ANO KAYANG klaseng maligno ang sumasanib kay
Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala at parang paborito
niyang pagdiskitahan ang mga magsasaka?
Kamakailan, inanunsyo ni Alcala ang plano ng ating gobyerno na
mag-import ng 187,000 metric tons na bigas para sa second quarter ng
taong ito. Alam naman ni Alcala na marami nang magsasaka ang umiiyak sa
labis na pagkakalugi dahil hindi nila kayang sabayan ang napakamurang
presyo ng imported rice na kumakalat ngayon sa merkado.
Huwag nang dagdagan ni Alcala ang matinding sama ng loob na
nararamdaman ngayon ng mga rice farmer. Sa halip, dapat mag-isip siya ng
mga paraan para matulu-ngan sila. At pangunahin dito ay ang bigyan sila
ng sapat na suporta mula sa gobyerno para makapagtanim nang maayos at
maging masagana ang kanilang ani.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment