MINSAN, NAKAKALOKAH ang ibang fans, ‘no? Hindi na
marunong tumingin ng constructive criticisms. Parang ang ine-expect na
lang lagi sa amin ay puro papuri sa kanilang mga iniidolo.
Ano ba ang tingin nila sa idolo nila? Diyos? Na hindi na magkakamali at hindi puwedeng sabihan o mag-suggest?
Nakakalokah ‘tong mga ganitong klaseng fans. Tapos, ‘pag nakita nila
naman ang idolo nila at hindi sila pinansin o binati, magtatampo at
magsusumbong sa mga reporter na inisnab sila at kung anu-ano pang
tse-tse buretse ang mga pinagsasasabi against their idols.
Ang nakakalokah pa, magba-blind item lang kami sa twitter ay meron na
agad silang sagot. Ang sagot nila sa blind item namin ay ‘yung idol
nila, tapos, ookrayin na kami nang kataku-takot. Pa’no naman sila
nakasisiguro na idol nila ang pinatutungkulan namin?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment