Sunday, April 28, 2013

“Garlic Mafia” sa BPI?

MAHIGIT DALAWANG buwan na ang nakararaan – February 4, 2013, tinalakay ko sa espasyong ito ang hinggil sa talamak na smuggling ng bawang sa bansa. Sa nasabing artikulo na may pamagat na “The Untouchables”, binanggit ko ang tungkol sa pagbibigay ng monopolya sa pag-iisyu ng import permit (IP) ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa ilang kumpanya na pagmamay-ari ng iisang tao. Ito ay ayon na rin sa impormasyon na aking nakalap noon mula sa isang mapagkakatiwalaang source sa loob ng BPI.
At nitong mga nagdaang araw lamang, pumutok sa media ang hinggil sa lumalalang garlic smuggling sa bansa.  Nakadaragdag pa rito ang pagkalat umano ng mga imported garlic sa merkado na nabigyan ng IP ng BPI.
Pero ayon sa BPI, hininto na nila ang pagbibigay ng IP para sa mga bawang noong nakaraang taon pa. Ngunit ayon sa aking source sa BPI, noong August ng nakaraang taon ang huling release ng mga IP na ibinigay nila sa mga kumpanya na pag-aari umano ni Leah Cruz, presidente ng Vegetable Importers, Exporters and Vendors Association of the Philippines (VIEVA).
Buwan ng Oktubre nag-expire ang nasabing mga IP pero pagkatapos ng expiration ng mga ito, tinatatakan umano ito ng “extended”.
Ayon naman sa aking source sa Bureau of Customs, linggo-linggo, 26 na containers ng mga imported na bawang ang patuloy pa ring pumapasok sa bansa gamit ang mga “extended” na IP.
At noong nakaraang Biyernes, April 26, sumulat na ang tanggapan ni BoC Deputy Commissioner for Intelligence Group Danny Lim sa BPI para kumuha ng confirmation ukol sa pagiging lehitimo ng mga “extended” IP.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment