho.
Hindi lang sa Sunday All Stars siya pinayagang bumalik kundi pati sa pagti-taping ng Mundo Mo’y Akin. At natutuwa raw si Jolina na nakahabol pa siya sa closing finale nito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, July 19, 2013
Solenn Heussaff, payag makipaglaplapan kay Carla Abellana
NAKARATING KAY Solenn Heussaff ang sinabi ni Carla Abellana na payag itong makipaghalikan sa kapwa babae, kung ang una ang makakaeksena niya sa serye or pelikula.
Kaya naman hindi na nagpatumpik pa si Solenn at kaagad na sinabi na payag din siyang makipaglaplapan kay Carla.
Katuwiran ng sexy actress, bukod sa magaling na actress daw si Carla at napakaganda pa nito kaya payag din siyang makipaghalikan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, July 15, 2013
Lovi Poe, makikipagbanggaan kay Susan Roces!
Friday, June 28, 2013
Alden Richards: ‘Kanya-kanya muna kami ni Julie Anne San Jose’
MARAMI ANG nakakapansin na parang nag-iiwasan ngayon sina Alden Richards at Julie Anne San Jose. Dati ay naging very close sila to the point na napapabalita ngang parang may nabubuo nang special friendship sa pagitan nila.
Ngayon, linggu-linggo man silang nagkikita sa Sunday All Stars (SAS), hindi sila nag-uusap. Ni hindi na sila nagti-text sa isa’t isa.
“Wala po muna. Trabaho muna po ang focus namin,” nangiting pahayag ni Alden nang matanong namin.
Baka naman kinausap sila ng management ng GMA na iwasan nila na ma-link sa isa’t isa?
“Hindi naman po. Siguro po muna, kanya-kanya muna po kaming dalawa.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, June 25, 2013
Julie Anne San Jose, pinagbawalang maging malapit kay Alden Richards?
MARAMI ANG naiintriga kung ano na raw ba ang nangyari at biglang-bigla ay nawala ang closeness nina Julie Anne San Jose at Alden Richards. There was ay time na napapabalitang nagkakamabutihan na nga sila dahil sa sobrang closeness nila sa isa’t isa.
Ngayon, sa Sunday All Stars (SAS), hindi na sila nagpapansinan kahit nagkakasalubong galing sa kani-kanilang dressing rooms. Hindi na rin sila nagti-text sa isa’t isa.
“A… wala po,” pag-iwas na reaksiyon ni Julie Anne nang matanong namin. “Okey naman po kami. Friends pa rin naman po kami.”
Pero lately, hindi na nga sila nagkakausap? “Siguro po, naging busy lang ako. Naging busy rin po siya.”
Nakapagtataka nga talaga na mula sa pagiging very close, nawala kahit communication sa pagitan nila. Ni hindi na sila nagti-text sa isa’t isa nga.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, June 2, 2013
Alden Richard, hanggang ligaw-tingin lang
MASAYA SI Alden Richards sa magandang feedback kaugnay ng kalu-launch pa lang niyang self-titled album. Pitong kanta ang nilalaman nito. Anim na revivals at isang original composition.
Gusto sana niya na may duet sila ni Julie Anne San Jose. Pero hindi nagkaroon ng chance na magkaroon ng collaboration.
“Kasi po, si Julie Anne ay sa GMA Records,” aniya. “Pero if given a chance… gusto kong maka-duet sana siya. Opo naman!
“Before pa lang po. Before I started the album, natanong ko siya. Sabi ko sa kanya, baka puwede na… if she’s willing to do a collaboration with me. Sabi naman niya… oo, sure. Tutulong pa raw siya sa paggawa no’ng song. Kaya lang po, hindi po nagkaintindihan ang Universal at GMA Records. That’s why… medyo hindi natuloy.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, April 26, 2013
Aljur Abrenica, nanganganib kay Alden Richards!
WALA NAMAN talagang kumukuwestiyon sa na-ging kasikatan ni Aljur Abrenica sa showbiz, lalo pa’t sumusugal naman talaga sa kanyang popularity ang kanyang home studio, ang GMA-7. Mabait na tao at mapakisama ang hunk actor. Ang tanging pinagtataasan lang ng kilay tungkol sa kanyang pagsikat ay kung bakit napakabal ng kanyang improvement tungkol sa pag-arte noon hanggang ngayon. Hindi pa rin kapani-paniwala ang kanyang pag-arte.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, March 31, 2013
Sunshine Dizon, ‘di na priority ang showbiz career!
HINDI RAW magdadalawang isip ang award-winning actress na si Sunshine Dizon na iwan muli nang pansamantala ang hilig sa pag-arte kapag naapektuhan na ang kanyang family life.
Tsika nga ni Sunshine na mas priority na niya ngayon ang kanyang pamilya at pangalawa na lang ang kanyang showbiz career, kaya naman daw handa niyang i-give up ang kanyang career alang-alang sa kanyang pamilya.
Very thankful ang magaling na aktres dahil sa kanyang pagbabalik-showbiz via Mundo Mo’y Akin ay binigyan siya ng GMA-7 ng cut-off sa pagtatrabaho para meron pa siyang oras sa kanyang pamilya.
Masaya nga ito dahil puro positibong feedbacks ang kanyang natatanggap sa kanyang role bilang Perlita. Bukod nga sa nasabing proyekto, may isa pang malaking proyektong gagawin si Sunshine sa Kapuso Network ngayong taon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)