MARAMING KABABAYAN natin ang kinakabahan at
nag-aalala tungkol sa mga pinakahuling kaganapan sa Gitnang Silangan.
Isa na rito ang crackdown o pagpapa-deport sa mga illegal o undocumented
workers sa Saudi Arabia. Nagsimula na ito at libu-libong mga OFW na ang
apektado. Sa mga darating na buwan, inaasahang ilampung libo pa ang
tatamaan ang paghihigpit ng Saudi sa mga dayuhang contract workers.
Hindi na rin puwedeng makasabwat ng mga illegal na OFW ang mga
employer. Kamakailan lang ay nagbaba ng patakaran ang pamahalaang Saudi
na mananagot ang mga employer at ahensya sa gastusin sa pagpapa-deport
sa mga illegal. Ang sinumang lalabag ay papatawan ng mabigat na parusa.
Sa gayon, wala nang kakampi ang mga OFW kundi ang pamahalaang Pilipino.
Napapanahon, kung gayon, na paghandaan ito ng POEA, OWWA, DFA at iba
pang ahensya ng pamahalaan para masalo ang mga OFW na tatamaan ng
kahigpitan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment