Sunday, March 17, 2013

Daniel Padilla, unti-unti nang natutupad ang mga pangarap

RAMDAM NAni Daniel Padilla ang kasikatang tinatamasa niya sa ngayon. Marami siyang mga pangarap para sa kanyang pamilya na gusto nitong matupad. Maipagpatayo ng sariling bahay ang Inang si Karla Estrada at mga kapatid sa Tivoli Royal, Fairview na malapit sa bahay ni Direk Wenn Deramas. Matalik na magkaibigan sina Direk at Ina ni DJ kaya naging malapit ito sa kanyang mapagmahal na Nanay noong nabubuhay pa ito.
Naikuwento ni Direk Wenn ang mga pangarap ni Daniel noon kung sakaling palarin siyang sumikat bilang artista. Magkaroon sila ng sariling bahay. Mapagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid at mabigyan ng magandang buhay ang mga ito. Kahit medyo nakaluluwag na sila sa buhay dahil sa dami ngayon ng endorsement ni Daniel, itinatabi ni Karla sa bangko ang kinikita nito.
Hindi raw maluho si Daniel, kung ano lang ang kailangan, ‘yun lang ang bibilhin. Maging ang kama raw nitong luma ay ‘yun pa rin kahit may kaliitan na para sa kanya, hindi pa rin napapalitan, ayon kay Mommy Karla. Katuwiran ni DJ, puwede pa naman daw tulugan bakit kailangang palitan ? 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment