Dear Atty. Acosta,
MAGANDANG ARAW po, Chief Acosta. Ako po
ay wife ng isang seaman, ang problema ko po ay ang pakikialam ng aking
biyenan sa aming mag-asawa ngunit hindi po siya nagtagumpay.
Ang pinakamasakit na ginawa niya sa akin ay ang sirain niya ang
pagkatao ko at ang aking bunsong anak. Pinaghihinalaan niyang nanlalaki
ako. Malinis po ang konsensiya ko at alam ko kung sino ang ama ng anak
ko at hinamon ko po silang ipa-DNA test ang anak kong bunso at kung
gusto pa nila isama na rin yung 2 kong anak. Ayaw naman nilang gawin.
Kung gusto ko raw, sabi ng asawa ko, ako na raw ang gumastos para sa DNA
test.
Ilang buwan ko pong dinala ang problemang ito. Hindi po ako
makatulog, gusto ko pong sampahan ng kaso ang aking biyenan na babae.
Kung kakasuhan ko po ba siya habang buhay po ba siyang makukulong? Ano
po ba ang gagawin ko para malinis ang pangalan naming mag-ina?
Nagka-barangayan na po kami kasi hindi rin po matanggap ng aking
family ang ginawa niya sa amin. Hindi rin naman po naniniwala sa kanya
ang mga tao sa paligid namin dahil mas kilala nila ang family ko. Ang
nasabi nga nila ay pera lang daw ang dahilan kaya niya nagawang sirain
ako. May pagka-mama’s boy rin po kasi ang husband ko.
Sa ngayon po ay nagsasama pa rin kami bilang mag-asawa. Pero po
nararamdaman kong masyado siyang na-brainwash ng mama niya. Natanong ko
nga sa kanya kung wala ba siyang nararamdamang lukso ng dugo sa bunso
namin. Minsan po naipasyal ng katulong ko ang mga anak ko sa biyenan ko
dahil ‘yun ang gusto ng ama nila na dalawin ang lola nila habang siya ay
nasa ibang bansa. Napansin ng katulong ko na iba ang trato niya sa
bunso ko, kaysa sa 2 niyang apo at nakapagtataka na may picture ‘yung
dalawa roon pero walang picture ang bunso.
Please po, Chief, tulungan ninyo ako para malinis naming mag-ina ang dungis na ginawa sa amin ng biyenan ko.
Teresa
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment