Thursday, March 14, 2013

Ang Animo’y Asong Ulol na Opisyal ng DA!

MAGANDA AT makabuluhan ang panawagan ni Cong. Jack Enrile na mabigyan ng ayudang pang-edukasyon ng Department of Agriculture ang mga anak ng mga magsasaka at mangingisda. Marami sa ating mga magsasaka at ma-ngingisda ang walang kakayahang pag-aralin ang kanilang mga anak dahil sa sobrang kahirapan.
At mas lalong humirap pa ang buhay nila ngayon dahil sa lumalalang problema sa smuggling ng mga bigas at gulay.  Talamak na rin ang smuggling ng isda dito sa ating bansa. Ang mga smuggled fish na galing China at Korea ay kinabibilangan ng Mackerel, Galunggong at Tamban.
Ang mga magsasaka at mangingisda ang literal na nagpapakain sa ating lahat. Pero ang nakalulungkot, ang mga taong mismong nagpapakain sa atin ay halos wala nang makain dahil sa kahirapan.
At kung halos wala na nga silang makain mas lalong wala silang maipapaaral sa kanilang mga anak. Ngayon pa lang, nakasisiguro na si Cong. Enrile ng suporta ng mga magsasaka at mangingisda sampu ng kanilang mga pamilya.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment