LAST JANUARY 20, watch kami ng champion match ng
Princess and I Royal Fair: Final Game sa pagitan ng Team Gino ni Daniel
Padilla at Team Jao ni Enrique Gil na ginanap sa SM Mall of Asia (MOA)
Arena. Kasama sa mga naglaro ang mga sikat na professional basketball
player at UAAP cagers na sina Jeric Fortuna ng UST at Jeron Teng ng De La Salle University bilang guest players.
Siyempre, all-out support ang buong cast, present sina Gretchen
Barretto, RS Francisco, Khalil Ramos, Albert Martinez at Kathryn
Bernardo na nagbigay ng kanyang dance number before the opening of the
basketball game. Nandu’n din sina Daddy Rommel Padilla (bilang suporta
sa anak niya si Daniel), Dominic Ochoa, Janice de Belen, Malou Santos,
Direk Laurenti Dyogi at Olivia Lamasan. Tumayong emcee sina Matteo
Guidicelli, Robi Domingo at Melai Cantiveros.Kahit more than 3 hours waiting before the start of the game, parang wala lang sa fans. Alive pa rin sila, tilian tuwing lalabas on the big screen ang kanilang idolong sina Daniel at Enrique. Hindi sila napapagod sa kaka-emote ng mga banner ng kanilang idolo. Lalo na nang tawagin ang pangalan nina Gino at Jao sa basketball court. Grabe to the max ang hiyawan at tilian ng fans nang lumabas ang dalawa. Pero mas malakas, matindi ang mga fans ni Daniel kaysa kay Enrique. Pagpapatunay lamang na sila na ngayon ang pinaka-hottest young stars of their generation. Ngayon lang muli kami nakasaksi na ganitong katindi ang pag-idolo ng fans sa kanilang paboritong artista.
Sa 1st and 2nd game, lamang ang team ni Enrique pero pagdating sa 3rd final round, humataw ang team ni Gino, nagpakitang-gilas ang mga ito. Sila ang tinanghal na champion sa score na 100 (Team Gino) , 94 (Team Jao). In fairness, sa nasaksihan namin, mas magaling maglaro ng basketball si Enrique kaysa kay Daniel. ‘Yun nga lang, mas sikat si Gino kaysa kay Jao kung hukbo ng tagahanga ang pag-uusapan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment