HINDI NAMIN alam kung maiinis kami sa pinanonood namin o sa sarili namin. Hahahah! Nakakalokah talaga ‘yang Minute To Win It ni
Luis Manzano, huh! Nakaka-delay ng work. Imbes na me nagagawa kami sa
umaga, nakatutok na lang kami ‘pag umpisa na ng 60 seconds sa bawat
game.
Hanggang sa ‘eto na nga, inimbitahan na kaming sumali sa game show ni
Luis. At hindi na kami nagdalawang-isip. Aba, choosy pa ba eh ‘eto na
nga ‘yung opportunity na makaranas na maglaro para naman mas
maintindihan namin ‘yung damdamin ng bawat contestant na natataranta
dahil sa isang minutong napakaginto para sa kanila para hindi
ma-eliminate sa game at makaakyat hanggang P1M.
Pero pasensiya na kung hindi muna namin mape-preempt sa inyo ‘yung naging karanasan namin sa Minute To Win It,
ha? Basta ginawa naman namin lahat ang paraan para makaakyat sa
pang-ilang level, kaya sana, ‘wag n’yo na ‘kong sabihang “Ang
tanga-tanga mo naman, Ogie. Para ‘yun lang, hindi mo pa nakuha!”
Eh, kayo man ang lumagay sa sitwasyon namin, juice ko, nakakataranta
talaga. Sabayan pa ng audience na kung minsan ikaiirita mo, dahil
andaming suggestions at parang alam na alam ‘yung game kung makasigaw.
Hahahaha! Basta abangan n’yo na lang, ha? Ipapakita naman ‘yon kung kelan ‘yon, eh.
continue reading www.pinoyparazzi.com
No comments:
Post a Comment