TWENTY FOUR years old na si Cristine Reyes sa
darating na February 5 at excited siya rito dahil bonding with family
and friends daw ang kanilang drama. Say niya, “Kasama ko buong family
ko, ang mga friends ko, sa Boracay.”
Ano naman kaya ang wish niya para sa kanyang kaarawan? “Birthday wish ko ,sana mapanindigan ko ‘tong desisyon ko sa sarili ko na mag-focus muna sa mga dapat pagtuunan ng pansin.”Pero nang mapadako na ang usapan namin sa Ate Ara niya, medyo seryoso na ang mga sagot ni AA. Kuwento niya, “Well, siyempre ‘pag ako ang tatanungin n’yo, mas gusto kong magkaayos kami. Kasi anuman ang mangyari, kahit hindi man kami ganu’n ka-close ni Ate, magkadugo pa rin kami.”
Gagawa pa ba siya nang paraan na magkaayos na sila totally? Nauna na kasing nagpahayag ng sorry si Cristine noon sa Ate Ara niya, pero humantong pa rin sa demandahan ang kanilang hindi pagkakaintindihan.
No comments:
Post a Comment