FROM HOSTING mukhang mas gusto talagang mag-focus sa acting ang isa sa mahusay na host at actor na si Arnell Ignacio na mapapanood naman ngayon sa indie film na I Luv U Pare Ko.
Tsika nga ni Arnell, sayang naman ‘yung mga acting workshop na
ginagawa niya sa mga mahuhusay na nagha-handle ng acting workshop abroad
na minsang nagturo sa mga Pinoy at isa nga si Arnell sa masuwerteng
napasama.
Ito raw ang mundong gustong tahakin ni Arnell ngayong taon, ang mundo ng pag-arte. Kaya
naman daw excited siyang gumawa nang gumawa ng pelikula at very
thankful nga siya at isinama siya sa nasabing pelikula, kung saan isa na
namang gay role na may gusto kay Rocco Nacino na isa ring gay sa
nasabing pelikula ang kanyang ginagampanan.
Pero hindi
naman daw porke’t priority niya ang umarte ngayong taon ay pababayaan
na niya ang kanyang hosting, kung saan siya nakikila at sumikat. Kaya
naman join din siya sa Game ‘N Go All Stars bilang isa sa co-host nina Edu Manzano at Joey De leon na pareho nitong malalapit na kaibigan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment