Showing posts with label OFW. Show all posts

Sunday, November 10, 2013
May Visa na sa Hong Kong
MEDYO INAALAT yata tayong mga Pinoy dahil sa sunud-sunod na dagok ng mga problema sa administrasyong Aquino. Ang multo ng madugong 2010 Manila hostage killing sa Luneta na kung saan maraming mga Hong Kong Chinese national ang namatay ay patuloy na nagbibigay sa atin ng takot at pangamba.
Sa botong 41-3, pinaboran ng mga mambabatas ng Hong Kong ang pagbawi sa “visa-free” access ng mga Pinoy na gustong pumunta ng Hong Kong. Ang pagbawi ng pribilehiyong ito ay bunga ng pagpapataw ng sanctions o parusa sa Pilipinas ng gobyerno ng Hong Kong.
Kasama rin sa mga sanction na ito ang pag-withdraw sa panukalang batas na nagtatanggal sana ng restrictions para sa mga Filipino domestic helper sa Hong Kong.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, September 2, 2013
Problema sa Naglolokong Asawa
Dear Atty. Acosta,
AKO PO ay isang OFW. Ang problema ko po ay tungkol sa asawa ko na nagloko dahil nagkaroon siya ng kalaguyong ibang lalaki. Noong una pinatawad ko siya kasi nag-promise siya sa akin na hindi na siya uulit. Pero inulit pa rin niya. Noong last April 2007, gumawa na naman siya ng kalokohan. Nagkaroon siya ng kabit malapit sa amin kaya pinalayas ko na siya dala lahat ng kanyang mga gamit. Ang apat naming anak ay naiwan sa akin. Gusto ko po sanang magpa-annul dahil may anak na siya ngayon. Kaso sabi nila mahal daw iyon. Ano po ba ang dapat kong gawin? P’wede po ba akong mag-asawang muli?

Sunday, August 11, 2013
S.O.S. Para sa 19 na OFW sa Saudi
ISANG PANGKAT ng mga OFW sa Al-Jouf
province ang naging biktima ng pagmaltrato, abusong pisikal at
pananakot ng kanilang employer ang nananawagan sa Philippine Embassy na
sila ay tulungan. Kabilang sila sa mga walang iqama at nagtungo sila sa
Riyadh upang mag-apply ng amnesty. Sa kabutihang palad, sila naman ay
nanalo sa local labor court. Ngunit hindi doon nagwakas ang kanilang
kalbaryo.
Ang kanilang sponsor ay nag-apela pa sa Riyadh Appeal Court at may nakatakdang hearing sa Disyembre. Ngunit ayon sa kanilang lider na si Norberto Mariposque, ang kanilang grupo ay hindi na kayang maghintay. Ayon sa kanila, sila ay nagpunta sa Riyadh sapagkat iyon ang sabi ng Philippine mission sa kanila. Ngunit pagdating nila doon ay walang umasikaso sa kanila.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Ang kanilang sponsor ay nag-apela pa sa Riyadh Appeal Court at may nakatakdang hearing sa Disyembre. Ngunit ayon sa kanilang lider na si Norberto Mariposque, ang kanilang grupo ay hindi na kayang maghintay. Ayon sa kanila, sila ay nagpunta sa Riyadh sapagkat iyon ang sabi ng Philippine mission sa kanila. Ngunit pagdating nila doon ay walang umasikaso sa kanila.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, August 4, 2013
Whitewash sa Sex-For-Flight?
KAMAKAILA’Y NAG-ALBUROTO si Cong. Walden Bello hinggil
sa naging resulta ng imbestigasyong isinagawa ng DFA at DOLE hinggil sa
“sex-for-flight” scandal na kinasangkutan ng maraming opisyales ng DOLE,
DFA at OWWA sa foreign post. Diumano, hindi makatarungan na gawaran
lang ng parusang pagtatanggal sa puwesto ang nasabing mga POLO, welfare
officer at iba pang sangkot sa iskandalo at pang-aabuso sa mga babaeng
OFW. Hindi lang iyon, kapansin-pansin ang napakatagal na proseso ng
imbestigasyon kaya posibleng umatras na rin ang ilang nagrereklamo dahil
sa pagkainip. Madalas mangyari ito sa mga kasong kinasasangkutan ng mga
opisyales ng gobyerno.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, July 28, 2013
Nasa SONA Sana
MARAMING MAHAHALAGANG nasaklaw ang nagdaang SONA ni
Pangulong P-Noy. Ngunit kapansin-kapansin na walang nabanggit tungkol sa
mga OFW. Narito sana ang mga bagay na pakikinabangan ng mga OFW na
dapat ay naisama sa kanyang SONA:
1. Ang reporma sa ating mga embahada, konsulada, POLO at welfare center. Panahon na marahil upang dagdagan natin ang mga tao natin sa mga tanggapan natin sa abroad. Sa ngayon, masyadong malaki ang agwat ng bilang ng mga Pinoy kaysa mga opisyales natin doon. Sa simula ay maaari nating i-reinforce ang mga opisina natin lalo na sa Gitnang Silangan na maraming kaso ng pang-aabuso. Marahil, maaari nating ilipat ang ilang tauhan ng DFA na nasa mga mauunlad na bansa tulad ng Amerika at Europa na ‘di naman gaanong nagkakaproblema ang mga OFW ‘di tulad sa Middle East.

Labels:
Amerika,
Ayuda sa OFW,
Balita,
Europa,
Middle East,
OFW,
Ome Candazo,
Opinon,
Pangulong P-Noy,
POLO,
SONA
Sunday, July 21, 2013
Problema sa Ban
PAANO PO
iyan? Banned ang deployment ng OFW sa bansang pinagtatrabahuhan ng asawa ko sa Africa. Pero ang asawa ko po ay nagtatrabaho sa Shell, isang malaking kumpanya na maayos ang pasuweldo at pagtrato sa mga manggagawa. Paano na trabaho ng asawa ko roon? — Girlie ng Tanauan City
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
iyan? Banned ang deployment ng OFW sa bansang pinagtatrabahuhan ng asawa ko sa Africa. Pero ang asawa ko po ay nagtatrabaho sa Shell, isang malaking kumpanya na maayos ang pasuweldo at pagtrato sa mga manggagawa. Paano na trabaho ng asawa ko roon? — Girlie ng Tanauan City
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Ayuda sa OFW,
Balita,
DFA,
Gitnang Silangan,
OFW,
Ome Candazo,
Opinon
Sunday, July 14, 2013
Human Trafficking — Nahigitan na ang Droga
KAMAKAILAN AY nag-baba ng alarma si dating Chief
Justice Reynato Puno na dapat nang aksyunan ang problema sa human
trafficking bago mahuli ang lahat. Partikular na itinuro ni Puno ang mga
kabataan nating babae na pangkaraniwang target ng mga nagbebenta ng
laman at nagsasamantala sa ating mga kababayan.
Ang opinyon ni Puno ay sinang-ayunan ng International Justice Mission, ng State Department ng Amerika at ng UNICEF.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Ang opinyon ni Puno ay sinang-ayunan ng International Justice Mission, ng State Department ng Amerika at ng UNICEF.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, July 9, 2013
Mga Scalawag na Pulis sa Culiat!
Labels:
Camp Tomas J,
CIDG-SAID,
Culiat,
HPG,
Lingayen,
LTO,
Muntinlupa,
OFW,
Olongapo,
OWWA Tuguegarao,
Pampanga,
Pangasinan,
Raffy Tulfo,
Saudi Arabia,
Shooting Range,
Sto Domingo,
University Tower
Monday, July 8, 2013
Pang-aabuso sa OFW—Gawing Karumal-Dumal na Krimen!
SA ILALIM ng ating batas, may mga inihanay na krimen
na itinuturing na karuma-dumal o heinous crimes. Noong mayroon pang
parusang kamatayan sa Pilipinas, ang mga ito ay pinaparusahan ng death
penalty. Ngayong suspendido ang death penalty, ang maximum na parusa sa
mga ito ay pagkabilanggong panghabambuhay.
Kabilang sa mga ito ay ang mga karumal-dumal na pagpatay, malawakang pananabotahe sa ekonomiya, panggagahasa at iba pa.
Kamakailan ay nagsulputan ang mga isyu tungkol sa pang-aabusong sekswal sa ating mga OFW sa ibang bansa. Ngunit ang mas masakit, ang mga krimeng ito ay isinasagawa ng mga employer (na matagal nang ginagawa sa ating mga OFW) kundi kagagawan ng mga opisyales mismo ng mga opisyales sa ating mga embahada at konsulada.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Kabilang sa mga ito ay ang mga karumal-dumal na pagpatay, malawakang pananabotahe sa ekonomiya, panggagahasa at iba pa.
Kamakailan ay nagsulputan ang mga isyu tungkol sa pang-aabusong sekswal sa ating mga OFW sa ibang bansa. Ngunit ang mas masakit, ang mga krimeng ito ay isinasagawa ng mga employer (na matagal nang ginagawa sa ating mga OFW) kundi kagagawan ng mga opisyales mismo ng mga opisyales sa ating mga embahada at konsulada.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Ayuda sa OFW,
Balita,
OFW,
Ome Candazo,
Opinon,
Pilipinas
Sunday, June 30, 2013
Ano ang Ginagawa ng Ambassador?
HANGGANG NGAYO’Y nakababad pa sa mga balita ang
tungkol sa sex-for-fly na raket ng mga tauhan ng DOLE sa abroad.
Partikular na pinupuruhan ang mga labor attache (ngayo’y tinatawag na
POLO) at welfare officer na nangmomolestiya ng mga babaeng OFW sa
Gitnang Silangan. May napupuna lang ako sa mga pahayag ng DFA at DOLE
tungkol sa nasabing isyu.
Una, sinasabi nilang ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap sila ng ganitong mga ulat tungkol sa “sex-for-fly” scheme ng mga labor official. Mali ito, matagal na itong nangyayari sa abroad at kahit mismo ako ay may mga naisulat nang kolum tungkol dito noon pa man.
Pangalawa, bakit mga labor official lang ang iniimbestigahan gayong may mga sangkot ding tauhan ng DFA sa nasabing mga kabalbalan?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Una, sinasabi nilang ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap sila ng ganitong mga ulat tungkol sa “sex-for-fly” scheme ng mga labor official. Mali ito, matagal na itong nangyayari sa abroad at kahit mismo ako ay may mga naisulat nang kolum tungkol dito noon pa man.
Pangalawa, bakit mga labor official lang ang iniimbestigahan gayong may mga sangkot ding tauhan ng DFA sa nasabing mga kabalbalan?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Ayuda sa OFW,
Balita,
cocktails,
DOLE,
Gitnang Silangan,
golf,
OFW,
Ome Candazo,
Opinon,
party,
POLO
Sunday, June 23, 2013
Bantay Salakay! Dati nang Style ng mga Labor Officer
NOONG 1995, nag-deliver ako ng privilege speech sa
Kongreso tungkol sa mga kabalbalang ginagawa ng mga labor at welfare
officer natin sa ibang bansa. Ngayong 2013, labingwalong taon na ang
nakararaan mula nang italumpati ko ang tungkol sa isyu, muli na namang
sumulpot ang usapin. At animo nabigla pa ang mga taga-DFA at DOLE na may
mga ganito palang nangyayari sa mga embahada, konsulada at welfare
centers natin sa ibang bansa.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Antonio,
Ayuda sa OFW,
Balita,
DFA,
DOLE,
Mario Antonio,
OFW,
Ome Candazo,
Opinon,
OWWA,
Pilipinas,
Tokyo
Sunday, June 16, 2013
Ang Visa at Pang-Aabuso sa OFW
ANG MISTERYOSONG pagkamatay ni Alona Bagayan, isang
OFW, sa United Arab Emirates ay dapat gumising sa ating mga awtoridad
tungkol sa pag-iisyu ng entry visa lalo na sa mga kababaihan nating nais
magtrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa Bureau of Immigration, ang naisyu kay Alona ay “entry visa” lamang. Sana ay linawin ng bureau kung anong klaseng entry visa ito. Ito ba’y para magtrabaho, magturista, atbp?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Ayon sa Bureau of Immigration, ang naisyu kay Alona ay “entry visa” lamang. Sana ay linawin ng bureau kung anong klaseng entry visa ito. Ito ba’y para magtrabaho, magturista, atbp?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, June 9, 2013
Mga Barbaro Pa Rin!
NASASABING MGA si-bilisado ang Tsino sa Taiwan at Hong Kong. ‘Di pala totoo. Balik pa rin sila sa ugali nilang barbaro!
Kamakaila’y pinagbabato ng mga taga-HK ang mga atleta nating nanalo laban sa kanila. ‘Di lang iyon. Pinagmumura pa nila tayo at nag-display ng mga plakard na minamaliit ang lahing Pilipino. Muli nilang binuhay ang racism na halos patay na sa daigdig.
Kasunod ito ng pagmamaltrato ng mga Taiwanese sa ating mga OFW sa Taiwan kasunod ng isyu tungkol sa pagkapatay sa mangingisdang Taiwanese na iligal na nangingisda sa mga karagatan natin.

Sunday, June 2, 2013
Autopsy—Dapat Automatic Na?
KAPATID KO pa ‘yung napa-dyaryo last year na diumano ay
nag-suicide sa Middle East. Ilang buwan din po naming hinintay rito ang
bangkay niya. Habang kami’y naghihintay, ibinalita sa amin ng mga
kasamahan niya roon na pinatay siya at ‘di nag-suicide. Kaya nang
dumating ang bangkay rito ay agad naming pinaeksamen ito sa doktor. Pero
sabi ng doktor, hindi na matitiyak ang dahilan ng kamatayan niya dahil
inalis na lahat ang mga internal organs ng kapatid ko. Masyado naman
yata ang ginagawa nila sa mga kababayan nating namamatay roon. – Donna ng Kalookan City
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Autopsy,
Ayuda sa OFW,
Balita,
Donna,
Kalookan City,
Middle East,
OFW,
Ome Candazo,
Opinon,
Pilipinas,
POLO
Sunday, May 19, 2013
Taiwan – Pumoporma Lang?
MINSANG NAPASYAL ako sa Taiwan para mag-obserba sa
kanilang parliyamento, natiyempo naman na nagkagulo at nagsuntukan ang
mga miyembro nila ng parliyamento (katumbas ng congressman dito). Nang
humupa ang gulo, naibulong sa akin ng Taiwanese guide ko na huwag ko
pansinin ang mga ‘yun. Arte lang daw iyon at gimik ng mga mambabatas
para makilala sa media.
‘Di kaya ganito lang ang ginagawa ng mga pulitikong Taiwanese? Mukhang wala na silang masamantalang okasyon para magpasiklab sa kanilang mga kababayan at sumikat sa media. Kaya ‘eto, pilit na pinipikon ang mga Pinoy at pamahalaan natin. Isip nila, baka sila ang ituring na mga bayani ng kanilang mga kababayan at ma-kilala bilang mga makabayang lider.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
‘Di kaya ganito lang ang ginagawa ng mga pulitikong Taiwanese? Mukhang wala na silang masamantalang okasyon para magpasiklab sa kanilang mga kababayan at sumikat sa media. Kaya ‘eto, pilit na pinipikon ang mga Pinoy at pamahalaan natin. Isip nila, baka sila ang ituring na mga bayani ng kanilang mga kababayan at ma-kilala bilang mga makabayang lider.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Ayuda sa OFW,
Balita,
OFW,
Ome Candazo,
Opinon,
Taiwan
Friday, May 17, 2013
Postura Laban sa Taiwan
PATULOY ANG natatanggap nating masasamang balita
tungkol sa pagmaltrato ng mga Taiwanese employer sa mga OFW sa Taiwan.
Pagganti nila ito sa pagkapatay ng Philippine Coast Guard sa isang
mangingisdang Taiwanese. Sa kasalukuya’y isinasagawa ng pamahalaang
Pinoy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Liban pa rito, humingi na ng dispensa ang pamahalaang Pilipino sa pamahalaang Taiwanese. Ngunit lumalabas na ayaw tanggapin ng Taiwan ang ating pagso-sorry. Sa halip, hinigpitan nito ang deployment ng mga Pinoy sa Taiwan at minamaltrato ng ilang Taiwanese ang mga Pinoy na nagtatrabaho o nagnenegosyo roon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Liban pa rito, humingi na ng dispensa ang pamahalaang Pilipino sa pamahalaang Taiwanese. Ngunit lumalabas na ayaw tanggapin ng Taiwan ang ating pagso-sorry. Sa halip, hinigpitan nito ang deployment ng mga Pinoy sa Taiwan at minamaltrato ng ilang Taiwanese ang mga Pinoy na nagtatrabaho o nagnenegosyo roon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, May 12, 2013
Kontrata ng Seaman
KAMAKAILAN AY nag-apply ako sa isang
manning agency para sumampa ng barko bilang seaman. Kumpleto na ang
lahat ng requirement ko pati ang medical at lahat ng clearance. Pero
nang basahin ko ang kontrata, ako ay nagulat dahil hindi kasama rito ang
overtime, leave pay at iba pang bonus. Gayundin, walang probisyon para
sa backwages, separation pay o reinstatement kung sakaling umalis ako sa
trabaho.
Matagal-tagal na rin akong unionista rito sa Pilipinas sa mga pabrika na aking pinagtrabahuhan. At alam ko na palaging nasa kontrata namin ang ganitong mga benepisyo. Pangkaraniwang inilalagay namin ang mga ito sa CBA o collective bargaining agreement.
Itutuloy ko pa ba ang application ko? Hindi ba ako agrabyado sa kontratang lalagdaan ko? —
Melvin ng Tanza, Cavite.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Matagal-tagal na rin akong unionista rito sa Pilipinas sa mga pabrika na aking pinagtrabahuhan. At alam ko na palaging nasa kontrata namin ang ganitong mga benepisyo. Pangkaraniwang inilalagay namin ang mga ito sa CBA o collective bargaining agreement.
Itutuloy ko pa ba ang application ko? Hindi ba ako agrabyado sa kontratang lalagdaan ko? —
Melvin ng Tanza, Cavite.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, May 5, 2013
Kailangan ni Alcala ng Albularyo!
ANO KAYANG klaseng maligno ang sumasanib kay
Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala at parang paborito
niyang pagdiskitahan ang mga magsasaka?
Kamakailan, inanunsyo ni Alcala ang plano ng ating gobyerno na mag-import ng 187,000 metric tons na bigas para sa second quarter ng taong ito. Alam naman ni Alcala na marami nang magsasaka ang umiiyak sa labis na pagkakalugi dahil hindi nila kayang sabayan ang napakamurang presyo ng imported rice na kumakalat ngayon sa merkado.
Huwag nang dagdagan ni Alcala ang matinding sama ng loob na nararamdaman ngayon ng mga rice farmer. Sa halip, dapat mag-isip siya ng mga paraan para matulu-ngan sila. At pangunahin dito ay ang bigyan sila ng sapat na suporta mula sa gobyerno para makapagtanim nang maayos at maging masagana ang kanilang ani.

Thursday, April 25, 2013
Biyaya Mula Sa Abroad — ‘Di Panghabang-Panahon
MARAMING KABABAYAN natin ang kinakabahan at
nag-aalala tungkol sa mga pinakahuling kaganapan sa Gitnang Silangan.
Isa na rito ang crackdown o pagpapa-deport sa mga illegal o undocumented
workers sa Saudi Arabia. Nagsimula na ito at libu-libong mga OFW na ang
apektado. Sa mga darating na buwan, inaasahang ilampung libo pa ang
tatamaan ang paghihigpit ng Saudi sa mga dayuhang contract workers.
Hindi na rin puwedeng makasabwat ng mga illegal na OFW ang mga employer. Kamakailan lang ay nagbaba ng patakaran ang pamahalaang Saudi na mananagot ang mga employer at ahensya sa gastusin sa pagpapa-deport sa mga illegal. Ang sinumang lalabag ay papatawan ng mabigat na parusa. Sa gayon, wala nang kakampi ang mga OFW kundi ang pamahalaang Pilipino. Napapanahon, kung gayon, na paghandaan ito ng POEA, OWWA, DFA at iba pang ahensya ng pamahalaan para masalo ang mga OFW na tatamaan ng kahigpitan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Hindi na rin puwedeng makasabwat ng mga illegal na OFW ang mga employer. Kamakailan lang ay nagbaba ng patakaran ang pamahalaang Saudi na mananagot ang mga employer at ahensya sa gastusin sa pagpapa-deport sa mga illegal. Ang sinumang lalabag ay papatawan ng mabigat na parusa. Sa gayon, wala nang kakampi ang mga OFW kundi ang pamahalaang Pilipino. Napapanahon, kung gayon, na paghandaan ito ng POEA, OWWA, DFA at iba pang ahensya ng pamahalaan para masalo ang mga OFW na tatamaan ng kahigpitan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Ayuda sa OFW,
Bahrain,
Balita,
DFA,
Egypt,
OFW,
Ome Candazo,
Opinon,
OWWA,
POEA,
Syria,
Yemen
Sunday, April 14, 2013
Piliin Ang Dapat Tulungang OFW
LIBU-LIBONG MGA OFW
ang nahaharap sa iba’t ibang kaso sa abroad. Marami-rami sa kanila ang
naaresto at nakabilanggo. Merong mga nasa death row at naghihintay na
lang ng takdang araw ng pagbitay sa kanila.
Dahil dito, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng hakbang para sila matulungan. Gumugugol ang gobyerno at pribadong sektor ng milyun-milyong piso para maikuha sila ng mga abogado, mabayaran ang blood money at maibigay sa kanila ang lahat ng legal assistance. Ngunit may hangganan ang kayang gawin ng pamahalaan at pribadong sektor. ‘Di ganoon kalaki ang pondo natin para matugunan lahat ang problemang legal ng ating mga kababayang OFW. Kung kaya’t mahalagang magtakda ng priority o mga pamantayan ang pamahalaan kung sinu-sino ang dapat unahing tulungan. Mahalaga ring tukuyin natin kung sino ang hindi dapat tulungan.

Africa,
Ayuda sa OFW,
Balita,
death row,
OFW,
Ome Candazo,
Opinon,
Pinay
Subscribe to:
Posts (Atom)