DAHIL USONG-USO ngayon among local stars ang pagpapakita ng behind from Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo sa One More Try at Richard Gutierrez sa Seduction, game rin daw ang isa sa lead star ng I Luv U Pare Ko na si Rocco Nacino na magpakita rin ng puwet sa kanyang pelikula.
Basta raw maganda ang proyekto, gagawin daw ito ni Rocco. Gusto na
raw kasi nitong gumawa ng mga matured roles kaya naman daw kung
kinakailangan talaga sa eksena ay gagawin niya maliban sa
pakikipaghalikan sa kapwa lalaki na ayon dito ay may tamang panahon para
gawin, kapag kaya na raw niya at handang-handa na siya rito.
Tsika pa ni Rocco, hindi raw big deal sa kanya kung isa na namang gay
ang role na kanyang ginagampanan sa nasabing indie film na una na
niyang ginawa sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, kung saan nanalo siya sa PMPC Star Awards for Movies for Best New Movie Actor, dahil maganda raw ang istorya ng pelikulang ito at maganda ang role na kanyang ginagampanan.
No comments:
Post a Comment