Showing posts with label Raymond Tay. Show all posts
Showing posts with label Raymond Tay. Show all posts
Sunday, January 12, 2014
Tuesday, January 7, 2014
Tuesday, December 17, 2013
Sunday, December 1, 2013
Aga Muhlach, ‘di raw kayang mambabae
VERY HONEST na sinabi ng mahusay na host ng Let’s Ask Pilipinas sa TV5 na si Aga Muhlach na aminado siya na nakikipaglandian siya sa mga magaganda at seksing babae na nagiging contestants ng kanyang show, pero ginagawa lang niya ‘yun para maging masaya at may kilig sa mga nanonood ng Let’s Ask Pilipinas.
Pero in real life daw, hindi niya magagawang magloko, dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawang si Charlene Gonzales. Bakit pa raw siya magloloko samantalang bukod sa maganda at maasikaso ay sobrang bait at understanding ng kanyang asawa.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, November 26, 2013
Arjo Atayde, naluha sa kanyang best supporting actor trophy sa Star Awards
MARAMING NAGING emosyonal habang pinapanood ang mahusay na batang actor na si Arjo Atayde habang ibinibigay nito ang kanyang ‘thank you’ speech ng isa siya sa tinanghal na Best Supporting Actor para sa kanyang mahusay na pagganap sa Dugong Buhay sa katatapos na Star Awards for Television 2013. Ka-tie ni Arjo ang equally-good actor na si Arron Villaflor na nanalo naman sa mahusay niyang pagganap sa Juan Dela Cruz.
Inialay ni Arjo ang kanyang pagwawagi sa lahat ng taong tumutulong sa kanya mula sa ABS-CBN, big bosses ng Kapamilya Network, staff ng kanyang mga naging show hanggang sa kanyang mga tagahanga at lalung-lalo na sa kanyang pamilya, sa kanyang very supportive mom (Sylvia Sanchez) at lola.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, October 6, 2013
Ayaw kasing pakasalan Sheree, hiniwalayan si Gian Magdangal
TULUYAN NA ngang winakasan ni ex-Viva Hotbabe Sheree ang kanyang pakikipag-live-in sa Kapuso singer na si Gian Magdangal nang anim na taon na nagbunga ng isang supling dahil na rin sa ayaw itong pakasalan ng guwapong mang-aawit.
Tsika nga ni Sheree ng mag-guest sa Birthday Celebration ni Kuya Germs sa Walang Tulugan With The Master Showman, nangangarap din naman daw siyang makapagsuot ng wedding gown at lumakad patungo sa altar kasama ng kanyang lalaking mapapangasawa at makasasama hanggang sa kanyang pagtanda.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, September 4, 2013
Sa problema nila ni Sunshine Cruz Cesar Montano, nalulungkot para sa mga apektadong anak
MAS NAKATUON na lang daw at mas binibigyang-atensiyon ni Cesar Montano ang kanyang trabaho, kaysa pag-usapan pa ang gusot na namamagitan sa kanya at sa kanyang asawang si Sunshine Cruz. Deadma na lang daw ito sa patuloy na bumabatikos sa kanya.
Pakiusap nga nito sa mga taong patuloy na nanghihimasok sa problemang kinakaharap nilang mag-asawa dahil masyado na raw siyang nasasaktan ‘di para sa kanyang sarili kung hindi sa kanyang mga anak na babae na alam niyang naapektuhan na sa mga tsismis na lumalabas sa kanilang dalawa ni Sunshine.
Alam daw ni Cesar na nasasaktan na ang kanyang mga anak sa nangyayari sa kanilang mag-asawa at ito raw ang labis na ikinalulungkot ng mahusay na actor/singer/host/director.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, July 15, 2013
Hiro Peralta, ultimate crush si Marian Rivera
HINDI MALABONG mabansagang playboy ang tween star at isa sa leadingmen sa Anna Karenina na si Hiro Peralta sa dami ng crush nito sa showbiz mula sa kanyang co-stars sa nasabing soap na si Krystal Reyes hanggang sa Kapuso leading ladies na sina Heart Evangelista at Marian Rivera.
“Hindi naman po siguro masasabing playboy ‘yun, kasi crush naman. Hindi ko naman sinabing liligawan ko sila, may mga katangian lang na hinahangaan ko sila.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, June 30, 2013
Ritz Azul, type maging dyowa kahit sino kina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga
IF EVER daw na magkakaroon ng showbiz boyfriend ang star ng Misibis Bay na si Ritz Azul, dalawa lang daw ang pinagpipilian nito, at ito ay sina Daniel Matsunaga at Derek Ramsay dahil ang mga ito lang daw ang qualified na papasa sa kanyang panlasa.
Tsika nga nito, “Libre naman ang mangarap, ‘di ba? Hahahaha!” malakas na tawa ni Ritz.
“Sa totoo lang, I can’t choose between Daniel and Derek. Pareho silang qualified physically. Pareho rin silang mababait. At mga gentlemen sila. Kaya ang hirap para sa akin ang mamili. Siguro makapipili lang ako kung may isang manligaw sa akin, hahahaha! Doon ko lang masa¬sabi kung sino ang puwede kong maging first boyfriend ever!” patuloy na pagtawa niya.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Mark Baracael,
Miggy San Pablo,
Misibis Bay,
Raymond Tay,
Rhem Enjavi,
Ritz Azul,
Ron Galang,
sam milby,
Sarah Geronimo,
Sir Albert Que,
Unisilver Timebassadors,
UPGRADE,
William Ong Co
Tuesday, June 25, 2013
Shalala, ‘di makapaniwalang magkakaroon ng solo movie
HINDI RAW maipaliwanag ni Shalala ang kanyang nararamdaman dahil at last ay natuloy na rin ang pelikulang kanyang pagbibidahan under the helm of award-winning director Joven Tan na mula rin sa produksiyon nito, ang Echoserang Frog.
Tsika pa ni Shalala, “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Katulad bukas, second day shooting namin, parang iba ang timpla ng pakiramdam ko, parang ‘di ko maihakbang ang mga paa ko.
“Nakaka-tense, isip ako nang isip kung totoo na ba ito? Kasi dati, pinaplano pa lang, kumbaga usap-usapan pa lang na magkaka-movie ako, pero ‘eto ngayon, ‘eto na! Nakakaloka!
“Hindi nga ako makatulog sa sobrang excitement dahil ni minsan hindi ko pinangarap na magkaroon ng solo movie. ‘Yung sa akin, kahit kasama lang ako sa pelikula, masaya na ako du’n.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, May 24, 2013
No show rin sa birthday ng Superstar German Moreno, gumanti kay Nora Aunor
USAP-USAPAN ANG hindi pagdalo ng nag-iisang Master Showman si German Moreno sa birthday celebration ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na ginanap sa Meralco Theater na hatid ng TV5. May mga kapatid sa panulat ang naglitanya ng, “Naku wala si Kuya Germs sa birthday celebration ni Ate Guy! Baka gumanti, kasi hindi dumalo si Ate Guy sa 50th Anniversary nito.”
Kaya naman nang tanungin kami ng iba pang kapatid sa panulat kung bakit nga wala si Kuya Germs sa mahalagang araw ng ating Superstar, sinabi namin na nasa Amerika pa si Kuya Germs kasama ang kanyang alagang si Jake Vargas, kung saan nag-taping ng ilang episodes ng Pepito Manaloto.
Dagdag pa namin na knowing Kuya Germs, everytime na may special event si Ate Guy, hindi maaaring hindi ito dadalo. Dahil ganu’n ito ka-close at ganu’n nito kamahal ang Superstar. Nagkataon lang talaga na nasa Amerika ito nang ganapin ang birthday celebration ni Ate Guy, kaya naman hindi ito nakadalo.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Thursday, May 9, 2013
Jennica Garcia, nagpi-primadonna sa set ng kanyang soap?!
HOW TRUE ang nasungkit naming balita na nagpi-primadonna na raw sa set ng kanilang show ang starlet na si Jennica Garcia? May insidente nga raw na sobrang arte nito at ayaw na may kasama sa dressing room at ang gusto ay mag-isa lamang siya.
Especially kapag hindi niya kilala ang artistang nasa dressing room na nauna sa kanya ay tiyak na hindi raw ito makiki-share at magpapahanap ng ibang room na siya lang mag-isa o kasama ang mga artistang kilala nito o kaibigan niya.
At kapag hindi raw napagbigyan ang gusto nito, sisimangot na lang ito at apektado ang trabaho nito. May insidente pa nga raw na kapag may kausap ito sa telepono, kahit ilang beses na raw itong tinatawag para sa kanyang eksena ay nagtetengang-kawali lang daw ito at parang walang narinig at diretso sa pakikipag-usap sa telepono at pupunta lang sa set ‘pag tapos na ang pakikapag-usap niya, at ni sorry ay walang matatanggap ang staff sa ginawa nitong pagpapahintay.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, May 3, 2013
Loven Canon, bagong babae ni Cesar Montano?!
MARAMI ANG nakakakita na palaging magkasama ang mahusay na actor na si Cesar Montano at ang sinasabing bagong love interest nito na si Loven Canon , simula raw nang magkakilala ang dalawa ay hindi na nagkahiwalay ang mga ito sa lakaran.
Balita pang lagi ring napagkikita si Loven sa Bellisimo na pag-aari ni Cesar, kung saan may mga pagkakataon pa nga raw na kinakantahan ni Cesar si Loven ng ‘Bakit Ngayon Ka Lang’, bukod pa sa mga regalo ni Cesar sa dalaga like libro. At minsan na ring ipininta ni Cesar ang mukha ni Loven at ibinigay ito sa napakaputing host/actress.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)