Showing posts with label Kapuso network. Show all posts
Showing posts with label Kapuso network. Show all posts
Sunday, January 26, 2014
Tuesday, January 21, 2014
Friday, November 29, 2013
Marian Rivera, gusto pa ring makasama ng ex-bf na si Ervic Vijandre
KUNG MABIBIGYAN ng pagkakataon, gusto rin daw makasama ni Ervic Vijandre ang kanyang ex-girlfriend na si Marian Rivera sa isang TV project sa Kapuso Network.
Kasalukuyan kasing guest si Ervic sa seryeng Genesis ng GMA 7 na pinagbibidahan ng boyfriend ngayon ng ex-dyowa niya na si Dingdong Dantes.
Okey naman daw sila ni Dong. Civil, ‘ika nga. Nag-shake hands naman daw sila bago kunan ang kanilang mga eksena. Masaya raw siya para sa dalawa.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, November 15, 2013
Marian Rivera, kapansin-pansin ang pagbabago ng ugali
KAKAIBANG ATTITUDE ang gustong i-project ni Marian Rivera sa press launch ng Ginebra San Miguel calendar 2014. Ang nasabing event ay inihahandog para sa nalalapit na 180th anniversary ng flagship brand Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) sa susunod na taon. Daring and sexier ang tatlong posing/ layout ng dalaga for the calendar 2014. Naging image model na rin siya noong 2009.
Ayon kay Marian, mas may confident siya ngayon kaya nagawa niya nang tama ang daring pictorial. Natutuwa siya dahil maganda ang naging resulta at nagustuhan ito ng mga big bosses ng Ginebra. Bago i-finalize ang layout, pinaa-approve muna ito sa actress.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, November 10, 2013
Tuesday, November 5, 2013
Tom Rodriguez, ‘di na ‘one of those’
PHENOMENAL ANG pagsikat ni Tom Rodriguez sa showbiz. Dati-rati’y one of those good-looking boy next door lang siya sa Kapamilya Network dahil ang dami nila sa liga.
Naisahog man siya sa pang-umagang teleserye ng Kapamilya Network na nagbuo sa pagmamahalan nina Ser Chief at Maya, hindi naman siya gasinong napansin dahil pansahog nga lang naman siya na puwedeng iba ang gumanap ng role na ginagampanan niya.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunshine Dizon, ayaw makisawsaw sa issue nina Raymart Santiago at Claudine Barretto
NALULUNGKOT DAW si Sunshine Dizon sa maraming hiwalayang nagaganap sa showbiz at isa nga rito ay ang kanyang katrabaho sa Villa Quintana na si Raymart Santiago na bukas na libro ang awayan sa kanyang asawang si Claudine Barretto at sa mga magulang nito.
Pero ayon kay Sunshine, wala raw isyang guts na tanungin o kausapin si Raymart tungkol sa problema nito sa pamilya , dahil masyadong personal na ito. Hangga’t hindi raw nag-o-open sa kanya tungkol dito si Raymart, ayaw niyang pangunahan ito.
Wala rin daw siya sa estado na manghusga, maging ang ibang tao, sa mga nangyayari sa buhay-pamilya nina Raymart at Claudine, dahil hindi naman daw natin alam kung ano ang tunay na rason ng kanilang paghihiwalay at kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang pag-aaway.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, October 29, 2013
Ai-Ai delas Alas, minalas kay Marian Rivera
“SEMPLANG QUEEN” ang taguri ngayon kay Marian Rivera dahil nga sa pagbagsak sa takilya ng pelikulang pinagsamahan nila ni Ai-Ai delas Alas, ang Kung Fu Divas. Ito nga raw ang maituturing na pinaka-flop na pelikulang ginawa ni Ai-Ai delas Alas na sinasabing nahila pababa ni Marian pagdating sa box-office appeal.
Hindi man nga raw aminin ni Comedy Concert Queen Ai-Ai ang kanyang pagka dismaya sa naging resulta ng kanilang pelikula ni Marian, pihadong nagsisisi raw ito sa kanyang desisyon na makatrabaho ang itinuturing na Reyna ng GMA-7.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, October 15, 2013
Max Collins, Succesful Ang Career Sa Kapuso
MASASABING SUCCESSFUL na nga ang karir ni Max Collis (Isabel Abiera Collins sa totoong buhay) dahil sa sunud-sunod na project na ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network simula nang lumipat mula sa ABS-CBN.
Ten years old pa lang si Max nang magsimula sa kanyang career bilang commercial model at naging cover siya ng ilang mga magasin. Trese na siya nang madiskober ng isang talent scout nang magawi siya sa lugar kung saan may nagsi-shooting. Hanggang napabilang siya sa Star Magic Circle Batch 15 ng ABS-CBN. Dito na nagsimula ang kanyang showbiz career. Nabigyan siya rito ng mga project sa acting.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, October 9, 2013
Claudine Barretto, kakasuhan na rin si Gretchen Barretto?!
HINDI PALA nakadalo si Raymart Santiago sa hearing ng kaso nila ni Claudine Barretto kahapon dahil may pictorial ang aktor para sa Villa Quintana. Natipa ko na ito nang maaga pero alam kong hindi siya dadalo dahil hapon kasi ang calltime niya sa pictorial.
Sabi naman ng ilang taong malapit sa kanila, hindi naman daw kailangan si Raymart dahil magsa-submit lang daw si Claudine ng sagot sa counter-affidavit ni Raymart sa kasong Anti-VAWC na isinampa ng aktres.
Matindi kasi ang mga rebelasyon ni Raymart sa counter-affidavit niya kaya malamang na matindi rin ang sagot ni Claudine, ‘di ba?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, September 9, 2013
Friday, August 30, 2013
Ellen Adarna, walang pinagsisihan sa pagtikim ng mga bawal
BUONG TAPANG na inamin ng sexy star/comedienne na si Ellen Adarna na nagrebelde siya sa magulang noong teenager pa.
Galing sa buena pamilya sa Cebu at the age of 13, nagawa nga niyang sumama sa mga kaibigan na mahilig magparty. “Basta nagwala na lang ako. I became a party girl and had friend na masyadong mga adventurous sa buhay. I wanted that life. Yes! I did try drugs but I never became an addict. Basta tinikman ko ang mga bawal noon pa, kaya tapos na ako diyan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, August 16, 2013
Sa katibayang ‘di siya anak ni Coco Martin Anak ni Katherine Luna, trauma ang aabutin?
TRAUMA PARA sa naniwalang anak ni Coco Martin sa sexy actress na si Katherine Luna ang biglang paglabas na hindi pala siya tunay na anak ng ABS-CBN prime artist. Ilang taon ding naniwala ang babaeng anak ni Katherine na si Coco ang ama niya kaya naman may malaking epekto ito sa bata lalo na’t malaki na rin ito.
Kahit nga walang suportang natatatanggap mula kay Coco ang anak na ito ni Katherine, simula nang isilang ito hanggang sa lumaki, hindi raw hinayaan ni Katherine na magalit ang kanyang anak sa pinaniwalaang ama. Kaya naman daw very proud itong sinasabi sa lahat na ang sikat na actor ang kanyang ama.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Artist,
BAFTA,
British Director,
Coco Martin,
DNA,
Enzo Pineda,
Hiro Peralta,
Joyce Ching,
Kapuso network,
Katherine Luna,
Kim Rodriguez,
Kristoffer Martin,
Oscar,
Sean Ellis,
Tween actor
Monday, August 12, 2013
The Thalia’s Touch: These Girls Got Lucky!
Sunday, August 11, 2013
Baka raw mawalan ulit ng trabaho Jeric Gonzales, natatakot tumaba
DAHIL SA biglang paglobo ng katawan, nawalan ng project ang male Protegee winner na si Jeric Gonzales kaya naman after ng Love and Lies at habang walang trabaho ay nagbawas ng timbang si Jeric sa pamamagitan ng pagbabasketball at gym.
Kaya naman nang pumayat na ito ay binigyan siya kaagad ng GMA ng bagong show, ang Pyra, Babaeng Apoy, kung saan katambal niyang muli ang kanyang ka-loveteam na si Thea Tolentino.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, August 9, 2013
Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, may gagawing project sa Singko?!
TOTOO KAYA ang balita na after ng teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala ni Juday Ann Santos sa Kapamilya Network na magtatapos na sa itong August, tulad ng napapagusapan, may niluluto diumano si Tito Alfie Lorenzo na manager ni Juday na isang project with Ryan Agoncillo for TV 5?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, August 2, 2013
Wednesday, July 24, 2013
Ogie Alcasid at Regine Velasquez, package deal ang paglipat sa Singko?!
HINDI NAGING madali para kay Ogie Alcasid mag-ober-da bakod sa Singko dahil sa dami raw ng demands nito kahit hindi na ni-renew ang kontrata niya sa GMA-7. Bago pa lang mag-expire ang contract ng singer/actor sa Kapuso network, nagparamdam na ito may balak siyang lumipat sa Singko. Hoping, ang tsika nga, malaki raw ang offer ng number 3 network kay Ogie. Ewan lang namin kung totoo ito o baka naman nilako lang ng manager niya na si Leo Dominguez.
Patapos na kasi ang kontrata ni Ogie sa GMA, hindi pa inaabisuhan sina Leo D. at Ogie para sa panibagong kontrata nila sa kanyang home studio. Hindi naman agad-agad gumawa ng aksiyon ang taga-Singko kaya’t inabot pa ng ilang buwan bago naayos ang lahat. Katuwiran nila, walang nagkakandarapa o naghahabol para kunin ang serbisyo ni Ogie, sila lang.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo,
Ceo Yasunari Okada,
English,
GMA,
Joyce Bernal,
Kapuso network,
Kim Chiu,
MOA,
Movie Stars Café,
Ogie Alcasid,
Regine Velasquez,
Singko,
Star Cinema,
Tagalog,
Visaya,
Xian Lim
Friday, July 19, 2013
May Indonesian at Malaysian projects naman daw Teejay Marquez, ‘di raw naiinggit sa bida roles ng co-Tweens
WALA RAW inggit na nararamdaman ang Kapuso Tweenstar at isa sa mabentang endorser ng iba’t ibang produkto sa bansa na si Teejay Marquez sa kanyang co-Tweens na pare-parehong nagbibida na sa mga teleserye ng Kapuso Network.
Kahit papaano raw kasi, hindi siya pinababayaan ng GMA-7 at binibigyan pa rin ng proyekto. Ang mahalaga naman daw kasi kay Teejay, hindi siya nababakante at laging may trabaho, kesehodang support lang siya sa mga soap ng GMA-7.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, July 2, 2013
Sa kabila ng samaan ng loob Maja Salvador, ipinagtanggol pa rin si Kim Chiu sa mga basher
NAIINTINDIHAN NAMIN ang lalim ng sama ng loob na naramdaman ni Kim Chiu nang piliin ni Maja Salvador si Gerald Anderson kaysa sa kanilang pagkakaibigan. Kahit sinong babae ang lumagay sa sitwasyon ni Kim, kauna-unawang makaramdam ng sobrang lalim ng sakit at sama ng loob kung ang taong minahal mo dati ay kasintahan na ngayon ng tinuturing mong matalik na kaibigan at naging sumbungan mo sa mga panahong sobrang bigat ang nararamdaman mo dahil nasaktan ka ng taong mahal na mahal mo.
Pero sa sitwasyon ngayon ni Kim na tumanggap ng kabi-kabilang pagpuna at pagbatikos mula sa ibang tao dahil sa pagkamatay ng kanyang ina, kung saan nakukuwestiyon ang pagiging isang anak ng anak, dito naman hinangaan at sinaladuhan si Maja. Sa kabila ng malalim na away nila ni Kim, balitang ipinagtatanggol ng aktres ang dating kaibigan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)