0947-202**** – Magandang umaga po Sir! Nais po
naming idulog sa inyo ang aming problema. Ang asawa ko po ay OFW sa
bansang Jeddah. May mga problema po sila roon at ang masaklap pa, isa sa
kasamahan nila ang naaksidente at naputulan ng dalawang paa. Ayaw pong
makialam ng agency namin. Sana po ay matulungan ninyo kami rito.
0930-218**** – Good day po, Sir Raffy! Nais ko po
sanang ireklamo ang K9 Security Agency na walang awa sa amin. Ang sabi
nila noong unang apply namin, minimum daw po pasahod nila, pero nang
makapasok na kami, P390 na lang kada araw nakukuha namin at ang laki pa
ng kaltas sa 15th day, P600 po. ‘Di po namin alam bakit ganoon. Sana po
ay matulungan ninyo kami.
0922-531**** – Magandang araw po, Idol! Meron po
sana akong irereklamo sa lugar namin sa Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City
na nagkalat ang mga video karera sa aming barangay. Sana po ay mapahinto
na ang iligal na gawaing ito. Sa inyo na lang po kami umaasa dahil
walang aksyon na ginagawa ang barangay chairman namin dito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment