SA TUWING may
ilalabas na resulta para sa alin mang survey, dapat palaging kalakip
nito ang pangalan ng grupo o tao na nagbayad upang maisagawa ang
nasabing survey. Importanteng malaman ito ng sambayanan.
Ang resulta ng isang survey ay nakapag-iimpluwensya sa desisyon ng
isang tao lalo na sa panahon ng eleksyon. Para sa isang pangkaraniwang
mamamayan, halimbawa, mas pipiliin niyang botohin ang isang kandidato o
mga kandidato na nangunguna o pasok sa survey.
Iisipin niyang bakit nga naman niya sasayangin ang kanyang boto sa
isang kandidato o mga kandidato na talunan sa survey. Pero ang hindi
niya alam, ito ang eksaktong gustong itanim sa isipan niya – at sa iba
pang mga katulad niya – ng mga nagpapa-survey.
Ito rin ang bukod-tanging dahilan kung bakit handang gumastos ng
milyun-milyon ang mga kandidato para magpa-survey. At siyempre, ang mga
sumuka ng pera ang siyang mga papaboran at palilitawin na llamado sa
survey.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment