MARAMING NAPAHANGA sa kanyang galing sa pag-arte ang
isa sa maituturing na newest Kapuso Star na si Max Collins sa isa sa
top rating soap ng GMA 7 na Pahiram ng Sandali, kung saan nakikipagtagisan ito ng galing sa pag-arte with award-winning actors Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, Christopher de leon at Alessandra De Rossi.
Very Thankful nga raw
si Max sa magandang break na ibinigay sa kanya ng GMA 7 na mapasama sa
nasabing serye, dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang
mahuhusay na actor sa bansa.
At kahit nga medyo daring ang ilang eksena nito sa nasabing soap,
carry lang daw ni Max dahil maganda ang nasabing proyekto at
kinakai-langan naman daw sa role na kanyang ginagampanan dito.
No comments:
Post a Comment